Chapter 5- Sino ba si Ramon?

606 11 2
                                    

Chapter 5

Dahil nagrereklamo si insan, nalilito daw siya (LOLs nakikibasa na lang nagrereklamo pa XD), iniba ko na ung ‘yung format nung story. Dati parang pang pocketbook ngayon parang diary na haha.

Boy Medyas…

~*~*~*~*~*~

            Hindi na ako mapakali. Palakad lakad ako sa labas ng kwarto nila Kate. Kating kati na ang pwet ko na makaalis dito. Bahala kung saan ako pupulutin mamaya. Tama ang sinabi ni Kate. ‘Di bale nang mamatay nang malaya kesa naman mamatay ako sa bugbog dito.

            Ang laking mama pa man din ni bossing kala mo kalahi ni shrek na mangangain ng tao kapag galit. A basta, ayokong matulad kay Ramon period. No erase! Nevah!

            “Ui Boy medyas sino’ng kausap mo diyan?” Muntik na akong mapatili tulad ng isang babae na sobrang magkadikit ang tuhod at nakahawak pa sa pisngi nang makita ko si Kate na nakasilip nanaman dun sa bintana. Haha ang cute niya, para siyang batang nakabilanggo.

            “Ha? A e wala.” Sagot ko na lang.

            “Sino ba si Ramon?”

            “Classmate ko siya nung high school pero hindi na siya naka-graduate. Tulad ko, pasaway na bata ‘yun. Kung bakit siya naglayas sa kanila, hindi ko alam ang dahilan. Teka, gutom ka na ba?”

            “Hindi, sawa na ako sa tutong e. Salamat na lang.” Nagkatawanan kami sa sinabi niyang iyon.

            “A ganun ba? Don’t worry ‘yung matino ang ipapakain ko sa ‘yo.”

            “Good for one lang a, tulog na kasi si Poker face e. Salamat Boy medyas!” Nginitian ko na lang siya. Hanggang ngayon Boy medyas pa din ang tawag niya sa akin dahil hindi ko pa hinuhubad ang maskara ko kapag nandiyan siya. Hindi ko sigurado, pero hinahangaan ko siya sa katapangan niya. Nabalitaan ko kasi ang nangyari kanina, at parang wala lang sa kanya. Kung ganyan ako katapang, edi sana matagal na akong nakaalis sa lugar na ito.

            Bumaba ako at kinuha ko ang pagkain sa tray. Dahil busy naman na ang lahat sa panonood ng 100 days to heaven, pasimple ko na ding kinuha ‘yung bag ni Kate at ni Kuya Poker face. Nagmadali na akong umakyat, baka may makakita pa na dala ko ‘yung bag nila at mabugbog nanaman ako.

            Binigay ko na sa kanya ang pagkain at bumaba nanaman ako, dahil nakalimutan kong kumuha ng tubig. Pagbaba ko, may coke. Coke na lang siguro ang ibibigay ko sa kanya, dahil walang tubig. Coke at alak lang. Baka malasing siya gahasain  pa ako. I’m too sexy to be raped. xD…

            At mukhang wala naman sa hitsura niya na manginginom siya. Ayun binigaay ko sa kanya, pero hindi ako umalis agad. Pinanood ko lang siya. Gusto ko kasi uilt siyang makausap e. Tungkol dun sa pagtakas namin, kung sakali mang maisasakatuparan ko ngayon.

            Grabe, para talaga siyang bata, nagkalat ‘yung kanin sa bibig niya.

            “Gubdoh bong kubaid?” Ansabeh? Hindi ko ata naiintindihan? Nakita ko siyang ininom ‘yung coke at muling nagsalita. “Gusto mong kumain?” Ahh. Kasi naman, ‘wag magsalita kapag puno ang bibig, showering e. Buti na lang kamo at medyo malayo ako sa kanya.

            “Ah tapos na ako kanina pa.” Nginitian ko na lang siya at hindi ko napigilan ang sarili ko na punasan ang bibig niya.

            “Salamat!” Komento niya at muling pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos siya ay tinitigan niya ako. “Sabihin mo lang kung gutom ka, konti na lang maglalaway ka na diyan e.”

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon