Ang Bagong Darating

2.7K 88 1
                                    

*Ang Bagong Darating*

Makalipas nang nag daraang araw masasabi ko na naging malalim talaga ang pagkakaroon namin nang realayon nitong si clyde. Palagi kame magkasama mapa skul man o sa bahay miski sa labas nang bahay palagi kaming magkasama. Iwan ko nga ba dito sa kanya ang labo niyang kasama. Minsan napapansin ko sa kanya super protected niyang nubyo talaga. Ni kunting kilos ko nga lang sisitahin na kagad ako. Ito pa yung may kausap lang akong babae or lalaki iba na kung makatingin sa akin. Lalo na yung hindi ko makakalimutang ginawa niyang kahihiyan sa akin.

Noong nakaraang araw kasi habang magkasama kaming namamasyal nitong si clyde syempre siya ang nagdala nang bag ko at yung pinamili namin dito sa loob ng mall. Mga ilang oras lang ang nakalipas nang makaramdam kame nang gutom. Kaya naman nagpasya kaming pumunta nang food court at kumain. At syempre dahil siya daw ang Top sa amin kaya siya na raw ang bibili at yun nga pumayag naman ako kahit medyo ayaw ko yung estelo niya sa estado nang relasyon namin.

Habang hinihintay ko siyang bumalik kasama ng mga pagkain. Nag cecelpon mona ako para hindi ako maging boring dito sa kakaupo. Pamaya-maya lang may tumawag sa akin. Kaya napalingon ako.

"Hoy pare, kamusta long time no see ha?"ang sabi ng kababata kong si alfie. Si alfie siya ay ang apo nang kapatid nang lola ko sa bali mag first cousin kame kasi panganay siya sa dalawang magkakapatid. Babae ang kanyang bunsong kapatid kaya kuya siya sa kanila.

Gwapo itong si alfie kagaya ko rin na gwapo dahil nga sa kamag-anak ko siya.

Nag-usap kameng dalawa about sa bakit siya nandito at anong ginawa niya dito sa manila.

"Sino kasama mo dito sa manila habang nag tatrabaho ka?"ang tanong ko sa kanya.

"Ako lang mag-isa nasa probinsya kase sila mama at kapatid ko."yun lang ang sinabi niya. Napatango nalang din ako.

"Teka kumain ka naba?"

"Ah oo kumain na ako tol. Ako naman magtatanong sayo. Kamusta kana?" Ang masigla niyang tanong.

"Ito nag aaral pa." Ang sabi ko.

"Ah ganun ba. So bakit ka nga pala nandito. Sino kasama mp dito?"ang sunod niyang tanong. "Naku baka girlfriend mo kasama mo ngayon no? Ikaw hu?"ang nakakaluko niyang tanong. Aba mukhang may paka pilyo pala itong mokong na ito.

"Naku hindi girlfriend ang kasama ko ha. Kaibigan ko lang at naglilibot libot lang dito."ang rason ko.

Syempre hindi ko din sinabi sa kanya ang totoo na wala akong girlfriend, boyfriend meron pero tinago ko lang dahil sa ayaw ko may malaman siya. Hindi naman sa nahihiya ako pero baka mabigla siya at baka ipagsabi pa niya sa ibang kamag-anak namin. Mahirap na diba mas magiging mahirap siguro ito sa amin ni clyde marami ang mag ki-ctiticize sa relasyon namin.

"Kaw naman dina mabiro. Nga pala saan kayo ngayon nakatira ni tita at ng madalaw ko naman kayo habang nandito ako sa manila."

Sinabi ko sa kanya ang tirahan namin sa may subdivision sa *******. At yun nga marami pa kaming napag kwentuhan nitong si alfie. Ang may pinagtataka ko lang sa kanya nitong pangalawa naming pagkikita ay parang magaslaw siya. Habang nagtatawanan kame panay ang hampas nang kamay niya sa kamay ko at dumudikit pa siya aa akin at pinapalo itong balikat ko. Medyo na iinis din ako.

"Grabe talaga yung pinagtrabahuan ko. Hahahaha....biruin mo ako palagi yung bukang bibig ng mga katrabaho ko. Ako daw yung may bagong dalang balita pag pumapasok ako sa trabaho. Eh sa hindi naman nila alam e newscaster sana'to kung nagpatuloy lang sana ako ng kolehiyo at hindi naghiwalay ang mga magulang ko. Kaya kahit sa bago kung trabaho nadadala ko ang naudlot kong pangarap. Hahaha..." tawa siya ng tawa habang ako nakikinig lang sa mga kwento niya at pangiti-ngiti narin minsan.

The Stranger's Love Affair  (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon