Page 29

1.6K 81 1
                                    

   Tommy

     Hindi parin siya mapakali dahil sa ngayon niya lang ulit makikita si Timmy. Ilang araw din siyang walang balita dito. Nalaman niya lang na nagkasakit ang Mama nito pero hindi niya ito magawang tawagan manlang. Nandoon parin ang kanyang takot. Ayaw niyang magkamali nanaman sa akala niya. Alam niya na nagiging mahina siya pagdating kay Timmy. Noong araw na nalaman niya na siya ang tagapagmana ni Jerome Grant ay sobra ang kanyang pagkagulat. Nalilito na siya kung ano pa ba ang magiging trato niya kay Timmy. Deep inside him alam niyang mahal niya parin ito. Pero hindi niya na alam kung paano pa magtitiwala ulit. Ayaw na niyang umasa ulit.

  "He is here. Malalaman na natin kung ano ang magiging desisyon niya. I just wish na matulungan niya tayong mabawi ang leadership sa The Colors." basag sa kanyang katahimikan ni Mr. Grant. Nakaupo sila sa mahabang mesa na gawa sa yakal na inukit na parang medieval dining table. Napakaganda ng loob ng bahay ni Jerome Grant. Hindi niya akalain na ganun kagara at kalaki ang magiging tahanan ni Timmy kung sakaling tanggapin niya nga ito.

  "Sana nga. He is our only hope now. We are running out of time. Mas dumadami na ang nakukuhang ally si Gerald. Mahihirapan na tayo kapag mapersuade na niya lahat ng shareholders." mahina niyang sagot sa matanda. Kailangan nilang mag ingat dahil ayaw nilang marinig ito ng lawyer ni Jerome Grant.

Hindi naman nagtagal at bumungad na sa kanilang salas si Timmy. Kasama nito ang nasa wheelchair pa niyang Mama at dalawang babae na hinala niya ay mga kapatid nito. Kita niya ang pagod sa mukha ni Timmy. Nahahawa narin siya sa katamlayan nito. Pero kailangan niyang maging malakas. Dahil kailangan na mapapayag niya si Timmy na tanggapin ang kanyang mamanahin. Linapitan naman ito agad ni Atty. Franco De Leon.

  "Mr. Grant.. I am happy to finally meet you. I am Atty. Franco De Leon. I am your father's legal adviser and I am managing his wealth for a couple of years now. Ngayon na nahanap ka na namin.. It is time for you to hear your father's will. Please take a seat." pagpapakilala ng Atty. kay Timmy na hindi parin alam kung ano ang magiging reaksyon.

  "Timothy.. Ano ba kasing nangyayari? Anong ginagawa natin sa bahay na'to?" pag uusisa ulit ng ate nito na hindi rin mapakali.

  "Please.. Just hear what the lawyer will say. Magiging maliwanag din ang lahat." pagpapakalma naman ni Mr. Grant sa naguguluhang mga kapatid ni Timmy.

  Umupo sila at nakinig ng tuluyan. Hindi parin maiwasan ni Tommy na tingnan si Timmy. Nakatingin ito sa kawalan. Kailangan niyang makausap ito pagkatapos ng lahat. Kailangan niyang makumbinsi ito.  Kailangan nitong makita na ang lahat ng nangyayari sa kanya ay nararapat lang na makamtan niya.

  "Before he died.. Mr. Jerome Grant made me arrange his will because he knew he had an illness. He wants me to find out the truth about his lover named Celestina Chan. They had an unborn child before she left the Grant Mansion 27 years ago. And after everything that I did, I failed to find her. Luckily, Mr. Jeffrey Grant found the whereabouts of Ms. Celestina Chan and also found out that you, Timothy Chan was the son of Mr. Grant. Now, about the will, kailangang isalin ko ito sa tagalog para maunawaan mo at ng iyong pamilya. Ibinibilin sayo ni Mr. Grant ang bahay na ito at lahat ng kanyang naiwang pera sa banko na nagkakahalaga ng 100 Million Pesos. At tungkol sa kanyang shares sa Atlantic Mining Corp. ay ipinalipat narin iyon sa pangalan mo. You own half of the company's shares that makes you its top shareholder. Ang iba pang natitirang mga properties at isang restaurant ay ibinibilin niya sa iyong Mama. Dahil iyon ay ang pangarap ng Mama mo noong magkakilala sila. Everything will be yours once you acknowledge yourself as a Grant." mahabang pahayag ss kanila ng abogado ni Mr. Grant.

  Nakita niya ang pagkatulala ni Timmy. Siguro ay hindi parin nito maabsorb sa kanyang isipan na isa siyang mayamang tao. The shares that he have is worth almost a billion. Ganun siya kayaman na pati siya mismo ay hindi ito kayang maabot.

