Si Kim.
Noong High school kami, hindi ko siya nakakausap. Kasi nga sobrang mailap siya.
Parang takot makihalubilo sa mga tao.
Ni hindi ko nakitang ngumiti.
Tapos 'yung buhok niya laging natatakpan 'yung mukha niya.
Nitong Collge na kami halos hindi ko siya nakilala kasi biglang umiksi 'yung buhok. As in nagmukha talaga siyang lalaki. Ang tangkad pa naman tapos flat chested.
Pero as time goes by unti unti nang nagkaroon ng shape ang katawan niya at lumaki ang hinaharap. Late bloomer kung baga.
Tsaka nasabi ko naman na 'di ba? Halos hindi ko siya nakilala. Crush na crush pa namin siya nun nila Lallaine at Maya (Nickname ni Marianne) tapos nung sinabi niya sa amin na babae siya binara bara pa namin.
At 'yun babae nga talaga.
Nanghinayang kami. Haha.
Dati si Bryan ang nag-i-insist na kaibiganin siya. O well ibang kwento na 'yang buhay niya.
Kung si Lallaine ang makulit at si Bernard ang maangas, sila ni Carlos baligtad.
Si Kim ang parang lalaki at si Carlos ang parang babae.
Ang kulit lang no?
BINABASA MO ANG
8 years older, or two years younger?
Romancekung ikaw ay papipiliin, isang lalaking walong taon ang agwat sayo? o isang lalaki na dalawang taon ang bata sa iyo? Join Kate and her friends in their adventures in jollytown! XD