Holding Hands Together

4.7K 149 1
                                    

*Holding hands together*

"Teka ba't tayo nandito eh gabe na?"ang tanong ko kay clyde.

Almost 6:30 na nang gabe at nandito  kame ngayon sa labas nang school. Ano na naman kaya ang pinaplano nang isang to. Nakaka-inis masyado ha.

Inakbayan nya ako at sinabing "May kakausapin kang ako. Chill ka lang okey.?"niyugyog pa nya ang pagkaka-akbay nya sa akin na ikinasakit naman nang ulo ko.

"Ay sorry bro~~nasaktan kaba?"biglang umiba ang tuno nang tanong nya sa akin. May sayad talaga. Kita na masakit ang ulo ko dahil da palo nagtatanong pa sya.

"Bitawan mo nga ako. Ano papasok pa ba tayo or hindi? Dami mo pabg satsat."ang medyo naiiritang bulyaw ko sa kanya. Hindi naman sya nagpa apekto sa sinabi ko. Naglakad na kame sa may gate nang may nakasalubong kaming gwardya.

"Oooppss..? Anong ginagawa nyo pa dito. Gabe na at wala nang tao sa loob?"

"Ah. Eh sir may kukunin lang po kaming gamit sa loob nang classroom namin. Diba dude?" Napatango nalang din ako. Kahit na ayaw ko nang ginagawa ni clyde wala parin akong choice kundi ang sakyan sya sa mga kasinungalingan nya.

"Sige bilisan lang ninyo ang pagkuha at lumabas na kayo. Alam nyo namang bawal dito ang mga tao sa loob kahit oras na nang labasan. Maliwanag ba?"

Nag yes nalang kame ni clyde sa sinabi ni manong guard. Napaka strict talaga nang school namin. lahat talaga kailangan sundin nang mga studyante. Bawal talaga ang lumabag sa mga rules dahil kapag lumabag ka. pwede kang ma expel kahit anong oras. Isang private all boys school kasi itong La De Guardya Acadamy na pinapasukan namin.

Kahit naman strikto ang school namin. Marami paring mga studyante ang lumalabag nang mga rules ang halimbawa nalang nang fratenity. Hindi nila napapansin na marami sa loob nang school ang may mga grupo nang mga studyante dito.

Kaya nga nagiging maingat ako sa bawat galaw ko. Dahil baka ma expel ako. Kasalanan ko pa. Hindi naman kasi ako pinaaral lang nang mama ko dahil sa matalino ako. Pinaaral nya ako dahil sa tulong narin nang mga magulang ni clyde.

Pero itong si clyde, hindi ko alam kung pareho kami nang pag-iisip. Hindi ba sya natatakot na baka malaman nang school ang pinag- gagagawa nila. Paano nalang kung ma expel sya. Ide sayang ang pag-aaral nya dito. At kung ma expel man sya. Pwede naman syang mag-aral sa ibang mamahaling paaralan. Mayaman sila kaya syang paaralan nang mga magulang nya anytime at anywhere pa. Hindi tulad ko na---.

"Hoy ano ba ang bagal mo namang maglakad. Gagabihin tayo dyan sa ginagawa mong yan eh." Hinila nya ako at inakbayan na para bang relax na relax lang ang mokong.

"Ano ba talaga ang gagawin natin dito?"

"May kakausapin nga ako diba. Paulit-ulit lang ba tayo?"

"Baliw ka ba sinong kakausapin mo dito eh narinig mo naman ang sinabi nang guard na wala na ngang tao dito diba?"

"Yun ang akala nila."may something sa sinabi ni clyde na pinagtaka ko. What! Ano kaya ang ibig nyang sabihin. Na yun ang akala nila.

"Hoy clyde ano ba ang ibig mong sabihin.?" Medyo nagtaka ako kaya hindi ko mapigilang magtanong. Tumakbo ako para mahabol sya. Ang bilis naman maglakad nang isang'to.

"Sa lumang building dito sa school may underground na nakatago doon. It was a secret place. Thats we where heading for." Tela nagtaka ako sa sinabi ni clyde na may underground pala dito sa school at sa may lumang building pa. Yun yong lumang building na tambakan nang mga sirang gamit dito sa school. Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganun pala dito. Sa kinatagal ko na ditong nag-aaral ngayon ko lang nalaman talaga. Hindi ko pa yun malalaman kung hindi dahil sa sinabi ni clyde.




The Stranger's Love Affair  (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon