"Pokey?"
"O Syfred? Akala ko ba may business Meeting kayo?" Tanong ni Dad sa kanya. "O siya, saluhan mo na lang kami dito."
"My client just cancelled it. His Daughter is sick." Sagot niya kay Dad and then ako naman ang tinitigan niya as serious as ever. "You won't mind if I join your date, would you?"
"N-no."
Wala naman siguro 'tong gusto kay Kate? Since 'yung kay Kate 'yung may libreng space, dun siya pumwesto. Katapat ko sila. Katabi ko Ate ko. Ang parents ko naman nasa magkabilaang dulo ng mesa.
"Kamusta ka na Kate?" Narinig kong tanong niya kay Kate.
"Doing fine! Kaw?"
Ngiti lang 'yung sinagot sa kanya ni Kuya. 'Yung tipo ng ngiti na never ko pang nakita before.
"Magkakilala kayo?" Si ate naman ngayon ang nagtatanong.
Inexplain ko na sa kanila. 'Yung tungkol pa nga din dun sa kidnapan. nagulat sila dahil hindi nila akalaing naging kidnapper ako nung time na umalis ako sa bahay na 'to.
Let's rewind, from the very beginning...
So tinakpan ko 'yung ilong ni Kate, nawalan siya ng malay. Kakarating ko lang din kasi nun. May pinuntahan pa kasi kami ni Emong. Nung pagpasok ko sa kwarto nila bigla din akong umalis kasi hindi ko akalaing Kuya ko ang nabiktima namin ngayon.
Sa dinami dami ng tao bakit Kuya ko pa? Kaya naging buo talaga ang loob ko na umalis na, para din matulungan ang Kuya ko.
Siya ang dahilan kung bakit ako lumayas sa amin. Siya kasi ang paborito dahil panganay, lalaki, matalino, magaling sa negosyo, siya na halos lahat.
Lahat na lang sa kanya napupunta. Kung ano ang gusto ko ayaw ibigay kasi pasaway daw ako.
Kaya lang naman ako naging pasaway noon kasi nga si Kuya lang ang napapansin nila. Ako hindi.
Pero kahit masama ang loob ko sa kuya ko siyempre kadugo ko pa din siya.
'Yun din ang dahilan kung bakit never kong hinubad 'yung maskara nun sa mukha ko. At kung bakit hindi ako nagsasalita kapag nandyan or gising siya. Dahil sa takot na mabosesan ako.
Siguro si Ramon 'yung napagkamalan nilang ako noon. At nung nag-uusap kami ni Kate nun, napagkamalan din niyang si Ramon 'yung nawawalang kapatid ni Kuya pero ako talaga 'yun.
At nung nakatakas na nga kami, nabosesan pa din ako ni Kuya.
Araw araw niya akong hinahatid sa school dati, abi niya bumabawi lang daw siya. Hindi ko din naman alam na nagkita na pala sila ni Kate.
Tsaka nalaman ko din na kaya pala willing siyang ihatid ako sa school dahil alam niyang doon din nag-aaral si kate. Nakita ko kasi 'yung bag ni Kate dun sa likod ng sasakyan.
Nakita ko din kasi na may binili siyang phone noon, tapos nung sumunod na araw nakita ko may ganun ng phone si Kate.
Kaya kapag naliligo si Kuya, pasimple kong sinisilip 'yung Phone niya. Hindi ako nagkamali, magkatext sila. Alam ko din kasi ang number ni Kate.
Ako din ang dahilan kung bakit na-flat 'yung sasakyan niya. Binutas ko 'yung gulong. kasi nabasa ko sa text na susunduin nga daw niya si Kate. 'Yun din ang dahilan kung bakit ako na-late ng punta sa school.
Ngayon naintindihan niyo na?
Nagpapakiramdaman kami ni Kya ngayon. Pero dahil matagal naman ng kalmado 'yung mukha ni Kuya, kalmado lang siyang kumakain pero nararamdaman ko na pinapakiramdaman din niya ako.
Patuloy lang sila sa pagkain at kwentuhan.
"So Kate, libre kang pumunta dito anytime you want."
"Sige po Mrs. Lim."
"Ano ka ba namang bata ka, call me 'Tita' okay?"
"Okay po Tita."
Nagkagaanan kaagad sila ng loob.
Hindi ko malunok ng maayos 'yung kinakain ko. Kahit masarap 'yung pagkain parang wala na akong nalalasahan. Wala na din akong gana.
Nang-aasar tala si Kuya! May dumi kasi 'yung bibig ni Kate, pinunasan niya tapos tinitigan ako.
Hindi ba nakakaramdam ang mga tao dito?
After kumain, niyaya kaagad siya ni kuya sa terrace.
Date ko 'yan e!
Sumunod din ako! Bakit ba?
"Ui Shaun, Pokey, magkapatid pala kayo hindi niyo man lang sinabi!" Paunang sabi ni Kate habang tumatawa.
"Kate! May sasabihin ako!" Tinitigan niya ako ng mabuti.
"Shaun, nauna ako. Hindi ka ba makakapaghintay mamaya?"
"Ako ang nagdala sa kanya dito!"
"May sasabihin din ako sa kanya." Humarap siya kay Kate at parang may sasabihin ulit.
Uunahan ko siya wala akong pakialam kung nagsasalita pa siya.
"Mahal kita Kate!" Sabay lang naming sinabi sa kanya.
O_o
O_O
Wala nang sinabi si Kate. Nagpalipat lipat lang 'yung tingin niya sa aming dalawa ni Kuya.
BINABASA MO ANG
8 years older, or two years younger?
Romancekung ikaw ay papipiliin, isang lalaking walong taon ang agwat sayo? o isang lalaki na dalawang taon ang bata sa iyo? Join Kate and her friends in their adventures in jollytown! XD