  "Tatanggapin ko lahat ng ibinilin sa akin ng aking ama. Isa lang ang aking hinihiling. Ako ang magdedesisyon kung paano ko pamamahalaan ang naiwan ng ama ko sakin." malamig na saad ni Timmy.

Nagkatinginan naman sila ni Mr. Grant. Hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ni Timmy sa kanyang hinihiling. At bigla namang nagsalita si Atty. De Leon.

  "Well if it is what you want, just tell me and I will decide afterwards."

  "Kailangan kong mag.aral muna sa ibang bansa.. Ang mga binilin ng aking ama para kay Mama ay tatanggapin nila. Pero hanggang hindi pa ako nakakabalik, ikaw muna ang hahawak ng lahat Atty. De Leon. Ipagkakatiwala ko sayo ang pamamahala ng kayamanan ng aking ama." agad na sagot ni Timmy na mas kinagulat pa niya. Bigla nanaman nagbago ang desisyon ni Timmy. Siguro nga tama lang na hindi siya tuluyang umasa na matutulungan siya ni Timmy. Paano pa nila mababawi kay Gerald Eizenger ang The Colors.. Maghihintay pa sila ng dalawang taon? Paano nalang kapag nawala na ito ng tuluyan sa kanila.

  "Tutulungan kitang pamahalaan ang kayamanan mo Timothy.. But you see, you have to take it once I have read the will. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang pagtanggap mo dito dahil ang stability ng posisyon ng Papa mo sa Atlantic ay nanganganib narin. You will learn everything from me. You have your uncle who is a great businessman." pagtanggi ni Atty. De Leon. Sana lang ay madala si Timmy sa sinabi ng abogado. Hindi na pwedeng ipagpaliban pa ang lahat.

  "Kung ganun.. Kailangan kong tanungin si Tommy tungkol dito. Sa kanya ako may tiwala sa maraming bagay." baling ni Timmy sa kanya. Nagkatitigan naman sila. Agad niyang binawi ang kanyang tingin at binaling niya ito sa ibang direksyon.

  "Tommy? Handa ka bang tulungan ako? Sayo lang ako nagtitiwala.." saad ni Timmy sa kanya at agad naman siyang tumingin dito. Nandoon padin ang kagustuhan niyang tanggihan ito. Ayaw na niyang umasa kay Timmy pero kailangan niyang bigyan ulit ito ng pagkakataon.. Ano nga ba ang magagawa niya na kailangan din niya ngayon ang tulong nito. Bahala na yun ang nasa isip niya.

"I think Atty. De Leon is right.. It is rightful na sundin mo ang will ni Mr. Jerome Grant. I will help you out know everything. Kailangan karin ng uncle mo ngayon. You know what I am talking about."

  Tumango naman si Timmy at tiningnan nito ang kanyang Mama na wala paring imik. Ang mga kapatid niya naman ay hindi parin mapakali. Bigla ngang nagsalita ang kanyang Mama.

  "Anak.. Sige na. Tanggapin mo na ang binilin sayo ni Jerome. Magiging maayos ang lahat kapag tinanggap mo yun. Ayoko nang pigilan ka sa mga gusto mong gawin. Ikaw ang magdedesisyon sa lahat simula ngayon. Ikaw ay isang Grant. Kaya wala na akong magagawa kundi ipaubaya sayo ang lahat."

  Sa pagpayag ng kanyang Mama ay agad din namang nagdesisyon si Timmy. Kita niya sa mukha ni Timmy ang pag aalinlangan. Nakakatakot maging isang Grant. Alam niya ang nakakabit na responsibilidad doon. Isang pangalan na kilala ng maraming tao. Pero alam niya na kakayanin ni Timmy yun. Tutulungan niya ito. Magsisimula ulit sila. Pagtitibayin niya ulit ang pagkakaibigan nila. Mahal niya ito pero sa ngayon, kailangang ayusin muna nila ang gulo sa kanilang ginagalawang mundo.

"Then are you now acknowledging your father's name Timothy?" tanong ulit sa kanya ni Atty. De Leon.

  "Opo Atty.. Tinatanggap ko na lahat ng para sakin.."

  Doon lang siya nakahinga ulit ng maluwag. Siguro nga kailangan lang ni Timmy ang kunting pagpilit. Mahirap man pero kakayanin niyang ipaunawa dito ang lahat ng dapat niyang malaman.

  Ang problema nalang nila ngayon ay kung malaman ni Dale at Gerald Eizenger na si Timmy ay ang nag iisang anak ni Jerome Grant. Dahil nalaman niya na inaalam din ng mga ito ang tungkol sa bagay na yun.

~~to be continued..

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon