Rupert

2.9K 101 1
                                    

A/n: Nakakahilo. Ang lakas nang ulan dito sa amin. Ang hirap sumakay pagka lumalakas ang ulan. Buti pa sana nag board nalang ako nang saganun hindi na ako bumibiyahe pa nang pagkalayo-layo.

Anyway. Ang pahinang ito ay tungkol sa ibang character. Gusto ko lang kasi na bigyan nang storya yung ibang character. Sayang naman kung extra lang sila. Naaawa na kasi ako aa iba. Hihihi....

Sana magustuhan nyo ang pahinang ito. Well enjoy reading!!😘😄

*Rupert*

Tanggap ko na. Tanggap ko na na wala na talaga kame ni abby. Yun ang masakit eh. Ang makita mo nalang sya bigla sa kabila nang mga nagdaang taon na iniwan ka nya. At makikita mo nalang na may ibang kasama. Ang mas masakit pa. E yung hindi ka manlang pinapansin. Ginawa ka lang nyang tanga. Naghihintay sa wala. Pinaasa at inuto nang matindi.

Hindi ko talaga tanggap noon ang malamang iniwan niya ako. Oo alam kong hindi tanggap nang mga parents nya ang pagmamahalan namin. Inaamin ko naging patago ang relasyon namin ni abby noon. Mahirap ang setwasyon namin. Yung bang kung gusto mo siyang dalawin sa inyo hindi naman maari dahil nandiyan ang mga bantay sa bahay nila. Pag inaabangan mo naman siya sa skul nila hindi rin pwede dahil hatid sundo sya nang papa niya. Ang hirap. Ang hirap talaga tsumimpo kung paano kayo magkikita.

Humingi na nga ako nang tulong dati kay clyde. Yes si clyde ang kasabwat ko noon nang mga panahong yun. Magkapitbahay sila at palaging nagkikita sa kanila. Kaya yun ang naging idea ko na si clyde ang magiging spy ko sa araw araw. Tumatawag ako kay clyde kung mag-isa lang ba sa bahay nila si abby o dikaya naman kung nasaan si abby.

Masasabi ko noon mga nagdaang taon nagong worth it naman ang tulong ni clyde.

May mga araw na nagkikita kame ni abby sa bahay nila clyde. Doon ang tagpoan namin. Or pag sa labas naman doon sa rest house naman nila clyde. Every one week dalawa or tatlong beses lang kame nag kikita ni abby. Syempre hindi rin kasi namin pweding araw-arawin dahil nga sa subrang stikto nang parents niya.

Galing ako noon sa isang gimikan. Kakasakay ko lang nang kotse ko nang mahagilap nang mga mata ko si abby. Yes sya nga iyon. At ano naman ang ginagawa niya. Wait may kasama ba sya. Nang lapitan ko ang restaurant na pinasukan nya. Doon ko lang napagtanto na ang kasama niya pala ay ang kaibigan ni clyde. Ang lalaking santo. Bakit? Bakit ko tinatawag na santo si jhero. Kasi nga. Sa pagkakakilala ko sa kanya. Siya kasi yung tipo nang lalaki na subrang bait at subrang maaalalahin sa kaibigan nya. Siya pa nga yung umaalalay kay clyde. At sa subrang bait niya lahat nang mga babae o mapabakla man humahanga sa kanya. Ni ayaw nga makipag-away eh. Hindi naman sa takot siya masira ang mukha niya no. Ang sarap kasi sapakin nakaka gigil. Arrgghh...!!

Woahhh...relax...calm down. Mainitin tayo ngayon mga buds. Hindi ko kasi maalis sa isip ko ang nangyari eh. Yung makikita mo nalang talaga basta basta ang past mo na may someone. Kainis. At si jhero pa. Sabagay sino ba naman ang hindi mahuhulog sa gagong yun eh napaka santo nga nang mukha. Kung sa babae. Hindi makabasag pinggan. Basagin ko kaya mukha nya.!

"So ano tara?"lumingon ako sa taong nagyaya sa akin.

Napakunot ako sa noo at napaisip. "Bakit saan naman tayo pupunta? At tsaka gabe na?"ang sabi ko naman sa kanya.

"Saan pa edi sa ex mo."at napatawa pa ito sa kanya.

Huminga ako nang malalim sa nabanggit nya. Ano naman kaya ang gagawin namin doon. Wala naman akong alam kung ano ang meron sa kanila ngayon.

"Ano sama ka? Aalis na ako. Naghihintay sa akin sina Hani dun. Oo nga pala. Pupunta din ang dalawang mag best friend. Ano ayaw mo?"may pag-anyaya nitong tanong sa kanya na sumama siya.

"Don't worry its just a birthday party. Sabi nila it was abby's cousin's party. He is a celebrity singer. I can't wait to meet him! He's cute sabi nila. Hindi na ako makapaghintay!"at nagtatalon pa ito sa kilig nang sabihin nya.

"Heh. Cute i baka mas gwapo pa ata ako dun eh."ang pagmamayabang ko naman. Totoo naman eh. Baka nga pagnakita ako noon baka sasaludo pa yun sa akin at makipag kaibigan.

"So ano let's go?"ang atat at hindi nya makapaghintay na tanong sa akin.

Natawa nalang ako sa kanya. Kita ko na todo ang paganda niya sa salamin na hawak niya. Kahit na nagmumukha na syang clown sa mga nilalagay niyang lipstick at foundation.

"Amy. Pwede ba wag ka ngang atat dyan. May hinhintay ako. Kung gusto mo mauna kana."

Napa simangot naman sya sa sinabi ko. "Ayuko nga. At tsaka kung aalis ako ano ang sasakyan ko? Mag tataxi ako. No way!"ang mataray nitong sabi sa akin.

"Edi maghintay ka!"ang tugon ko naman sa kanya.

"Fine!"ang padabog nyang sabi naman.

.....

Nang malapit na kame sa bahay nila abby. Kasama ko ngayon ang mga kagrupo ko at si Amy.

"Ano pa ang ginagawa natin dito. Let's go!"na una nang lumabas nang kotse si amy at sumunod na ako at ang mga tropa ko.

"Sigurado ka bang makakapasok tayo dyan?"ang pasigurado kong tanong.

"Oo naman ano! Tinxt ko na si Hani nasa loob na daw sila at naghihintay sa atin."ang sigurado nyang sagot.

"Okey kung ganun. Tara na!"nang masiguro ko na okey na pala ay ako na ang na una sa kanila pumasok.

Pagdating namin sa loob wala naman masyadong maraming tao. Kakaunti lang ang nandun. May mga kaunting nag kukumpulan sa gilid. Ang iba naman may mga hawak pang inumin. At may isang mini stage sa gitna. Yun siguro ang sinasabi ni Amy na singer ang celebrant at mag peperform sya ngayon gabe. Makita nga.

"Oh bro. Watsup?"ang bungad sa akin ni clyde. Nakipag apiran naman ako sa kanya.

"Akala ko hindi ka pupunta dito?"

"Yun nga eh. Ayuko sanang pumunta. Ang kaso mapilit itong si amy. Gusto ako isama kaya ito no choice sumama nalang.!"ang sabi ko sa kanya. Mukhang naintindihan naman nya ang sinabi ko at tumango nalang sya.

"Kamusta naman kayo ni jhero? Ang biglang tanong ko sa kanya.

Biglang napangiti ito nang pagkalawak-lawak. Ano kaya ang natanong ko't masaya to?

"Oh bat ka napangisi dyan?"tanong ko sa kanya.

"Worth it man! Ayos ang plano ko. Okey na kame nang buds ko!"ang nakangiti nyang pagkasabi. At nakipag-apir pa sa akin. Kaya pala ang saya nang gago ngayon.

Heh. Hambog. E paano hindi siya patawarin e dinala niya sa langit ang santong iyon. Nakakatawa.

"Kilala nyo ba yung birthday celebrant ngayon?"ang pagsali naman ni Ben sa amin.

" Pinsan daw siya ni abby. Kakauwi lang nang Australia. Yun ang dinig ko."si Peter na ang sumagot.

Habang nag uusap kaming mga boys. Nahagilap sa mata ko ang lalaking nakasuot nang long sleve at fitted jeans binagayan pa nang highcut shoes.

"Teka sino yun?"ang usisa ko.

"Iwan."ang sabay nilang sagot.

"Wait si abby yun diba? Kasama pati si jhero. Teka...magkakilala sila?!"ang takang sabi naman ni Ben.

Tumingin kame sa direksyon nang dalawa actually tatlo sila kasi lumapit sa kanila yung lalaking naka long sleve.

What? Wag niyang sabihin new suitor niya. Walang'ya. Talagang ang dami niyang manliligaw ha?

Nainsulto tuloy ako sa pagkalalaki ko. Para akong nadown. Hindi ko kaya ang ganun. Ang dami kong ka kompitensya kay abby.

"Hey! Relax ikaw naman naka kurti agad ang kilay mo diyan."sabay turo sa noo ko.

"Wag mo nga akong hawakan Peter! Sipain kita diyan eh."ang inis ko. Nakakainis ano ba'to. Parang nagseselos na ako.

Kailangan kong makausap si abby. Kailangan namin mag-usap. Hindi ko ba kaya ang ganito. Nahihirapan na ako.

...........

Keep...keep reading..







The Stranger's Love Affair  (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon