liking Ms. Crush

3.5K 126 0
                                    

*Liking Ms. Crush*

Naka upo ako sa gilid nang kama ko. Kagagaling ko lang school at ngayon nagpapahinga.

"Jhero?"

Napalingon ako kay mama na ngayon ay nasa pintoan.

"Yes po."

"May problema ka ba?"

"Nothing ma. Nagpapahinga lang po ako."

"Hmm.. i see. Nga pala. Nakita ko kayo ni abby magkasamang pumasok sa school at sabay umuwi din."

Tumango lang ako sa tanong nya.

"May problema kang hindi nasasabi sa akin, nak."

"Wala po ma."

Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ngayon ni mama. Kung ano ba talaga ang gusto nyang sabihin sa akin. Kung tungkol ba ito kay abby or kay clyde. Sana naman hindi ito tungkol kay clyde. Ayuko pa kasi pag-usapan ang bagay na yun. Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko pag nagtanong sya.

"Ganun ba. Okey."

Nag decide nalang si mama na umalis. Dahil siguro sa nakikita nya ako na parang walang ganang makipag-usap. Bago pa si mama maka alis. May sinabi sya sa akin tungkol sa isang tao.

"Sana magka-ayos na kayo kung may problema man kayo. Hindi ako sanay na nagkakaganyan kayo. Pag-isipan mo yang sinabi ko."

Napatingin lang ako kay mama habang sinasabi nya yun.

Sabi ko na ngaba nararamdaman ni mama ang problema ko.

Bandang dapit-hapon na at nakatambay ako sa gilid nang field. May praktis kase kame ngayon.  Habang naghihintay ako sa iba ko pang mga ka-mate. Nakikinig naman ako nang music sa ipod ko.

Bigla nalang may tumapik sa akin. Nilingon ko ito. Napangiti ako sa harap nya. Nakakahawa talaga ang ngiti nya. May binigay sya sa aking inumin. Kinuha ko ito. Syempre tatangi paba ako i sa crush ko galing. Syempre grab it na!.

"thanks."

"Welcome. May praktis kayo?"ang tanong nya sabay upo katabi ko.

"Yup."

"Pwede manood?"

Yun lang ang sinabi nya. At alam nyo ang piling nang pagkasabi nya. Para akong na shock na nabigla na parang iwan. Yung bang parang ang saya mo dahil manonood su crush sa laro nyo. Syempre magpapakitang gilas ka doon kasi nga nanood si crush.

Napangiti nalang ako nang sekreto. Ayuko makita nya na masaya ako. Napa oo naman ako sa tanong nya. At yun nga. Ngumiti na naman sya sa akin. Ang ganda nya talaga pag ngumiti sya. Lalo na magkaharap kame. Mas nakikita ko ang buong kagandahan nya. Ang pantay at mapuputi nyang ngipin. Ang matangos nyang ilong ang pinkish nyang pisngi at ang magaganda nyang mata na kapag tumatawa sya napapatawa din ang mga mata nya. Para ba sa kanta nang meteor garden.

🎵Alam mo ang ganda mo pala, pagtumawa ang yung mata, ang sarap damhin kay sarap lambingin🎵

"Anong pinakikinggan mo?" Napansin ko pala na nakita nya ako na nakikinig nang music.

"Eto pakinggan mo maganda." Isinuksok ko sa kanya ang isang earphone at sabay kaming nakinig sa music.

Hindi ko talaga maiwasang hindi tumingin sa kanya. Ngayon pa't ang lapit lang namin sa isa't-isa. Gusto ko sana syang akbayan kaso nahihiya ako at baka mabigla at magalit sya pag ginawa ko yun. Ang ginawa ko nalang para mas mapalapit ako sa kanya. Umusog ako nang konti sa kanya para mas lalo kaming magkadikit.

Maya-maya lang napatingin sa akin si abby. Nakatitig sya. Ang tingin nya para bang nag-uusisa. Napalunok ako. Sa isip ko. Patay. Baka magalit sya. Baka isipin nya tinatsansingan ko sya. Baka sabihin nyang manyak ako.

Napa-atras nalang ako nang upo palayo sa kanya nang tatlong pulgada tama lang para hindi nya mahalata.

"Ayos ka lang ba?"ang bigla nyang tanong sa akin.

"Ah. Oo ayos lang ako."ang medyo kinakabahan kong sabi.

"Maganda ang mga music mo ha. Mahilig ka pala sa mga love song." Nakita ko na kinulikot na pala nya ang ipod ko.

"Oo. Nakaka-gaan kasi sa pakiramdam ang mga kanta lalo na't live song. Nakaka inlove pakinggan. Ikaw ba anong hilig mo sa music?"

"Ako. RnB at rock song. Para naman masaya at nakakasigla. Yun ang gusto ko sa music. Alam mo ba kung ano ang paborito kung band?"

"One direction? I guess?" Ang sabi ko. syempre sino ba ang may ayaw sa mga one direction sikat na at gwapo pa just like me. Hihihi..

"Hindi."ang sabi nya lang.

"Ano!? One direction hindi mo sila paborito?"nakakapagtaka naman. Sa isang dalagang katulad nya. Hindi nya idol ang mga one direction. Nakapagtataka naman....

"Diba sabi ko sayo mahilig ako sa RnB at Rock song."

"Oo. Diba band din yung one direction?.. baka naman The Vamps....or jonas brother...o baka naman si Justin Bieber?"

"Ang dami naman nang mga bandang alam mo. Mahilig ka nga talaga sa music. Pero sa mga nabanggit mo wala. Hindi ko sila paborito."

"Talaga! Doon sa mga sinabi ko sayo wala ako naging tama?"

"Gun's N Roses at Bon jovi ang paborito kung band...."napanganga ako sa nga nabanggit nyang banda. Sure ba sya?.

....porket modern world na tayo. Akala mo siguro yun ang mga paborito ko. Hihihi.... dikaya. "

"Talaga."ang hindi ko parin makapaniwala.

"Bakit. Ayaw mo parin ba maniwala. Dahil ba sa babae ako. Hindi ko na hilig ang mga ganong music.?"ang medyo pagdududa nya sa akin.

"Ah. Hindi. Naniniwala naman ako. Yun lang kasi lang old na kasi ang mga bandang idolo mo."maingat kong sabi sa huli kong binanggit. Ayaw ko kasi na baka magtampo si abby sa sinabi ko nang dahil lang sa banda na yan.

"Ayos lang. Alam ko naman na ang mga tao may iba't-ibang hilig at taste pagdating sa music. Kagaya natin. Ikaw mahilig sa romance love song. Ako naman mahilig sa rock song---.'

"Oo magkaiba nga, pero may pwede namang magkapareho nang gusto at nararamdaman." Iwan ko ba kung bakit ko nalang nasabi ang salitang yun. Ayan tuloy napatahimik si abby sa sinabi ko. Hindi tuloy sya makatingin sa akin.

"Sorry."yun lang ang sinabi ko sa saglit na katahimikan namin.

"Ano ka ba. Bakit ka ba nag so-sorry? Okey lang yun. Tama naman ang sinabi mo. May mga tao ngang iba ang taste at hilig. Pero nagkakasundo naman pagdating sa nararamdaman." At dahil sa sinabi nyang yun. Nakapahinga ako nang maayos. haist. Ang akala ko hindi nya nagustohan ang sinabi ko. Salamat naman kung ganun.

At nagpatuloy kame sa pakikinig nang music sabay kwentuhan about music. Ang sarap nya talagang kausap at ang saya nyang kasama. Sana nga ganito nalang kame. Sana maging close ko pa itong si abby. Sana hindi kame magkaroon nang tampuhan or nang away....

Speaking of that. Nasagi tuloy sa isip ko ang taong hindi ko akalain na nakalimutan ko nang mga nag daang araw.

Kamusta na kaya sya. Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon. Tatlong araw ko na syang hindi napapansin sa school. Hindi ko nga sya napapansin na pumapasok eh. Ano na kaya ang ginagawa nang isang yun. Sana naman wala sa kanyang nangyaring masama.

Ano ba'to. Bakit ba ako nag-aalala sa kanya. May atraso pa sya sa akin. Dapat nga mainis pa ako sa kanya eh. Pero hindi e. Nag-aalala nga talaga ako sa kanya.

"Okey ka lang ba. Parang ang lalim nang iniisip mo. Hinay lang baka ka malunod ka nyan. Hihihi..."ang pabiro na sabi ni abby sa akin. Napatawa nadin ako sa sinabi nya. Marunong din pala itong magbiro si abby. Unti-unti na tuloy akong nagkaka-gusto sa kanya. Yan din kasi ang type ko sa isang babae, ang fun at  go lucky kasama. Eeeeeeee.....kinikilig tuloy ako sa iniisip ko.

Sana nga magtuloy-tuloy na'to. Sana nga ito na ang simula nang aming closeness.





The Stranger's Love Affair  (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon