Inaayos na ni Tommy ang kanyang sarili. Somehow ay napapayag din siya ng Nanay niya na pumunta sa Blind Date na kanina pa kinukulit sa kanya. He was wearing a long sleeve plain pink pastel polo. Slick jeans and a pair of white sneakers. Yun ang isusuot niya. Simple lang naman talaga siya magdamit. Hindi siya maarte sa katawan. Sinuot niya ang kanyang glasses dahil pinagpapahinga siya ng eye doctor niya sa pag gamit ng contacts niya.
"Aba?? You look good anak. Im sure magiging masaya ang event na yun. Sana nga lang mag enjoy ha? Baka isipin mo napilitan ka lang magpunta doon." malambing na sabi sa kanya ng nanay niya. Pumasok ito sa kwarto niya at tinitingnan ang kanyang pag aayos.
"Sana nga po hindi ako nagkamali na sundin kayo.. Baka kung anong mangyari sakin sa pinasok kong ito?! Sige na nay.. Total wala namang mawawala siguro kung susubukan ko po?"
At di na siya nag aksaya ng panahon. He have to do this. This is somehow a new thing for him. It will be a start of his changes. Baka doon niya na makilala ang taong..Aalisin sa kanya ang pagkatakot, pagkawalang interes sa salitang "pag-ibig". Which makes it impossible parin. Alam niyang wala pang kahit isa na kumuha ng kanyang interes.
Except for that guy na nakaharap niya kanina sa tapat ng bahay ni Mr. Sheldon. Wait? Is he really thinking about that guy?
Bakit niya kasi iniisip yung taong yun? Kahit pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaking yun, it was still unknown to him. And for God's sake.. Hindi siya bakla.. Hindi siya pwedeng magkagusto sa isang lalaki. It never crossed his mind.Nagdrive na siya papunta sa Passion Circle.. It was almost 7 PM. Bigla siyang nagmadali for the reason na kahit hindi iyon mahalaga, he has to practice his panctuality para narin sa trabaho niya.
He arrived exactly 7PM. Hindi siya nalate. Kahit papano it filled him with confidence. Pero bigla siyang kinabahan nang pumasok na siya sa glass door ng Passion Circle. Sobrang tahimik naman ng lugar na iyon para sa isang event. At may biglang sumalubong sa kanyang dalawang babae. They were both smiling. The whole place was covered with white blocks. Parang isang maze ang pinasukan niya. The girls explained to him na it is the rooms where the couples will have their blind dates. Teka? Couples? Bakit parang ang wierd naman nun? Wala siyang karelasyon so why do they say na couple?
"Anonymous Blind Date is always a successful event. Naimbitahan ka namin dahil isa ka sa mga candidate na nakapasa sa standard ng aming samahan. We are here to help guys like you find the one they love." nakangiting paliwanag sa kanya ng isang babae na katabi niya habang nilalakad nila ang daan papasok sa main hall ng Passion Circle.
"Eh.. Im just wondering kasi hindi naman ako nag apply on whasoever dating site or dating program? Bakit ako napili? I mean, I really dont understand the whole thing."
"You will know very soon kung sino ang nagbigay samin ng iyong profile. But for now, you have to go inside one room. Those rooms with the red lights on are the ones na wala pang laman or wala pang kapartner ang nasa loob nun. When you are inside, lights will turn on kung may kasama ka na sa loob. And if wala pa, the light will remain off.. So you have to wait until someone enters. Dont worry, it is very safe. We made sure everything is alright."
Napatingin siya sa paligid niya. Parang nakaoval ang posisyon ng mga rooms. It was all white. Some of the doors have red lights on. And the others are closed. Ibig sabihin yung closed na ang red light ay may laman nang dalawang tao.
"Is this a random blind date? I mean di ko alam kung sino ang nasa loob ng mga kwarto na yan?" pagtatanong niya habang nakatingin parin siya sa isang pinto. Napangiti naman sa kanya ang isa pang babae na katabi niya. They were both good looking girls. Matatangkad at sexy. They look like the middle aged courtesan girls na laging binabalikan ng mga warriors pagkatapos ng isang gyera.
"Yes. You will not know if the one you will be paired with is a girl or a boy. We practice fluidity. We make sure na lahat nang nasa loob ng kwarto na yan will end up having a special bond when they finished the blind date." paliwanag ulit sa kanya ng babaeng katabi niya.
Kaya wala na siyang nagawa pa kundi mamili na ng kwartong papasukan niya.
"You only have one choice. Kapag pumasok ka na sa loob, hindi ka na makakalabas until the duration is finished." dugtong pa ng babae. Kaya naman buong loob siyang pumili ng isang kwarto. The red light was still on on its door.
Binuksan niya ang doorknob and surprisingly, madilim pa ang paligid. Wala pang tao sa loob.
Hindi niya makita ang paligid. It was just darkness. Paano siya makakahanap ng upuan sa ganun kadilim na lugar? Nangapa siya ng pwedeng upuan at nanlamig siya nang may mahawakan siyang isang mainit na bagay. Kamay yun. Bakit may kamay dito? Nanginginig ang kanyang tuhod. Tama nga siya. Ginogoodtime lang siya.
Agad siyang bumalik sa pintuan pero kahit anong bukas ang gawin niya ay di na ito mabuksan.
"Hey!! Get me out of here.. I was wrong with my decision. Oh God!! Please let me out. I dont like being played!!" hiyaw niya sa pagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Pero walang makarinig sa kanya. It was a sound proof room.
At biglang bumukas ang ilaw. The whole place light up. And a table on the center appeared before his eyes. At may isang tao na nakaupo sa isang silya doon. The man was looking at him with a smile.. Para itong natatawa sa kanyang ginawa.
"Ahmm.. Pasensiya ka na.. This is really embarassing... Wait? Ikaw?" naputol ang paliwanag niya nang makilala na niya ng tuluyan ang kasama niya sa kwarto na yun.
"Kaya nga natatawa ako eh.. Ikaw.. Ang liit pala talaga ng mundo.. At nandito ka rin sa kalokohang ito.. Haha! Hay naku.. Ewan ko ba kung bakit pumayag pa ako sa gusto ng Mama ko."
"Wait? So you mean inimbitahan ka rin dito? This is really wierd."
"Di ko nga din alam bakit naimbitahan ako dito. Sabi nung dalawang chicks sa labas, makikilala ko rin daw kung sino nagbigay ng profile ko sa kanila." nangingiting saad nito sa kanya.
"Ginogoodtime lang ata nila tayo. I have to get out of here.. This is really a mistake. Nakakahiya tong ginagawa ko." habang pinepwersa niya ang pintuang mabuksan ay tinatawanan lang siya ng lalaking kanyang kasama sa kwarto. Ang lalaking nagwawala kanina sa bahay ni Mr. Sheldon. Ang lalaking hindi mawala sa kanyang isip.
"Di mo ba narinig yung sabi nila? Di ka daw makakalabas hanggang di natatapos ang duration ng blind date.. Haha.. Eh anong klaseng date to eh parehas tayong lalaki? Nakakatawa talaga.. Sana natulog nalang ako sa bahay."
"Kaya nga tulungan mo ako na makalabas tayo dito.. Ewan ko ba kung ano pumasok sa kukuti ko at pumayag din ako sa gusto ni Nanay."
"Hahaha.. Parehas ata takbo ng utak ng mga nanay natin.. Kaya dito ka na.. Umupo ka nalang. Magkunwari nalang tayong nagdadate. Kasi sabi nila, kapag hindi daw tumunog ang sensor, ibig sabihin wala daw bond na nabubuo. Di tayo makakalabas."
Hindi siya makapaniwala. This whole thing is just impossible. Bakit ba kasi siya napunta dito? Sabi na nga ba na may mangyayaring hindi maganda sa kanya umaga palang. Dahil madaming nagbago bigla sa kanya.
"Wala na ata akong magagawa. I think we have to talk things out and get over this sick thing.. Nakakatakot na ang mga blind date.. Di na ako uulit."
At tinawanan nalang siya ng tinawanan ng lalaking kanyang katapat. He sat down facing him. He did not realize he was also laughing. They were both laughing. Napuno ang kwarto ng kanilang tawanan.
"Ako nga pala si Timmy pare!" pagpapakilala sa kanya ng lalaki sabay abot ng kamay nito sa kanya.
"Wow.. Our names do sound the same.. Ako naman si Tommy." pangiting lahad din niya sa kamay niya.
At nagtawan ulit sila. He never expected na makikilala na niya nang tuluyan ang lalaking yun.
Naalala na niya kung saan niya ito nakita..
Sa kanyang panaginip...
--to be continued...
Votes and Comments Please! Thanks!
-MrAoiKun
BINABASA MO ANG
A Love Like This (boyxboy) (cmplt)
Storie d'amoreKapag pinag uusapan ang temang "pag-ibig".. Agad itong iniiwasan ni Tommy. Alam niya naman na kapag iyon ang pinag uusapan ay wala siyang ideya dahil kahit kailan ay hindi pa niya ito naramdaman. Sabi nga ng pamilya, mga kaibigan at katrabaho niya...