Chapter 32- answer this question!

381 9 0
                                    

Wala kasing pasok tsaka ang tagal nung update ko dati. Kaya bumabawi lang ako. ^____________^Y

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kate

~*~*~*~*~

"Mahal kita Kate!"

Parehas ba nilang sinabi 'yun?

Nananaginip ba ako?

O bingi lang ako?

Kung tama ang narinig ko, kelan pa?

Ang haba ng hair ko.

"Inanntok na ako. Salamat sa pagimbita."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kaya 'yun na lang 'yung sinabi ko.

"Sige na ihahatid na kita."

"Sasama na ako sa 'yo Kuya."

Hanggang sa pag-uwi ko ba naman?

Sumasakit na ulo ko sa inyo.

I didn't get enough sleep.

Tuesday pa lang bukas meaning may pasok.

Monday lang kasi 'yung time na nandun 'yung parents ni Shaun.

Magkapatid sila? Akala ko 'yung Ramon 'yung nawawalang kapatid ni Syfred. Si Shaun pala. Kaya pala tahimik siya kapag nandun si Syfred.

Ahh...

Hindi ako nakatulog!

Ang panget ko pa man din kapag walang tulog!

Ang laki ng eyebags ko!

Paglabas ko ng bahay sakto ding kakadating lang ni Pokey. Naiilang ako! Pero alangan namang palayasin ko? Kaya pumayag na lang ako nung sinabi niyang ihahatid niya ako sa school. Matagal naman na niyang ginagawa 'to.

Nag thank you ko nung nakarating na kami sa school.

"Susunduin kita mamaya a."

Isang alanganing ngiti ang sinagot ko.

Naguguluhan ako sa sarili ko.

Tinext ko ang mga kaibigan ko. gusto ko ng makakausap!

Kaya nagkita kita kami sa benches nung uwian na para pwede kaming magkwentuhan to the max.

Ako, Lallaine, Cecille, Maya, Kim, Carlos, Dwight and Bryan. Kami naman ang original barkada e.

"O bakit mo kami tinext?"

"Mamamatay ka na?"

"Buntis ka?"

Lul. Kung anu ano agad ang pumapasok sa isipan nila.

"Guys, kung papapiliin kayo, 'yung mas bata ng dalawang taon, o 'yung walong taon ang agwat sa iyo?"

"I am a guy, so I'll pick the one that is two years younger than me."

"Thank you Dwigh a!" Another sarcastic response from me. "Mga babae na nga lang tatanungin ko."

"Kung ako sa 'yo, piliin mo 'yung mas matanda kasi malamang may trabaho na 'yun. Kayang kaya kang ilibre ng pizza, cake, at kahit ano pa."

"Tama si Lallaine, kasi kung 'yung mas bata, umaasa lang 'yan sa mga magulang niya. Immature ka na nga immature pa 'yung pipiliin mo ano na lang ang patutunguhan ng immature mong buhay?"

"Wow Carlos ha? E ikaw boring ka na nga, boring din yang jinowa mo ano na lang din ang patutunguhan ng boring mong buhay?" Sagot ko.

"Basta kung pipili ka, think of what you'll lose, not because of what you'll gain."

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon