Eto na...malapit na talaga 'yung romance hahahaha
Kapag wala pa din patayin niyo na ako. Sapagkat ako'y walang kwentang writer XD
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kate
~*~*~*~
"Ui may bago ka na palang cp? Wow! Blackberry! Yumayaman kayo Kate a?" Ang aga aga pang asar nanaman 'yung bati sa akin ni Lallaine. Kailan ba magtitino ito?
"May nagregalo nga lang sa akin nito!"Andito lang kami sa Bench ngayon, walang klase kasi may meeting 'yung mga prof kaya kwentuhan to the mex na lang.
"Is it a suitor?"
"Ewan ko sa 'yo Dwight."
"Yiiiieeeee!" Hala ka naghihiyawan nanaman silang lahat.
Bakit ba ako na lang palagi ang pinagtitripan ng mga 'to?
Oo alam ko cute ako pero hindi 'yun sapat na dahilan!
Ano ba 'yan, nahahawa na ako sa kakapalan ng mukha ng author nito.
"Maaari mo bang ipakilala sa amin ang iyong masugid na mangingibig?"
"Yuck! Ang korni mo Amaya!" Nakornihan talaga ako. Ang korni naman kasi talaga.
"HIHIHIHIHIHIHIHI..." Sino paga? Edi si Cecille! Siya lang naman ang dakilang tagatawa sa grupo namin.
"Oo nga ipakilala mo sa amin at nang masuri namin ng maayos. Kapag sinaktan ka niyan andito lang kami, pagtatawanan ka." Siraulo talaga 'to si Carlos.
"Salamat sa concern a!" Sagot ko sarcastically.
"Maka Diyos ba 'yan?" Si Bryan ngayon ang sumagot. Nakasimangot pa din. Bakit ba kasi?!
"Alam niyo, napaka advance talaga ng imaginations niyo."
"Tama. Tanging Diyos lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa ating kinabukasan. Siya lang din ang tanging nakakaalam kung hanggang saan ang ating hangganan."
Hinimas namin ni Lallaine 'yung pisngi ni Bryan hanggang braso. Ako sa Kanan, si Lallaine sa kaliwa. Tapos nag-sign of the cross kami.
"Amen." Sabay naming sinabi ni Lallaine.
"Ginawa niyo naman akong Santo."
"Uuuuy ngumingiti na siya!" Si Kim naman ngayon ang nagsasalita.
"Nung bata ako noon-"
"Walang interesado!"
"Baliw ka talaga Lallaine! Minsan na nga lang magsalita si Cecilla binara mo pa!" Hindi ko napigilan 'yung sarili ko na batukan si Lallaine. Pagkatapos nun si Cecille naman ang hinarap ko. "O ano nga 'yunng sinasabi mo Cecille?"
"Nung bata ako noon lagi akong kumakanta sa harap ng bentilador."
"Oo kami din!" Sarkastikong (May ganito bang word? XD) sabat nanaman ni Lallaine.
"Uy hindi a. Ako nung bata ako nun kapag wala akong magawa lagi akong tumatambay sa labas ng bahay namin tapos iwiwhistle ko 'yung pito ko. Tapos makikita ko na lang 'yung aso ng kapitbahay namin magwawala, nasasakal niya 'yung sarili niyang leeg sa tali niya sa kagustuhang tumakbo."
"Ang lakas ng loob mong tawagin akong baliw, e ikaw din naman pala."
"Hindi ako baliw, iba lang 'yung reyalidad namin sa 'yo. Palibhasa kasi bata ka pa lang sumisinghot ka na ng rugby."
"E ano 'yung pinakanakakahiyang bagay na nangyari na sa inyo?" Si Kim naman ngayon ang nagtanong.
"Nadulas sa harap ng madaming tao. HIHIHIHIHIHIHI"Siguro naman hindi ko na kailangang sabihin kung sino ang sumagot nito?
BINABASA MO ANG
8 years older, or two years younger?
Romansakung ikaw ay papipiliin, isang lalaking walong taon ang agwat sayo? o isang lalaki na dalawang taon ang bata sa iyo? Join Kate and her friends in their adventures in jollytown! XD