Chapter 8- walang katapusang takbo

517 9 2
                                    

Chapter 8

            Matutulog pa sana ulit ako pero bakit parang umaalog ata ang paligid? Lumilindol ba? Ay teka, bakit binubuhat ako ni Pokey? Wait nahihilo ako.

*Booog!*

            Tengene nauntog pa ako sa puno nahihilo nanaman ako. Ang lakas ng impact e. Weeeehhhyt. Am sleeeeeepy ageeeeennn. Zzzzz…

            Naramdaman ko na lang na may yumuyugyog sa balikat ko. Sige yugyog pa ulit baka sakaling magising ako. Ay potek! Sabi ko yugyog hindi tulak! Napagulong na tuloy ako sa pagkakahiga ko sa damuhan.

“O?” Tanong ko sa kung sino man ang umiistorbo sa tulog ko. Bumangon ako at napahawak sa ulo ko. Waaaaaaaahh nagkabukol na ata ako.

“May nakasunod kasi sa atin kanina kaya binuhat nna lang kita. Pagod na pagod ka kasi kaya hindi na kita ginising.” Aww shit naman o! Anu ba ‘yan! Bakit ba kinikilig ako?! Hindi naman ako ganito dati! Damn!

“Weh? Asan na sila?” I tried to be formal. Hindi ko na tuloy magawang bumanat. Nakakaasar naman e.

“Natakasan na natin sila pero kailangan pa ulit nating lumakad.” Inalalayan niya ako sa pagtayo. Si Boy medyas ayun tahimik pa din. Talagang ayaw niyang magsalita ng maayos kapag nandito si Poker face a.

“Ah thanks.”

“Sorry nga pala sa ulo mo.”

“Okay lang.” Basta ikaw. Haha Echos!

*takbo*

*lakad*

Buti na lang din flat lang ‘yung shoes ko. Thank you Lord! Paikot-ikot lang ata kami sa gubat. Kung saan man kami pupunta hindi ko na talaga alam. Basta takbo na lang ng takbo. Ni hindi ko na nga din alam kung ilang araw na kaming nandito sa gubat e. Basta nung karga ako ni Poker face kanina medyo madilim na. Tapos nung nagising ako maliwanag na ulit.

“Ah!” Sigaw ko dahil nagasgas ako sa sanga ng puno. Shemay, nagdudugo braso ko. Lumapit sa akin si Boy medyas at tatanggalin na sana niya ang maskara niya para ipantakip sa sugat ko pero pinigilan ko siya.

“Bakit?”

“Baka kasi kapag nakita ulit kita sa future baka takbuhan lang kita dahil sa takot. Kaya hayaan mo nang nakaganyan ka, tsaka okay naman ‘tong sugat ko e. I can manage.” Weh I can manage pero napapangiwi na ako. Feeling ko kasi napilayan din ako.

Finally parang nakalabas na ata kami sa gubat. Ang ganda ng view, puro ilaw ng mga building. Bababa sana kami sa labundok na daanan pababa ng syudad nang…

“Diyan na lang kayo!” ^&$%^#%^$@#!!@# Masasakal ko na ‘to! Talagang ayaw kaming pakawalan ah? Dalawa silang nakasunod sa amin. Ang chaka, mukhang fresh na fresh pa ‘yung sunog sa braso nila e. Eew…

Nakatutok ang baril nito kay Pokey. Nagpapalit palit pa ang tingin ko sa kanilang dalawa. At nung feel ko ay talagang ipapaputok ni Mr. kidnaper ‘yung baril, hinarang ko na lang ang sarili ko kay Poker face. Hinihintay ko na lang ang kamatayan ko.

*BOOM!*

Ouch, naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko. Nakanganga lang sila sa akin. Pinapakiramdaman ko din ang sarili ko. Patay na ba ako? Nanginginig ang tuhod ko. Pero bakit…

*Kapa…kapa*

Bakit walang dugo? Hindi kaya kaluluwa ko na lang ‘tong nagna-narrate? Kung patay na ako, e horror na ‘tong story na ‘to? A baka mare-revive ako? Teka, hindi ko makita ‘yung katawan ko na nakabulagta sa lupa.

“Takbo na!” Dinig kong sigaw ni Boy medyas sa harap namin. Inagaw niya ‘yung baril at binaril niya sa binti ‘yung lalaking bumaril sa akin kanina. “Sabi ko takbo na!” Ulit niya. Halaka galit na siya.

“Shaun?” Dinig kong mahinang bulong ni Poker face na parang nagtatanong.

“Sabi ko umalis na kayo! Ako na ang Bahala dito!” Titingin pa sana ako kay Boy Medyas slash Shaun pero bigla na akong hinigit ni Pokey papalayo. At nakita ko si Boy medyas na tinulak ‘yung isa pang kidnapper pababa. Pero sa malas niya nakahawak sa laylayan ng t-shirt niya ‘yung lalaki kaya napasama siya.

“BOY MEDYAAAAAAS!” Sigaw ko. Nalulungkot ako para sa kanya. Hindi ko siya makakalimutan. Sana masaya na siya sa kinalalagyan niya. Ay tae lang, hindi pa siya patay okay!

“Ano ba sa palagay mo ang ginawa mo kanina?!” Galit si Pokey… L

Hawak niya ‘yung magkabilang braso ko at aray ha? Ang higpit nung pagkakahawak niya habang niyuyugyog pa ang balikat ko.

“Kasi inaasahan ka ng mga kapatid mo. E ako, bunso naman ako e. Ako ang umaasa sa kani-” Ay echos hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil niyakap na ako ni fafa Pokey haha. Hehe. Hihi. O tama na! Lumalandi na ako e!

“You’re giving me a heart attack!” Aray, ang sakit nung dibdib ko. Dahan dahan akong lumayo sa kanya at sa loob ng bra ko may kinuha ako. Alam niyo kung ano ang kinuha ko? Edi ‘yung cellphone ko! Kaya ang moral lesson dito, ilagay ang cellphone sa loob ng bra!

Narinig ko lang siyang tumawa. Aba tumatawa na ulit si Pokey. Lalakad na sana kami ulit pero nahulog din kami dun sa malabundok na daan pababa ng syudad. Bakit kasi walang harang? Tsaka ang lupit din kasi ni Poker face e, mangyayakap na lang sa tabi pa ng bangin. ‘Till death do us part daw.  xD

Nahihilo na ako. Umiikot ang paningin ko.

*Blag!*

Ah… Tapos na pala ‘yung stunt namin. Nakahiga na kami ngayon sa kalsada.

*Beep!*

Ay may mga sasakyan na. Pero hindi na ako makatayo. Sobrang naghihina na talaga ako. Nakita ko na lang si Poker face na nakatayo at pumapara ng sasakyan. At…at…dumidilim na paningin ko.

Sinubukan kong ipikit ang mata ko at naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Pero nakatulog ulit ako. Pagkagising ko, puro ilaw ang nakikita ko, para akong nakasakay sa kama na de-gulong. Nakatulog ulit ako…

Zzzzz…

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon