*Everything has change*
"Senyorito gising, bakit ba kasi naglasing kayo? Yan tuloy 1 hour ka nang late sa sa skul mo? Papasok ka pa ba?"ang tanong sa akin ni mang biday habang papungay-pungay akong naka upo sa gilid ng kama ko at siya naman ay hinawi ang kurtinang nakaharang sa bintana.
"Señorito clyde sige na kumilos kana diyan at maligo kung papasok ka? Wag nang mabagal!"ang sermon sa akin ni manang habang naka-pamewang sa harap ko.
"Manang sakit pa ng ulo ko. Pwede mamayang hapon nalang ako papasok?"ang namamaktol kong sabi sa kanya.
"Ai iwan ko sa inyo. Bahala na nga kayo diyan sa buhay niyo!"ang naiinis na sabi ni mama. "Sakit sa ulo yang mga ginagawa niyo sa akin señorito ha! Napapansin ko na nagbabago na kayo. Palagi nalang ganyan ang pinag-gagawa niyo. Kung hindi naman kita mapapagsabihan ginagawa mo naman yan! Sakit sa ulo ka talaga!"ang bulyaw niya sabay sara ng pinto.
Napakamot nalang ako sa sentido ko. Grabe palagi nalang may sermon sa akin si manang. Lahat nalang ng nakikita sa akin palaging mali. Ano ba talaga ang dapat kung gawin ang mag-isa sa buhay ang walang happiness na gagawin. Paminsan-minsan lang ko naman ito ginagawa a. Iwan ko bahala na!! Pasalamat siya ito lang ang ginagawa ko kesa sa magdala pa ako ng babae dito o dikaya ay mag seset ako ng party sito sa house baka sumabog yang sentido niya. Wag naman sana.
"Oh ayan señorito ha! Kina-usap ko na si ma'am sinabi ko na sa kanya na naglasing ka kagabe at ngayon ay unang araw mo sa skul late ka pa!"ang sabi ni manang sabay abot sa akin ng phone.
"What!? manang sinabi niyo kay mama? Manang naman pano kung malaman ni daddy ito. Magagalit na naman yun sa akin?"ang pagmamaktol ko sa kanya.
Nilapag ko sa mesa ang phone at pinuntahan siya sa kitchen area at doon naghihiwa siya ng lulutuin niya.
"Señorito, akala ko ba nagbago na kayo?"ang tanong niya habang maghihiwa.
"Nagbago naman ako a?"ang sagot ko.
"E bakit kagabe nung hinatid ka ni sir Edward dito lasing na lasing ka at nang inakyat ka na sa kwarto mo para magpahinga sigaw ka ng sigaw sa pangalan ng lalaking iyon? Akala ko ba naka move on kana?"ang wika niya.
Napako ako sa sinabi niya sa akin tungkol sa nangyari kagabe. Seriously ginawa ko ba talaga yun? Isang paghinga nalang ang aking nagawa bago siya tingnan ng seryuso.
"Manang naka move on na ako sa nangyari. Kinalimutan ko na ang lalaking iyon. Di ako nagbibiro maniwala kayo. Hindi pa ba sapat itong nakikita ninyo sa akin araw-araw. Kasama ko ang bago kong friends at bagong lovelife. At diba nga ikakasal na kame ng fiance ko?"ang saad ko pa.
"Señorito kung totoo man yang sinasabi mo. Edi totoo! Bahala kayo.!"ang sabi naman ni manang na may kaunting ngiti sa mukha niya. Pinagtatawan ba ako nitong matandang ito.
Hindi ko nalang pinag-aksayan ng panahon si manang talagang ganyan na talaga yan. Parang ina ko nang ituring siya. Im blessed dahil siya ang nag-alaga sa akin sa mga napag-daanan ko past month.
I was hopeless back then, tanging ang nasa isip ko nalang nung mga araw na yun ay magpatiwakal, tapusin ang buhay ko. Talagang wasak na wasak na ang buhay ko nun. Hindi ko na iniisip kung ano ang mangyayari sa akin basta nalang magwala at magalit. Lahat ng sakit at puot sa puso ko ay binuntong ko sa pagkaka-lulong sa bisyo ko.
Until that one day natagpuan nalang ako ni manang biday sa labas nang bar house nakahandusay lasing na lasing para na raw akong nasiraan ng pag-iisip ng tanongin niya ako kung ano ba daw ang nangyari sa akin kung bakit ako nagkakaganito.
