Chapter 1
“ANO’NG meron? Bakit mga nakatakip ng itim na medyas ang ulo nila? Tsaka bakit armado sila? May shooting? Bagong artista?”
“Kunin niyo na din ang batang ‘yan! Baka isumbong pa tayo kapag nakatakas, silipin niyo na din ‘yung gilid gilid baka may ibang nakakita sa atin na nagtatago lang.” Utos ng bossing ng mga holdaper. Bago pa siya maka-react ay bigla na lang siyang tinakpan ng panyo sa ilong. Matapos maamoy iyun ay agad siyang nahilo at nawalan ng malay.
MAINIT, masama ang pakiramdam niya dahil hindi siya komportable sa pwesto niya. Aayusin sana niya ang higa niya nang mapansin niyang hindi siya makakilos dahil parang nakatali ang kamay niya. Pinilit niya ulit kumilos at nang walang magandang nangyayari ay dahan dahan siyang nagmulat ng mata.
“Hah!” Gulat na singhal niya nang makitang wala siya sa kwarto niya at nilibot ng mata niya ang lugar. Pagkatapos gawin iyon ay napatingin siya sa kaharap niya na nakatingin lang sa kanya. Tulad niya, nakatali din ito sa upuan.
“Nasaan ako? Sino ka? Ano ang ginagawa ko dito? Bakit ang gwapo mo?” Sunod sunod na tanong niya sa lalaking kaharap niya na ni hindi man lang sinagot ni isa sa mga tinanong niya. “Kuya, tinatanong po kita kung bakit tayo nandito? Ang naaalala ko lang medyo ginabi na ako sa school malamang kagabi alangan namang hapon kaya nga ginabi e kaya doon na lang ako dumaan sa shortcut para mas mabilis akong makarating sa amin kasi baka pagalitan na ako ng nanay ko ang cute cute ko pa naman tapos nakita ko sila tropang medyas, ung mga armadong lalaki na nakatakip ng itim na medyas ang mukha akala ko nga may…” Saglit siyang huminta upang huminga ng malalim dahil sa kasasalita.
“Akala ko nga may shooting e kasi ‘di ba kadalasang nangyayari ‘yun mga ganitong bagay sa pelikula kung saan matatalo ng mga bida ung kidnappers gamit ang kahoy na sinasabayan ng sound epeks tulad ng ‘toinks!’ samantalang ung mga kalaban machine gun ang gamit tapos late na palagi dumadating ‘yung mga pulis.” Pagpapatuloy niya. “Ako pala ‘yung tinutukoy nung bossing nila na kunin ang sabi kasi ‘bata’ e hindi naman ako bata. Kamusta na kaya ang mga magulang ko? Sana may fried chicken pag-uwi ko ng bahay kasi mga dukhang katulad ko once a day lang nakakakain nun e ang sad no?”
Panay ang daldal niya pero ang kaharap niya ay nanatili lang nakatingin sa kanya. “Kuya, marunong ka ba’ng magsalita? Pipi ka ba?” No response. “Bingi?” Still, no response. “Pipi at bingi parang iisa lang ‘yun a. Uhm…Bulag?” Again nakatitig lang sa ito kanya. “A alam ko na! Special child ka no? Haaayiiiiiiii!!!! Ako Budoy!” Sinamahan niya pa ito ng isang masiglang kaway.
“Pwede ba miss manahimik ka?” Tila iritadong sagot nito.
“Woooaaaaahh!!! Nagsasalita pala si poker face!” Sabay tawa.
“Ano ba ang problema mo? Alam mo ng nakidnap tayo may gana ka pang tumawa?” halos pasigaw na nitong tanong sa kanya.
MATAGAL bago nagprocess sa utak niya ang sinabi nito. “Kidnap…Kidnap…Ahh Kidnap…” Matagal siyang nag isip muli. “KIDNAPPED?!” Halos napatayo na siya sa upuan niya nang nag-successfully loaded na sa utak niya ang meaning ng ‘Kidnap’. “Kidnap? As in K-I-D-N-A-P? Ohmaygahd! Gagahasain nila ako kukunin nila ang virginity ko nooooooo!!!!” Nagwawalang protesta niya na palakad lakad pa at ang upuan ay parang nakadikit sa puwet niya. “Okay lang.” Biglang upo na parang walang inaalala. “Kung kasing gwapo mo ba naman ang mangagahasa sa akin e sure why not? Pero, ayoko pa din. I am saving the intact of my hymen for the one I will marry in the future.”
“Naiintindihan mo ba ang sitwasyon natin miss?”
“Hindi miss ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko. Kate, Katherine for long. Kasi sobrang makati daw ‘yung tiyan nung nanay ko nung pinagbubuntis niya ako.”
“Okay Kate, naiintindihan mo ba ang posisyon natin?”
“Parehas tayong nakaupo at nakatali sa upuan.” Inosenteng sagot niya. Tinitigan siyang muli ng lalaki na halatang nagpipigil na ng galit.
“Alam mo ba ang sitwasyon natin? Ang posibleng mangyari?”
“Actually…hinde! Paki-explain.”
“Kinidnap tayo tapos manghihingi ng ransom sa mga magulang natin kapalit ng paglaya natin dito. If our parents failed to cooperate, maaari nila tayong patayin. Ngayon, bigyan mo ako ng rason kung bakit may gana ka pang tumawa?”
“Dahil buo ang tiwala k okay God. Everything happens for a purpose. Sa ngayon hindi ko pa alam kung bakit ako nadamay dito. Siguro ‘yun ay para pakiligin ang mga kidnappers.” Sagot niya na natatawa pa.
“God? Tumutulong naman ako sa mga tao at nagdadasal parati sa kanya e bakit lagi na lang niya kaming binibigyan ng matinding problema? Two years ago nawawala ‘yung bunso kong kapatid at hanggang ngayon hindi pa din naming siya nakikita.”
“Oo, ‘yung iba binibigyan ni God ng problema kasi natututo lang silang lumapit sa kanya kapag may problema sila. ‘Yung iba naman, dinidisiplina lang niya. Malamang meron siyang gustong baguhin sa iyo. He wants to change your character. Mahal na tayo ni God kesyo nagbabasa man tayo ng bible o hindi, nagpepray man o hindi. Tinuturuan lang niya tayo ng leksyon kasi ikaw ba, gusto mong mapunta sa hell?”
Nanahimik na lamang ang lalaki.
MAY katagalan din silang natahimik. Magsasalita sana siyang muli nang may pumasok sa kwarto. Nakatakip pa din ito ng itim na medyas na tanging mata at mamulamulang labi lang ang nakikita. Pagkakita nito sa dalawa ay agad ding lumabas ng kwarto. Pagbalik ay may dala ng pagkain.
“Wow! Tamang tama kuya gutom much na ako! Ano’ng ulam?” Hindi ito sumagot at inilapag lang ang pagkain sa mesa na medyo malayo sa kanila. “Kuya wait! Paano naming kakainin ‘yan nakatali kami?” Bumalik ito na nakayuko at unang tinanggal ang tali ng kay Kate. Si kate, as expected, tumakbo palapit sa may pagkain. Habang tinatanggal nito ang tali ni poker face ay muli siyang nagsalita. “Kowa dhag ka badagot dhi…” Nilunok niya muna a ng kanyang kinakain at inulit ang sinasabi. “Ang sabi ko kuya wag matakot di naman naming nakikita ‘yung mukha mo kaya hindi mo kailangang umalis agad. Halika, saluhan mo kami ni poker face. Para kapag may lason ‘to pareparehas tayong mamamatay.” Pagkatapos niyon ay muli niyang hinarap ang pagkain. Si boy medyas ay agad na umalis at ni-lock ang pinto nang makalagan na si poker face.
HABANG nakatayo siya sa likod ng pintuan ay kinakabahan pa din siya. Ang lakas pa din ng tibok ng kanyang puso. Pangkaraniwang kabataan lang naman siya, na naligaw ng landas dahil sa maling pagpili ng barkada. Inalok siya noon ng kanyang kaibigan ng isang trabaho, malaki daw ang kikitain niyang pera. Ang hindi niya alam ay paggawa pala ng krimen ang trabahong tinutukoy ng kaibigan.
Ang una niyang ginawa noon ay ang pagnakaw sa isang jewelry shop, nangholdap, napilitang pumatay ng tao, at ito ang huli. Siya ang nagtakip ng panyo kay Kate kagabi. Gusting gusto na niyang magbagong buhay, ang umalis sa grupong iyon pero wala siyang patutunguhan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, hindi niya alam kung nasaang lugar siya kaya hindi niya alam kung papaano makakauwi sa kanila. Baka mamatay siya sa gutom at mas lalong ayaw niyang mamalimos.
LUNCH came, siya ang inutusang magbibigay ng pagkain sa dalawang hostage ng pagkain araw araw. Breakfast, lunch and dinner. Again, kinakabahan siya. Nilapag lang niya ang pagkain sa lamesa at nagmamadaling umalis muli.
“Si tropa mangingidnap ng tao tapos takot tayong pakiharapan?” Dinig niyang komento ni Kate mula sa likuran ng pintong sinasandalan niya. Lumipas ang tatlong araw na puro ganun lang ang nangyayari. Nagbago lang ito nung ika-apat na araw. Naabutan niyang tulog pa ang dalawa. Muli niyang Tinitigan ang dalawa, maamo ang mukha nung babae, mukhang inosente sa maraming bagay, at ang lalaki, mukhang masungit kahit tulog.
Palabas na sana siya ng pinto nang may narinig siyang nagsalita sa likuran niya.
“Hi, Kate nga pala pangalan ko ikaw?’ Dahan dahan niyang nilingon ang babae at nakita niyang nakatingiti ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
8 years older, or two years younger?
Romancekung ikaw ay papipiliin, isang lalaking walong taon ang agwat sayo? o isang lalaki na dalawang taon ang bata sa iyo? Join Kate and her friends in their adventures in jollytown! XD