Page 24

1.7K 87 3
                                    

   Tommy
 
     Kinailangan niyang maghanap ng sariwang hangin ng umagang yun. Hindi rin naman siya nakatulog nung nakaraang gabi. Iniisip niya parin ang mga nasabi sa kanya ni Timmy. Ang ginawa ni Dale dito. Maaga palang ay umalis na siya sa kanilang bahay. Alam niyang nag aalala parin ang Nanay niya sa kanya. Hindi parin kasi niya masabi dito ang totoong nangyari sa kanya. Ang sinasabi niya lang dito kapag nagtatanong ay marami lang adjustments ang ginagawa niya sa kompanya.

Agad niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan. Siguro nga ay napakahina niyang tao para magustuhan siya ni Timmy. Wala siya sa kalahati ng katapangan ni Dale. Bata pa siya ay hindi na niya ugaling manghamak at mang api ng ibang tao. Lagi niyang sinasaalang alang ang mararamdaman ng iba. Masiyado siyang naging mabait na dumadating ang point na lagi nalang siya ang tampulan ng tukso. Minsan napasok pa siya sa gulo dahil sa maling akala sa kanya ng isang kaklase niya. Hindi niya magawang magalit sa mga simpleng bagay kahit minsan nakakairita na iyon para sa iba.

Talaga ngang napakahina niya noon pa man. Naluluha siya habang nagmamaneho. Iniisip niya parin kung sana mas naging matapang lang siya sa pagtingin ni Timmy ay magugustuhan siya nito. Pero alam niyang hindi na yun mangyayari. Gusto nito si Dale. Si Dale ang nakakuha ng atensiyon nito. Nahanap na niya ang lugar na gustong gusto niya kapag nag iisa siya. Ang dati nilang bahay na pinarinovate niya. Nasa labas ito ng Metro Manila kaya sariwa ang hangin doon lalo na't nasa isang mataas na lugar yun.

Tamang tama ang dating niya dahil papataas palang ang araw. Damang dama niya ang pagdampi ng malamig na hangin kasabay ng pagsikat ng araw. Sana ganun nalang lagi ang kanyang umaga. Sana bumalik nalang ulit sa dati ang buhay niya. Yung tahimik lang at wala siyang iniisip na ibang tao kundi ang Nanay niya. Pero ibang iba na ng sitwasyon.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ito at si Mr. Grant ang nakaregister doon. Hindi niya alam kung ano ang kailangan nito sa kanya sa ganoong oras.

"Goodmorning Mr. Grant. Napatawag kayo bigla?" mahina niyang sagot dito. Nahahalata parin ang lungkot sa kanyang boses .

"I don't know how to start this with. Pero nahanap ko na ang anak ni Kuya Jerome." maikling tugon nito sa kabilang linya. Agad naman siyang natigilan...

A few days ago...

  "Ang shares ni Sir Jerome sa kanyang mining company noon naaalala niyo pa ba? Is it still existing? Sino ang naghahandale nun para sa kanya?" natanong ni Tommy bigla kay Mr. Grant habang nagkakaron sila ng one on one meetingsa isang restaurant.

Eager siya na makuha nila ang malaking shares na yun ni Mr. Grant. Pero ang pagkakaalam niya ilang taon naring nawala ang nakakatandang kapatid ni Mr. Grant na si Sir Jerome. At wala itong naging asawa o anak manlang kaya nakafreeze lahat ng account nito sa banko pati narin ang shares nito sa Atlantic Mining ay hindi nila mahawakan dahil nasa lawyer nito ang kanyang will at hindi yun nila pwedeng magalaw.

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon