Dale
Hindi parin niya magawang mag isip ng maayos. Habang nagmamaneho siya ay inaalala niya parin ang ginawa sa kanya ni Tommy. Sobrang sakit parin ng tagiliran niya at ng kanyang mukha. Ngayon niya palang naranasan ang ganung klaseng sakit physically. Lalo lang niyang naramdaman na sa sobrang tapang niya hindi na niya naramdaman na may katulad din pala ni Tommy na tinatago ang galit at kapag napupuno ay nagiging ibang tao ito.
Agad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan papunta sa bahay ng kanyang ama. Kailangan na niya sigurong tanggapin ang tulong nito. Wala na sa isip niya ang galit niya sa kanyang ama kundi ang galit na niya kay Tomas Gregorio De Jesus ang nasa isip niya. He will eliminate Tommy for good. Magagawa niya lang yun kapag nakuha na niya ang sapat na kapangyarihan para mapunta sa kanya ang kompanyang pinapangarap maasa ni Tommy.
He dialled the phone number of his dad. Iniwanan ng dad niya sa opisina nito ang number niya that time na nagpakita ito sa kanya. He was even surprised na agad nitong sinagot ang tawag niya.
"So you finally decided to call me? Naiinip na ako sa paghihintay my son.." mahinahong sagot nito sa tawag niya.
"I will come over.. Kailangan kitang makausap at malinawan sa lahat ng bagay. I need your help." ayaw man niyang sabihin pero napilitan siya dahil kaunti nalang ang panahon. Alam niyang may alas siya laban kay Tommy pero hindi yun sapat para mawala si Tommy sa kanyang mundo.
"Great.. Hihintayin kita. See you Dale."
Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng sasakyan niya at narating na niya ang dati nilang bahay. He still remember that childhood memories he had with that old house. Simple lamang ang bahay na yun noon. But now it turned out to be a big house. A big beautiful house. Pero hindi na yun bahay para sa kanya. Simula nung kalimutan sila ng Daddy niya, nawala narin ang kanyang pag asang mabubuo pa ulit sila bilang pamilya. His mom does not want his dad anymore. Wala siyang matatawag na pamilya. Yun siguro ang dahilan para maging matapang siya at huwag pairalin ang mga emosyon na nagpapahina sa kanya.
But deep down.. He really just want someone who will care for him. At hindi niya alam kung paano mahahanap yun dahil natatabunan na siya ng madaming bagay na hindi kayang magustuhan ng isang tao. He is beautiful physically but his character is a beast.
Pinarada niya sa maluwag na parking lot ang kanyang sasakyan. May apat pang kotse ang nakaparada doon. Hindi na niya halos makilala ang dati nilang bahay. The garden outside struck him. It was exactly the garden that he wants to have on the wide lawn of their house. Everything was just beautiful.
"I'm glad nagustuhan mo ang garden.. It was the garden you drawn from your 5th grade. Dati ko pang gustong ipagawa 'to." masayang bati sa kanya ng Dad niya. He was looking at him eye to eye. Nakaharap ito sa kanya. He still look the same since he was 10.. May mga kulubot lang sa gilid ng mata nito. He was aging but he still look young and handsome. Namana niya sa Daddy niya ang mga mata nito na tila kakatakutan kapag tinitigan.
"I already forgot about that. Kasabay ng pang iiwan mo samin ni Mommy noon. Well, hindi ko narin talaga iniisip yun. What matters now is I want you to invest in The Colors. I want you to buy some shares that will equal that of Mr. Grant's.. Then I will make sure I will get that CEO position." walang preno niyang paglalahad ng plano niya. Napangiti lang naman ang daddy niya sa sinabi niya.
Tumalikod ito at agad na kinuha ang isang papel na nasa isang table malapit sa gazebo ng malaking bahay. Inabot naman nito sa kanya. Nagulat siya sa kanyang nalaman. How could this happen?
"Tama ka. I am Alfons Eizenger. Ako ang totoong may ari ng The Colors ngayon. Gerald is your brother. Well, adoptive brother. Dahil ako na ang kinikilala niyang tatay ngayon. After his rich dad died, sa akin iniwan ang lahat ni Alfons at si Gerald ang nag iisa niyang anak." paliwanag sa kanya ng kanyang Daddy. Dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng papel na yun.
BINABASA MO ANG
A Love Like This (boyxboy) (cmplt)
RomanceKapag pinag uusapan ang temang "pag-ibig".. Agad itong iniiwasan ni Tommy. Alam niya naman na kapag iyon ang pinag uusapan ay wala siyang ideya dahil kahit kailan ay hindi pa niya ito naramdaman. Sabi nga ng pamilya, mga kaibigan at katrabaho niya...