Pagkalabas na pagkalabas ni Timmy sa opisina ni Dale ay di niya mapigilang mapahiyaw. Nagtinginan naman ang mga empleyado sa kanya. Ang saya niya ay walang mapagsidlan. Kaya wala na siyang pakialam kung magkaganun ang ekspresyon sa mga mukha nila .
Hindi niya akalain na ganun talaga kagaling si Tommy. Hindi niya rin akalain na magiging ganun siya kagaling sumagot. Basta bigla nalang siyang nabuhayan ng loob. Dahil yung General Manager pala ay yung taong muntik na siyang mabangga. Ang taong hindi mawala sa isip niya. At hindi siya nagpatinag sa nararamdaman niya. Kailangan niya itong mapabilib. Hindi niya alam pero iba talaga ang epekto sa kanya ng lalaking yun. Si Dale Almosa. Yun ang pangalan ng taong kanyang matagal nang gustong makilala.
Pero may isang bahagi ng isip niya na sinasabing kakaiba ang taong iyon. Parang may nakakatakot itong side na hindi pwedeng madiscover dahil kapag nalaman niya ito ay magbabago ang tingin niya dito.
"Hi? Ahmm.. Sorry ha? Naexcite lang kasi ako kasi natanggap na ako sa trabaho. Ako pala si Timothy Chan.. But call me Timmy!" masaya niyang pagpapakilala sa lahat ng nandoon sa working area na nadaanan niya.
Nagkatawanan naman ang mga ito. Siguro ay nakakatawa nga talaga siya. May amoy ba siyang kakaiba? Hindi na niya yun pinansin. Basta masaya siya at hindi pwedeng hindi siya mag celebrate kaya naman agad siyang nagmadali sa elevator para makababa na ng building at umuwi na nang deritso sa bahay nila.
Naalala niyang kapag natapos siya kay Dale ay dapat hindi na muna sila mag usap ni Tommy. Yun ang utos nito sa kanya dahil baka may makakita na nag uusap sila. Kaya naisip niyang itext nalang ito.
"Hey!? Watch were your going!!" biglang bulyaw sa kanya ng kanyang nakabangaan dahil sa sobrang excitement niya.
"Sorry po Sir.. Im sorry.. Hindi ko po sinasadya." paghingi niya naman ng tawad sa kanyang nakabangaan na mukhang kalahating foreigner. Pero di niya na iyon inisip. Ang kinakatakot niya ay baka isa ito sa mga matataas ang posisyon sa kompanya baka mapahamak siya.
"What department are you from? Who is your superior?" iritadong tanong nito sa kanya habang inaayoa nito ang nagusot na office suit niya.
"Ahh.. I was just hired a while ago Sir. As the assistant of the Human Resource Manager." mahinahon niya namang sagot. Di niya ito matingnan ng maayos dahil nakakakaba ang tingin nito. Kahit parang mas bata pa ito sa kanya ay nandoon na ang otoridad;
"Alright then. I will see to it that you will do a good job. I am watching Mr. De Jesus. And I will also watch you Mr?"
"Timothy Chan sir.. I am sorry for what happened again Sir." paghingi ulit niya ng tawad. At tuluyan na siyang iniwan nito sa lobby ng building. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig.
Nakita niya na tinitingnan siya ng receptionist ng seryoso kaya linapitan niya ito para naman malaman niya kung sino talaga ang lalaking yun na kung makatingin sa kanya ay kulang nalang lamunin siya ng buo.
"Miss? Sino ba yung taong yun? Gusto kong malaman kasi bago palang ako."
"Eh.. Yun si Mr. Gerald Eizenger. Yung bagong CEO ng The Colors. Akala ko kasi alam mo na. Be careful next time. Iba daw yun kapag magalit.. Tanggal ka talaga kapag bad mood yun." pagpapaliwanag sa kanya ng receptionist kaya naman ay mas lalo siyang kinabahan. Paano kung puntahan nito si Tommy at ito ang pagalitan. Di niya ata kayang malaman na napahamak si Tommy dahil sa kagagawan niya.
"Ah sige Miss. Salamat ulit. Kailangan ko nga mag ingat. Nakakatakot siya magalit." mahina niyang sambit dito bago siya lumabas ng building.
Napabuntong hininga nalang siya dahil alam niyang mahirap ang magiging buhay niya dito sa kanyang pinasok. Pero wala siyang choice. Ito nalang ang pag asa niya para maging maayos ang buhay nila ng kanyang Mama at mga kapatid.
At nagring bigla ang kanyang cellphone. Hawak hawak niya parin ang folder ng kanyang resume. Maaring si Tommy ang tumatawag sa kanya. At hindi nga siya nagkamali.
"Hello Tommy?" sagot niya dito na parang nag aalinlangan parin dahil nga sa nangyari sa kanya kanina.
