Page 26

1.7K 88 12
                                    

     Nahanap ni Timmy ang restaurant na sinasabi sa kanya ni Jeffrey Grant. Malakas ang kanyang kaba dahil sa di niya parin alam kung ano ang maaabutan niya sa pagkikita nila ulit ng taong nagbabakasakaling siya ang anak na di nakilala ng kapatid nito. Habang umaakyat siya sa hagdan ng isang magarang restaurant ay nakikita na niya ang kanyang kakatagpuin. Pero mas nagulat siya dahil may dalawa pa itong kasama. Mga lalaki na hindi nalalayo sa kanya ang edad.

  Nasipat naman siya agad ni Jeffrey Grant at agad siya nitong nilapitan. Nakangiti ito at bigla nalang siyang niyakap. Nagtataka parin siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon sa ginawa nito sa kanya.

"Let's go over that table. I want to tell you everything."pag aya nito sa kanya. Sumunod nalang siya dahil malaki parin ang pagkabigla niya sa mga nangyayari.

  Tumingin sa kanya ang dalawang lalaki. Yung isa ay inalis agad sa kanya ang tingin samantalang panay naman ang ngiti sa kanya ng isa.

"Adam.. Gabriel.. This is Timothy.. Timothy sila ang mga anak ko.. Sila ang mga pinsan mo." yun lang ang sinabi ni Jeffrey Grant na tuluyang nagpalaki ng kanyang mga mata...

  "Pa--papano? Hindi ko po kayo maintindihan.." nauutal niyang tanong sa matandang katabi niya. Natawa naman bigla si Gabriel. Hindi niya alam kung maiinis ba siya dito o hindi na lang niya papansinin dahil umiikot nanaman ang kanyang paningin. Tila sunod sunod na ang nangyayari sa kanyang hindi niya lubos na maintindihan.

  "Timothy.. Sabi ni Papa.. You are our cousin. Ibig sabihin nun anak ka ni Tito Jerome. Ang long lost son niya." sabat ni Adam sabay ngiti nito sa kanya.

  Biglang may inabot sa kanya si Jeffrey Grant. Nanginginig namanang kamay niya ng makita niya ang isang papel. DNA Result yun na pinapakita ang match na DNA sample niya at sample ni Jerome Grant. 99% Accurate yun. Positive na anak siya ni Jerome Grant.

  Hindi muna siya nakaimik. Kaya pala sobra na ang lakas ng kaba niya dahil ito ang mangyayari. Hindi parin pumapasok sa kanyang sistema ang rebelasyon na yun sa buhay niya. Sa wakas, nasagot narin ang matagal na niyang tanong sa buhay niya. Hindi niya alam kung ano na ang iisipin pa. Ang gusto lang niya ay malaman ang totoo at yun lang. Anuman ang meron ang kanyang ama, wala na siyang pakialam dun. Dahil hindi naman niya ito nasilayan. Hindi niya ito nakilala.

  "Now. You will be a part of the family. And most of all, everything that your father left you, mapapasayo lahat yun. And I am happy that it was you all along."

  "Maraming salamat po at nakilala ko na kung sino ang ama ko. Pero wala po akong dahilan para maging parte ng pamilya niyo. Lumaki ako na hindi ko siya kilala. Hindi ko na rin po inaasahan kung anuman ang makukuha ko sa kanya. Ang gusto ko lang po ay makilala ang ama ko." walang emosyon niyang basag sa sinasabi ng kanyang katabi. Nagulat naman ito sa sinabi niya

"You see Papa.. Not everyone loves to be a Grant.. Siya na mismo ang nagsabi na wala siyang pakialam sa yaman ni Tito Jerome. I am amazed na may laking hirap pala na ayaw sa pera ng mga Grant?" sarkastikong sabat ni Gabriel sa kanila.

"Will you shut your mouth Gabriel?! Nandito tayo para iconvince si Timmy na maging parte ng pamilya natin. He deserves to be a Grant. His Dad was always aching to find him. Tapos ngayon na nahanap ko na siya you will say those nonsense?" galit na tugon naman ng matanda sa anak nito na nakalukot parin ang noo.

  "Hindi ko po gustong maging parte ng pamilya ninyo. Wala po akong dahilan para maging parte ng pamilya ninyo. Kaya sana hayaan niyo nalang po ako sa aking kagustuhan. Aalis na po ako." pagpapaumanhin niya at tuluyan na siyang umalis sa kaniyang kinalalagyan.

Hindi pa siya nakakalayo ay nagisnan na niya ang mukha ni Tommy. May pasa ito sa kanyang pisngi. Biglang may kung anong kumurot sa kanyang puso. Hindi niya gustong nakikitang ganun ang itsura ni Tommy. Hindi niya akalain na magiging ganun ang sasapitin nito dahil sa mga maling naging desisyon niya. Hindi din niya makuha kung bakit ito nandito?

"What the hell are you doing here?? Diba sinabi ko na sayo na ayaw ko ang makita ang mukha mo? Ang kapal mo rin magpakita sakin.."

  "Hindi ko alam na pupunta karin dito. May nakipagkita lang sakin na mga tao. Papaalis narin ako. Pasensiya ka na Tommy.."

