Timmy
Hindi ko na talaga alam kung ano pa ang gagawin pa sa mga oras na 'to.. I am in the middle of chasing the only person that I ever loved and trying to tie down this problem I have with the company. And this woman in front of me now is the only one who can fix the problem that is brewing around my company.
A few months ago...
Habang wala pa akong nakukuhang sagot mula sa bagong kompanya na inaacquire ng Atlantic Corp. ay wala akong nagawa kundi maghanap ng mga bagong company na in the brink of bankruptcy.
Atty. De Leon was very eager for the acquisition of Coconut Processing Plant dahil in demand sa Europe ang Coconut products. Pero nahihirapan akong makahanap ng kompanyang may kinalaman doon.
Then suddenly Helios came into the picture. A very well known company that produces different kinds of product made from its 200 hectares Factory located somewhere in Northern Luzon. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na ibid ang company para mapasa amin na yun.
But sometimes, things are not in the way I want it to be. May humaharang sakin para makuha ko ang Helios and it was Mr. Richard Folden. Isang French businessman na gusto ring makuha ang Helios. He bided more than what I can only give and the only way to get it was to make a bargain.
Dahil sa sobra kong pag iisip tungkol sa pagkuha ng kompanya ay napabayaan ko na si Tommy. Hindi ko na siya halos makausap dahil sa time difference. Tatawag siya sa hapon doon sa Amerika pero minsan ay hindi ko na siya nasasagot dahil tulog pa ako sa mga oras na yun o kaya naman nagmamadali nang pumasok sa trabaho. I hated that feeling. Hindi ko alam kung bakit di ko manlang nasasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya samantalang madali lang naman.. Siguro dahil narin sa ayaw ko siyang masiyadong mamiss. Yun nalang ang iniisip ko. Pero pakiramdam ko naman ay nagiging unfair na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Love Like This (boyxboy) (cmplt)
Lãng mạnKapag pinag uusapan ang temang "pag-ibig".. Agad itong iniiwasan ni Tommy. Alam niya naman na kapag iyon ang pinag uusapan ay wala siyang ideya dahil kahit kailan ay hindi pa niya ito naramdaman. Sabi nga ng pamilya, mga kaibigan at katrabaho niya...