Si manang biday ay isa sa pinagkakatiwalaan ng mga parents ko. Dati na siyang naninilbihan sa amin noong bagong mag-asawa palang ang parents ko. Pinag sisilbihan daw niya ang parents ko ng matagal hanggang sa nagkaroon daw ito ng anak at ako iyon. At dahil daw kailangan ng pumunta ng parents ko sa ibang bansa para doon manganak at palakihin ako ay naiwan si manang biday sa pamamahala sa aming naiwan na ari-arian at bahay dito.
Kaya nang makita ako ni manang biday at ang background ko ay nalaman niyang anak ako ng amo niya. Kaya ganun nalang ang pag-aalaga niya sa akin parang matagal na niya akong kilala.
At na adopt ko naman ang lahat kay manang biday ng umuwi si mommy dito sa nalaman niyang nangyari sa akin.
Sampal at masasakit na salita ang natikman ko sa aking ina ng sabihin ko ang dahilan ng aking pagkakaganito. Sinabi ko sa kanya ang lahat tungkol sa amin ni jhero. Nagulat siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Katulad ng isang ina hindi niya matanggap na ang kaisa-isa niyang anak na lalaki na magmamana ng lahat ay iibig-lamang sa isang lalaki. That was hurt ng sabihin niyang pag hindi ko siya sinunuod ay tatanggalin niya ako ng mana at baka hindi ko na daw makita si jhero. Ilalayo daw niya ito sa akin. Natakot ako sa sinabi ni mommy, ayuko mangyari iyon.
So thats it, nag decide ako na magpapakalayo na ako kay jhero. Kalimutan ko na ang lahat sa kanya kakalimutan ko narin ang nararamdaman sa kanya. Kahit na masakit mang gawin ay gagawin ko just for him. Ayuko na mawala siya.
And now, i was back to the new me, ibang clyde na ang makikilala nila. Clyde na mas kakatakutan, mas kakagulohan at mas hahangaan. Yan ang clyde na makikita nila ngayon.
Sa kotse.......
"Hey watzup?"ang sabi ko through the phone. Kausap ko ngayon si ed edward for short.
"Hey man what's up?"ang sagot naman ng kabilang phone.
"Meet me in *******bar."ang agad na sabi ko.
"K."ang sabi naman niya then end the call.
Edward is friend of my new fiancee Raycee. He is half Russian nakilala ko siya sa isang fun events sa sikat na beach party dito. He is with my fiance for vacation like him raycee also half Russian. Naging close kame lalo dahil sa hilig namin sa mga gimik hobbies. Mahilig kasi sila sa tour kaya lahat ng events and tourist attraction ay pinupuntahan nila. And just like me para makalimutan ko noon ang past ko. Naging besibisihan ako sa sarili ko inalis ko lahat ng aking nakaraan at pinagtoonan ang mga bagay na magiging paraan para sa pag momove-on ko. And it was wort it naman. Nakita ko naman ang malaking pagbabago ko sa sarili.
"What's up dude? Why all of sudden you want me to meet you here?"ang tanong niya.
"I need you man to my plan?"ang sagot ko.
"Whats the plan and what is it for?"ang sagot naman niya.
"I need to go back to where i belong."ang sabi ko.
May pagtataka man sa kanyang gwapong mukha pero saglit lang at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.
"Yeah sure....."ang sabi niya. I gave him a high five to seal the deal.
And ngayon ay handa na ako sa aking pagbabalik. Makikita nila ang bagong ako. At lalong-lalo na ang lalaki kung bakit ako nagbalik.
Magkikita na tayo.....maghintay ka sa aking pagbabalik...sisiguraduhin ko na sa aking pagbabalik ay hindi ko na palalampasin ito. Hindi ko na pakakawalan pa...kung nagkamali man ako noon, ngayon sisiguradohin ko na magtatagumpay ako at sisiguradohin ko na tama ang naging desisyon ko.
..............................
THE END......
To be continoued.
BINABASA MO ANG
The Stranger's Love Affair (BXB) COMPLETED
RomanceThis man Clyde is way hardhead the playboy, the blacksheep and he always fight everywhere, he is a leader of the gang called"Riot". Because of the family's wealth known he can manage all the stuff he get. And there's here friend Jhero, jhero is a...