It was getting harder as he thought. The more na gusto niyang malaman kung sino talaga si Gerald Eizenger ay mas lalong nawawala ang mga leads niya. The only thing he knows now ay German ang tatay nito. Everything around this guy is blurry.
Tiniklop ni Tommy ang kanyang laptop at pinaikot ang kanyang swivel chair upang makaharap siya sa glass window ng kanyang opisina. Nakikita niya ang nagtataasang building around the business center of the city. Hindi niya parin maiwasang kabahan dahil at any time and any moment, Gerald Eizenger might have the company all to himself. At yun ang gusto niyang iwasan.
He talked to three new potential investors the past few days pero unfortunately nagdadalawang isip pa ang mga ito dahil narin sa commotion sa kompanya at ang biglaang pagbabago ng leadership. Idinadahilan nila na baka hindi na kayang patakbuhin pa ni Mr.Grant ang The Colors.
At biglang may nagbeep sa kanyang intercom.. Sinagot niya ito in a very sad way.
"Hello Mr. De Jesus.. Someone named Timothy Chan has an appointment with you? We just need to confirm." tanong ng receptionist nila. Biglang may kung anong tuwa ang biglang naramdaman ni Tommy.
"Yes yes.. Let him come to my office. Please lead him the way. Thanks!" naeexcite niyang sagot sa receptionist bago niya ito ibaba at ayusin ang sarili. Hindi niya alam pero simula kasi nang magkakilala sila ni Timmy ay hindi na ito nawala sa isip niya. Kahit iniisip niya ang kalagayan ng kompanya ay pilit paring sumisingit si Timmy sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung anong klaseng pakiramdam yun.
At may kumatok na nga sa kanyang opisina. Excited niyang binuksan iyon and to his dismay.. Hindi si Timmy ang naghihintay sa labas.. Si Dale yun at magkasalubong ang mga kilay nito.
"Can we talk for a second. I just need to confirm some things." walang buhay na sambit nito at tuloy tuloy na pumasok sa kanyang opisina.
"What is it that you wanna talk about Dale? May problema ba sa reports ko?" nagtataka niyang tanong dito. Hinarap siya nito na para bang napakalaki ng atraso niya dito.
"My assistant is asking why you kicked out Madeline as your assistant. She was a competent employee.. Bakit bigla bigla kang nag fafire ng mga tao without my knowledge?" galit nitong tanong sa kanya. Kahit kailan talaga hindi niya makakasundo si Dale. Para silang tubig at langis.
"As far as I know Mr. Almosa.. I have the right to fire my own assistant. And if you are telling me she was competent. No, she wasn't. She is not doing her job as my assistant. She is merely displaying her body in front of me. She is not even qualified to be in this kind of company." madiin niya namang rason. Sobrang laki na talaga ng pinagbago niya. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang lakas ng loob na yun para sagot sagutin si Dale.
"I did not know you have this kind of courage in you. So you are really something Mr. De Jesus. Papalampasin ko ang ginawa mong 'to.. Pero sa oras na mag hire ka ng bagong assistant.. Make sure that I will be the one who will do the interview. I dont want anyone "qualified" enough to our company. I want "competitive" enough to last the pressures of this company. Do we understand each other?" panghahamon sa kanya ni Dale. He was just looking intently towards him. Wala siyang ibang reaksiyon kundi ang tignan lang ito.
Mapapahamak si Timmy kapag si Dale ang gumawa ng interview. But he has no choice. He knows na kakayanin ni Timmy ang kahambugan at pagkaistrikto ni Dale.
"I will make sure of that. I will make sure that my new assistant will be competitive enough to be here in the company." pagmamalaki niya. Kahit hindi siya sigurado ay kailangan niyang pagtiwalaan ang kakayanan ni Timmy.
At umalis na si Dale sa kanyang opisina bitbit ang iritadong mood nito. He is making him feel more challenged. Nararamdaman yun ni Tommy kaya hindi niya pwedeng basta basta lang din itong kalabanin. Hindi pa niya alam ang buong pagkatao ni Dale. May mga bagay itong pilit na itonatago sa mga tao.
Di nagtagal ay may kumatok nanaman.. He is not yet ready kung ano ang sasabihin kay Timmy. Madami pa itong dapat matutunan ang he can't teach him all that in just one day. At hindi pwedeng mabakante ang assistant position niya dahil ito ang pinakaimportante sa lahat. He can't do things on his own.
At nang buksan niya ito, nandoon na nga ang kanyang hinihintay. He lookd at him from head to foot. Hindi niya akalain na ganun pala kagwapo si Timmy kapag nag aayos ng formal. He was very professional looking. He thought na magiging madali ang lahat. He just need to make it with Dale.
"Ahh.. Hello.. I am Timothy Chan. I am here to apply as an assistant to the Human Resource Manager. I am hoping that you will see my potentials and be a part of this awesome company." pagpapakilala nito na tila parang pinagpraktisan lahat ng kanyang sinabi.
Natawa siya bigla at pinapasok niya na sa loob ng kanyang opisina si Timmy. Hindi niya akalain na seryoso na talaga ito na makapasok sa kompanya. But he was impressed. He always knew that Timmy has it in him. Kailangan niya lang mapolish. Kaya nitong makipagsabayan sa mga tao sa kompanya. Knowing that the standards of The Colors is very high.
"Alam mo Timmy. You came here as my friend so wag ka munang maging seryoso. Pero dahil nga sa sinimulan mo na, I have to be honest with you. Hindi lang ako ang dapat mong maimpress. You have to pass the interview of our General Manager." pagpapaliwanag niya dito. Napatulala naman ito sa sinabi niya.
Tiningnan nito ang buong opisina niya. His office is filled with greens and white shades of paint. Lahat ng muebles niya ay light colored kaya magandang tingnan sa mata. Lahat ay organized from the working tables to the resting area of his office.
"Ahh.. Eh.. Tommy. Akala ko ba deritso na? Dadaan pa pala ako sa General Manager? Parang naduduwag na ata ako. Napakaganda ng kompanya niyo pero parang nakakatakot ang mga tao. Puro matatalino tingnan." natataranta ito habang tinitingnan siya sa mga mata.
Natawa nalang siya sa nagiging reaksiyon ni Timmy. He really knows how to make him laugh and smile.
"Timmy. Relax ka lang. Kailangan mong makapasa sa interview ng General Manager dahil hindi pwedeng ako lang ang mag approve ng iyong employment. He is the head of the management. Kailangan kong sumunod sa kanya." sabi niya naman dito para kumalma naman ito.
"Eh alam mo kasi Tommy.. Kailangan ko lang din talaga ang trabaho nato. Malaki kasi ang pangangailangan ko. Kailangan kong kumita ng mas malaking pera dahil kailangan naming maglipat ng bahay. Kasi ilang araw nalang po ay paaalisin na kami doon sa aming tinutuluyan ngayon. Idedemolish na po yun."
Biglang may kung ano siyang naramdamang awa para kay Timmy. Nakwento na nito ang hirap na kaniyang pinagdadaanan pero kailangan nitong magsikap para sa pamilya.
"Wag kang mag alala. Alam kong kakayanin mo ang interview niya. I will give you some ideas kung paano mo mapapasa ang interview niya. Yun lamg ang mahalaga ngayon. The role of being my secretary will follow. Kaya dapat makinig ka sakin." pagsisiguro niya dito para lumakas ang loob nito.
At tumango nalang ito para sumangayon sa kanya. It will not be that hard. He only needs some small knowledge. Timmy can speak well. Wala itong makikitang bahid ng incompetence.
Binigay sa kanya ang resume nito.. He was studying Communication Arts nang mapahinto ito sa 3rd year college. He has a very good scholastic records. Matalino pala talaga si Timmy. Pero nangangamba siya na iyon ay maging dahilan para hindi siya matanggap. Ang hindi siya nakapagtapos.
Pero ganun paman.. He has all the potential. Things happen for some reason. Hindi niya alam kung anong magic ang magagawa ni Timmy.
He has to trust him. At nagkatitigan ulit sila. This time, ang tingin ni Timmy sa kanya ay may ibang kahulugan. Like he was looking deeper into him.
Ano kaya ang iniisip nito sa kanya? Is it something na hindi niya rin mapaliwanag? Do they both feel the same?
--to be continued...
BINABASA MO ANG
A Love Like This (boyxboy) (cmplt)
RomanceKapag pinag uusapan ang temang "pag-ibig".. Agad itong iniiwasan ni Tommy. Alam niya naman na kapag iyon ang pinag uusapan ay wala siyang ideya dahil kahit kailan ay hindi pa niya ito naramdaman. Sabi nga ng pamilya, mga kaibigan at katrabaho niya...