"So how was it? Natanggap ka na ba? Napabilib mo ba si Dale?" masayang pag usisa sa kanya ni Tommy.
"Ahh.. Oo.. Natanggap na ako. Magsisimula na daw ako sa oras na mapasa ko na ang mga required documents." malungkot niyang sagot dito.
"Oh? Eh bakit parang hindi kanaman masaya sa nangyari? Diba ito yung gusto mo? Assistant na kita. Magiging maayos na ang buhay mo simula ngayon. Bakit ganyan ang boses mo? Parang nag aalinlangan ka ata?"
"Ehh.. Kasi kanina, di ko sinasadyang mabangga yung bagong CEO ng kompanya. Nakakatakot yung titig niya kaya parang nag aalinlangan ako kung tatagal ba ako sa ganitong set up?" pagpapaliwanag niya kay Tommy.
Napasinghap naman ito sa kabilang linya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nun.
"Hey? Wag kang mag alala.. Hindi ka niya basta bastang mapapaalis. He does not control the company totally. Kaya nga dapat mo akong tulungan. I need you to work for me because I need your skills."
Naguguluhan man ay hinayaan niyang magpatuloy si Tommy sa sasabihin nito. Hindi niya parin nauunawaan kung ano ang sinasabi nito.
"Gerald Eizenger is like a decoy to someone. Parang ginagamit lang siya para maging mukha ng totoong tao na nasa kabila nito. And that is what we need to find out. Bago paman niya magawang makuha ang The Colors." pagpapaliwanag sa kanya ni Tommy.
Tiningnam niya ang paligid. Humahapon na pero pakiramdam niya ay parang ilang araw na ang lumipas dahil sa kanyang mga nalalaman. Parang hindi niya ata alam kung makakayanan niya ang pressure na nangyayari sa kompanya na kanyang papasukan.
"Eh dapat sa imbistegador ka humingi ng tulong nun Tommy.. Kasi hindi ko naman alam kung paano ako makakatulong sayo."
"I have a plan already Timmy. Kaya kailangan ko ang iyong 100% na effort para dito. Kasi hindi ko alam kung magtatagumpay ako kung hindi mo ako tutulungan."
Hindi na niya naintindihan pa ang mga sinabi ni Tommy sa kanya. Ngayon lang nag sisink in lahat sa kanya. Buong buhay niya hindi pa niya naranasan ang ganitong mga pangyayari. Ganito pala ang agawan ng kapangyarihan? Ganito pala ang mga tao na nasa matataas na antas ng buhay. Gagawin lahat para hindi matalo. Gagawin lahat para mapasakanila ang lahat.
Tama ang mama niya noon. Ang mayayaman at makapangyarihan, hindi nakokontento sa tama na.. Kailangan ay laging lumalaban. Pinaglalaban amg katayuan nila sa buhay kahit manggamit pa sila ng ibang tao.
"Are you still there Timmy?" basag ni Tommy sa kanyang kawalan sa realidad. Parang bigla nalang siyang napaisip na umurong.
"Ahh.. Hindi ko alam pero parang natatakot na ako Tommy. Nagkamali siguro ako sa desisyon ko. Hindi ako ganung klaseng tao. Pasensiya ka na."
"Timmy? What are you saying? This is just for the good of the company. Kailangan kong masiguro na hindi mapupunta sa masamang kamay ang kompanya." pagawat sa kanya ni Tommy pero nabuo na ang desisyon niya.
"Sorry Tommy. Humanap kanalang ng ibang assistant. Ayokong mapasok sa gulo. Siguro nagkamali lang talaga ako sa desisyon ko. Sana maintindihan mo ako. Patawad ulit."
Hindi na niya narinig ang sasabihin ni Tommy. Pinatay niya ang kanyamg cellphone at tinanggal niya ang sim nito at sinira niya.
Bigla nalang siyang natakot. Paano kung hanapin siya ni Tommy? Paano kung malaman ni Dale na hindi pala siya pumasok?
Pero inisip niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang mapasangkot sa gulo na namamagitan sa mga tao sa kompanya.
Siguro mayroon talagang parte sa sarili niya na mas maganda ang simpleng buhay. Ang kapangyarihan at yaman ay napakabigat dalhin. Napakahirap panatilihin.
"Hay naku Timmy.. Ano nang gagawin mo ngayon?" nasabi nalang niya sa sarili niya.
---to be continued...
BINABASA MO ANG
A Love Like This (boyxboy) (cmplt)
RomansKapag pinag uusapan ang temang "pag-ibig".. Agad itong iniiwasan ni Tommy. Alam niya naman na kapag iyon ang pinag uusapan ay wala siyang ideya dahil kahit kailan ay hindi pa niya ito naramdaman. Sabi nga ng pamilya, mga kaibigan at katrabaho niya...