  Hindi parin niya inaalis ang titig niya dito. Nakikita niya ang pamumula ng mga mata nito. Labis siguro ang sakit na nadulot niya dito para magkaganun ito. Parang hindi na ito ang Tommy na nakilala niya.

"Tommy!! Thank God you're here at nag abot pa kayo ni Timmy.. Hindi ko na alam kung paano i eexplain sa kanya ang lahat." pagbasag sa kanilang sandali ni Jeffrey Grant. Ang kanyang tiyo.

"What is this all about Mr. Grant? Bakit mo nakilala si Timmy? At bakit siya nandito?" gulat na gulat na tanong ni Tommy.

  "Magkakilala pala kayo? Well, he is Timothy Chan. Now he is Timothy Grant."

Hindi nakaimik si Tommy sa narinig nito mula sa kanyang Tiyo. Siguro mas malaki parin ang gulat nito kesa sa kanya. Dahil baka isipin rin nito na pinaikot lang siya ng kanyang Tiyo. Pinaglalaruan nga siguro siya ng tadhana. Tadhana na hindi niya na alam kung saan ba papanig.

  "You're kidding right? This person? Siya ang anak ni Sir Jerome? Paano nangyari yun?" tuloy parin ang pagtataka ni Tommy.

"Look Tommy.. It just so happened na nagkita ulit kami ng Mama ni Timmy. And his mother was the one Kuya Jerome fall in love with. Marami ang nangyari kaya nawala siya sa aming bahay noon. Kuya Jerome knew that she was pregnant. And after 27 years. Nahanap ko narin ang kanyang anak.." pagpapaliwanag naman ng tiyo niya kay Tommy.

  Naguguluhan parin si Tommy. Hindi ito makatingin sa kanya o sa kanyang tiyo manlang.

"This is just absurd.. Hindi ko talaga akalain na this was meant to happen.. This is ridiculous." nasambit ni Tommy bago ito nagmadaling umalis sa kanilang harapan. Hindi naman nagdalawang isip si Timmy na habulin si Tommy. Kailangan niya itong paliwanagan ng maraming bagay. Ayaw na niyang saktan pa ito ng mas malalim pa. Natatakot na siya na baka mawala na ng tuluyan ang natitirang ugnayan meron sila.

"Tommy! Sandali lang.. Kausapin mo muna ako.. Ipapaliwanag ko sayo lahat." pagpigil niya kay Tommy. Nahawakan niya ang braso nito na biglang nagdulot ng kung anong kuryente sa kanya. Nakikita niya ang pamumula nanaman ng mata ni Tommy.

"Don't explain to me. Wala kang dapat ipaliwanag pa.. I don't want any of this anymore.. Para talaga akong pinaglalaruan ng tadhana. This is just amazingly insane." may halong galit na sambit ni Tommy. Hindi ito nakatingin sa kanya.

Pero sa hindi niya malamang dahilan ay agad niya itong pinaharap sa kanya. Hinawakan niya ang mukha nito. Kita parin niya ang malaking pasa dito. Hindi niya maiwasang hindi maawa sa nangyayari sa kanilang mga buhay. Para silang umiikot sa isang mundo na sila lang ang laman.

"Wala akong intensyon na maging bahagi ng pamilyang yun. Ayaw kitang masaktan Tommy. Yun ang katotohanan. Pinili kong lumayo kasi alam ko na yun ang magpapagaan sa nararamdaman mo. Pero hindi ko sinasadya lahat. Sana mapatawad mo ako. Hindi man ngayon. Sana balang araw. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan dahil pakiramdam ko nasasaktan din ako. Mahalaga ka sakin Tommy." mahinahon niyang sabi dito na biglang kinaluha nito.

Malakas na tinulak siya ni Tommy palayo dito. Kita niya ang naluluha na mga mata nito.

  "Wala kang dapat ihingi ng tawad. Ako ang nagmahal. Ako ang tanga. Hindi ko lang akalain na isa ka sa magiging susi para makuha ko ang pangarap ko. Now that it is known.. Parang gusto ko nang bumitaw. Dahil alam kong wala kang paninindigan. Duwag ka Timmy. Wala kang isang salita!" panunumbat nito sa kanya. Halo halo na siguro ang emosyon nila noon. Hindi na nila alintana kung nasaang lugar sila.

Hinapit ulit ni Timmy si Tommy sa mga kamay nito. Ngayon nakikita na niya kung sino talaga ang matapang. Oo tama si Tommy. Duwag nga siya. Wala siyang paninindigan. Ang damdamin nga niya para kay Dale ay di niya mapanindigan. Madaling magbago ang isip niya. Pero ngayon, pinukaw na siya ni Tommy. Ang mga luha nito ay nagpapatunay na ito ay totoong nagmamahal sa kanya. Bakit nga ba hindi niya ito binigyan ng pagkakataon? Siguro ito na ang tamang panahon. Kailangan maitama na niya ang mali niyang mga desisyon. At si Tommy ang magtatama ng lahat ng yun.

Hinalikan niya si Tommy sa labi. Isang halik na nangungusap. Halik na humihingi ng pagkakataon. Banayad na halik na kahit hindi natutugunan ay binibigay niya parin dahil alam niyang dapat lang yun sa kanya.

    Handa na siyang maging taong may paninindigan...

  ~~to be continued..

  

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon