*Starting to feel weird*
"Jhero. Tara sumama ka."hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.
Nauna ako sa kanyang lumabas nang school. Pero paano nya ako naabutan eh may kumausap sa kanyang babae. Tsk. Gagawa talaga nang paraan para sa mga hilig nya.
"Ayuko ikaw nalang. Nangako ako kay mama na maaga akong umuwi. Tutulongan ko pa kasi sya sa nga gawaing bahay."ang sabi ko naman sa kanya.
"Ano! Hah. Ayaw mong sumama dahil may gagawin ka sa bahay. Dahil tutulongan mo si Ms. Amy sa mga gawaing bahay....eh mga babae lang ang gumagawa nun eh."ang sabi naman ni clyde na para bang pinapahiwatig nyang hindi trabaho nang mga lalaki ang gawaing bahay.
"Alam ko."ang tanging nasabi ko lang.
"Eh alam mo naman pala eh. So tara!"aya ulit nya sa akin.
"Ayuko parin. Ikaw nalang. Uuwi parin ako at tutulong sa gawaing bahay."pagkatapos kung sabihin sa kanya yun nag umpisa na akong maglakad. Sa may bus stop nalang ako sasakay. Ayuko na makita ko si clyde. Kukulitin lang naman ako nun.
Teka nga. Bakit ngaba sya nag-aya. Siguro ko makikipag date na naman yun kay Hani. Naku!.. sinabi ko sa kanya. Bahala sya sa buhay nya. Pag may mangyaring hindi maganda talaga sa kanya. Wag na wag syang tatawag sa akin para humingi nang tulong. Mag-tiis sya.
Habang naglalakad ako sa may bus stop. Bigla nalang nasagi sa isip ko ang mga weird feelings ko pag kasama ko si clyde. Feeling ko kasi parang may nagbago sa amin. Parang yung dati napalitan nang bago. Parang ganun. Hindi ko ma explain eh. Aist. Napakamot nalang ako sa batok. Dumating na ang bus sa may kinatatayuan ko. Agad din akong pumasok at umupo.
..............
"Ma nandito na ako."
"Andyan ka na pala."tumango ako kay mama.
"Opo. Ma akyat lang po ako sandali. Magpapalit lang ako nang damit ko." Tumango naman si mama sa akin.
Umakyat na agad ako pagkatapos kong mag paalam. Binilisan ko ang pag-akyat sa kwarto ko para makapag-bihis. Nag mamadali ako para makapag linis narin nang bahay. May gagawin din kasi ako after ko mag linis. Iniisip ko kung sumama ako sa lakad ni clyde baka wala lang kwenta ang mangyayari. Pero iba naman ang nasa isip ko paano naman kung may importante syang lakad at gustong mag pasama sa akin. Hindi kaya baka nalungkot ko lang damdamin nun.
Nakaharap ako sa salamin ko habang nag-aayos nang sout kong damit. Ganito talaga ako pag nag-susuot nang damit tinitingnan ko sa salamin para maging okey ang porma ko. Kahit na nasa bahay lang ako mga pre maayos akong mag suot.
"Jhero tapos ka naba, kung tapos kana bumaba kana!" Narinig ko sigaw ni mama kaya naman bumaba narin ako nang makita ko na okey na ang suot ko.
"Andyan na po ma bababa na!"Dagli-dagli akong bumaba. Patakbo-lakad ang ginawa ko.
"Oh tapos kana pala."napahinto ako sa sinabi ni mama. Nasa kalagitnaan palang ako nang hagdan nang masulyapan ko ang bisita ni mama. I mean namin pala.!
Totoo bang nandito sya sa bahay! Napapangiti talaga ako pag nakikita ko sya. Parang baliw lang kung ngumiti ako sa kanya. Ang saya ko kasi dahil nandito sya.
"Oh bakit ka pa nandyan halika ka. Nakakahiya kay Abby nak, tulala ka pa!" Ang basag trip sa akin ni mama. Alam kasi ni mama na may pagtingin ako kay abby. Naikwento ko kasi kay mama na may batang babae ako nuon na naging crush ko. At hindi ko alam na magagawa ni mama na maging close sa pamilya ni abby.
"Hi."ang simple bati ni abby sa akin. Napangiti din sya sa reaksyon ko. Shit. Nakakahiya naman sa kanya. Baka akala nya baliw ako sa kanya. Slight lang naman. Kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
The Stranger's Love Affair (BXB) COMPLETED
RomanceThis man Clyde is way hardhead the playboy, the blacksheep and he always fight everywhere, he is a leader of the gang called"Riot". Because of the family's wealth known he can manage all the stuff he get. And there's here friend Jhero, jhero is a...