Chapter 4- Syfred Albert Lim

653 10 2
                                    

Chapter 4

            “BAKIT?” Nagtatakang tanong naman nito.

            “Wala lang, nagandahan lang ako.” Biglang tawa na parang bata. Kinurot naman siya nito sa pisngi. “Araaaay… Nakukyutan ka nanaman sa akin?” Tila pataray na sagot niya.

            “Ang labo mo kasing kausap e. Buti natatagalan ka ng boyfriend mo?”

            “Echusmi! Wala akong boyfriend no!” Iniripan pa talaga niya.

            “Hoy gumalang ka nga sa nakakatanda sa iyo.”

            “Echusmi po wala po ako pong boyfriend po. Masaya po ka po na po ba po?”

            “Good!”

           

            HINDI pa maisasagawa ni Boy medyas ang plano dahil ang dami pang gising. At hindi pa siya sigurado kung effective ba ang plano niya. Kaya kinaumagahan ay pasimple niyang tinitignan ang pader na lalabasan nila. Pasimple din siyang naghuhukay ng lupa doon sa pinakababa ng bintana at later ay tatabunan niya ng damo para kung may mahulog man ay hindi gaanong mababalian at hindi maririnig ang tunog dahil malambot naman ang pagbabagsakan.

            Napapangiti nanaman siya dahil na-iimagine na niya na magiging successful ang plano niya. Ang hinihintay na lang talaga niya ay tamang tiyempo. Madaling araw to be exact.

            “AKO si Syfred Albert Lim, bata pa lang ako gwapo na ako.” Panimulang kwento niya kay Kate nang tanghaling tapat na. Hindi na nila naipagpatuloy ang kwentuhan kagabi dahil nakatulog na si Kate.

            “Tss…” Dinig niyang komento ng babae.

            “Pinagkakaguluhan ako ng mga babae.”

            “Tss…” Dinig nanaman niyang komento ng babae.

            “Lalo na ang aking killer abs.”

            “Tss…”

            “Gusto mo ng proweba?”

            “Hindi sige mananahimik na ako. Go, continue!”

            “Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Bata pa lang ako-”

            “Gwapo ka na?” putol nito sa sinasabi niya. Tinitigan niya ito ng seryoso at muling ipinagpatuloy ang pagsasalita.

            “Bata pa lang ako sinasanay na kami ni Dad na maging responsable sa halos lahat ng bagay lalo na pagdating sa business. Naisip ko lang na ang swerte ko. Kasi I love my job, I love managing a business, tapos may sarili kaming business. Hindi katulad nung iba na gusto ng mga magulang nila na kunin nila ang ganito, ganyan tapos sila ayaw.”

            “Ano ba ang business niyo?” Tinitigan niya ulit ito ng seryoso. “Oh, I’m sorry. Ano PO ba PO ang PO business PO ninyo PO?”

            “Veeeeery Goood!” Natatawang sagot niya dahil ang cute nito kapag nagagalit, lalo na kapag ine-emphasize ang salitang ‘po’ mas lalo kasi itong nagmumukhang bata. “Nagpapakain ng baboy.”

            “Haha.” And he heard a sarcastic laugh…

            “Ito naman hindi mabiro. Sa gwapo kong ‘to?”

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon