We don't talk anymore

2.3K 74 0
                                    

* We don't talk anymore*

Iwan ko ba kung bakit iyak ako ng iyak kagabe sa aking silid. Walang oras na tumutulo ang luha nakatingin sa bintana naghihintay na baka darating siya at sabihing miss na miss na niya ako. At sabihin sa akin na wag ako maniwala sa sinasabi ni mama na kame lang dapat na dalawa. Pero parang hindi mangyayari ang inaasahan ko. Talaga ngang baka nagising na siya sa katotohan na isang malaking pagkakamali lamang ang nangyari sa amin. Na para bang one night stand lang ang nagyari sa relasyon namin. Na pwedeng kalimutan pagkatapos ng lahat parang ganun nalang ba yun sa kanya. Yan ba ang gusto niya na kalimutan nalang namin ang pag-iibigan namin?

Sa umaga nagising ako na nakatingin sa bintana. Kukunin ang celpon at titingnan kung may tawag o txt galing sa kanya pero gaya ng dati wala manlang galing sa kanya. May nagtxt nga si 8080 naman sabi

8080:
Naku! Expired na ang iyong Comboall10.  Baka gusto mong subukan ang mas pina-sulit na Combo10!  May unli texts to all networks at 60minutes na tawag to TM/Globe, P10 lang! Valid for 1 day!  I-text ang C10 sa 8080 para mag-register. Ibang promo ba ang hanap mo? Dial *143# for free.

Gago pati ba naman sa load may expiration.. baka yan din ang nangyari sa relasyon namin expire na... huhuhuhu.... hindi ko talaga ito matatanggap...bakit nangyari ito ngayon sa akin.. bakit!!!! CLYDE NASAAN KANA BA?!! Miss na miss na kita.

Gaya ng mga nagdaang araw sa tingin ko mag tatlong linggo na ng wala ako natanggap galing kay clyde. Ang tumawag o magtxt. Kahit sa skul mag-isa lang ako naglalakad papasok hanggang sa pag-uwi mag isa parin.

Minsan nagtatanong ako sa mga kaklase namin at mga kakilala namin lahat sila pareho lang ang sagot sa tanong ko 'Hindi daw nila nakita si clyde'. Pero hindi parin ako nawawalaan ng lakas ng loob, patuloy parin ako naghahanap sa kanya kahit nga sa mga katropa niya at kaaway ng mga grupo nila nagtanong-tanong na ako e. Pero gaya ng dati ganun parin wala daw.

Isang gabe nga nag desisyon ako na puntahan si clyde sa bahay nila baka kasi na umuwi siya doon at makita ko manlang na okey ang kalagayan niya.

Nakaupo lang ako sa bahay nila binigyan ng pagkain ng katulong nila at inaasikaso pero ganun parin tinanong ko ang mga katulong kung umuwi ba ang sir nila ang sagot naman nila mag tatlong linggo na daw hindi umuuwi sa kanila si clyde. Nag-aalala na nga daw sila baka kasi ano na ang nangyari dun.

Agad naman ako umalis ng makuha ko na ang pakay ko. Ganun parin lumabas na dala ang isang pag-asang makikita ko balang araw si clyde at sabihin sa kanya ang dapat na sabihin.

Kinaumagahan sa bahay......

"Nak, ayos ka lang ba?"si mama tinatanong ako kung okey ba ako.  Napapansin na siguro ni mama ang kalagayan ko ngayon. Nagiging tahimik na kasi ako at walang kibo nitong nagdaang araw. Umuwi ng bahay na tulala at hindi makasagot. Dala na siguro ito sa kakaisip kay clyde.

"Heto ang tea uminom ka muna ng malagyan yang sikmura mo. Tingnan mo nga yang sarili mo ang lalim ng mata mo at nanganga-yayat kana? Ayos ka lang ba talaga?"ang may pag-alala sa boses niya.

"Ma....tama nga siguro kayo. Baka nga nadala lang kame sa nararamdaman namin ni clyde. Baka nga ang pagmamahal na naramdaman namin ng mga panahon na kame ay magkasam ay baka nga pagmamahal ng magkapatid lang siguro yun."ang sabi ko sa kanya.

"hay...salamat naman at nalinawan kana. O diba nasabi mo rin yan...tama ako diba?"ang kanya namang sabi.

Napayakap ako kay mama. Siguro bga tama si mama. Ngayon alam ko na kung bakit hindi na nagpaparamdam sa akin si clyde baka nga nagising na siya sa katotohanan.

Pero hindi e...may side parin sa akin nagsasabing mahal talaga namin ang isa't-isa. Siguro ay isang tabi ko nalang mona ang nararamdamang ito. Baka nga mawala nalang siguro ito pag tumagal na.

The Stranger's Love Affair  (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon