Are we Over?

3.4K 126 1
                                    

*Are we over?*

Minulat ko ang aking mga mata. Ang nakikita ko ngayon ay may puting kisame. May puting dingding. At ang hitsura ko naka bistidang puti din at nakahiga sa puting kama. Hindi kaya nasa langit na ako. Wag naman sana.

"Wag kang mag-alala nasa hospital ka."bigla akong napalingon sa nagsasalita.

"Hi. Im Wendy. Im nurse. Pasensya kana kung nagulat kita."

"Sino ang nagdala sa akin dito?"

"Isang lalaki. Kaibigan mo daw sya. Sige i have to go. Take a rest Mr. Angeles."ang paalam sa akin nang nurse.

Isang lalaki. Dikaya si clyde ang tinutukoy nya. Tama si clyde na. Naalala ko na nga pala. Ang pangyayari. Sa may eskinita. Oo si rupert. Sya nga. Naalala ko nagkasagutan nga pala kame ni rupert sa simbahan. Nagalit sya sa akin kaya sinundan nya ako. Tapos hinabol nya ako dahil nasuntok ko sya. At nakorner ako sa isang masikip na eskinita at.. at ..at doon nya ginawa sa akin ang muntik nang panghahalay. Mabuti nalang at dumating si clyde. Dahil kung hindi baka natuloy na ni rupert ang panghahalay nya sa akin.

"Hindi ko talaga sya mapapatawad."ang nasabi ko nalang nang maisip ko ang pangyayari.

"Sino ang hindi mo mapapatawad?" Nabigla ako sa nagsalita. Ano bayan bakit medyo magugulatin na ako ngayon. Kainis naman.

"Ma! Ikaw pala.?"

"Sinabi sa akin ni sir clyde na nandito ka daw sa hospital. Kaya naman agad narin akong nagpunta dito."

Sinabi ni clyde kay mama na nandito ako ngayon? What the! Eh yung tungkol sa nangyari sa eskinita. Naku! Baka sinabi nya rin kay mama yun?

"Si clyde po. Asan sya?"

"Nagmamadaling umalis eh."

"May sinabi pa po ba sya sa inyo?"

"Wala naman. Bakit anak. Ano ba ang nangyari sayo at nandito ka sa hospital.?"

Patay paano to. Paano ko sasabihin kay mama na nakaaway ako at muntik na akong marape nang isang lalaki. Nakaka-hiya kung sasabihin ko yun.

"Ahhh..napa-away kasi ako."ang maayos kung pagpapaliwanag kay mama.

"Ano! Napaaway ka.!"

"Ma naman wag naman kayo sumigaw."

"Paano ako hindi sisigaw. Ano ba naman yan jhero. Bakit ka pa nakikipag-away nang ganun. Alam mo bang muntik na akong mahimatay nang sabihin sa akin ni clyde na sa hospital ka. Alam mo ba ang pakiramdam nang ina na nag-alala sa anak nya. Ikaw na ngalang ang natira sa akin. Tapos ipapahamak mo pa ang sarili mo sa gulo. Jhero naman."ang sermon nya sa akin.

"Sorry po ma. Hindi na po mauulit." Talagang pinapangako ko na hindi na talaga ako makikipag-away. Yan talaga ang dahilan ko kung bakit ayaw ko nang away or nang kung ano mang gulo man dyan. Ayaw kong mag-alala sa akin si mama. Ayaw ko na bigyan sya nang ikakasama nya.

"At ang nakakahiya pa. Si sir clyde pa ang tumulong sayo. Hindi ka ba nahiya sa kanya. Akala ko ba hindi ka nakikipag-away?"

Napabuntong hininga nalamang ako. Ayuko nang makipag tunggali pa kay mama. Gusto ko nalang mag pahinga.

.................

"Good afternoon Mr. Angeles" Napamulat ako sa narinig kong boses nang nurse. Nginitian ko na lamang sya bilang sagot ko. Kinuha nya ang kamay ko para ma check nya ito.

"Kamusta."napalingon ako sa isang boses nang lalaki. Paglingon ko si clyde lang pala. May dala syang supot nang prutas at mga pagkain.

"Anong ginagawa mo dito?"medyo suplado kong tanong sa kanya.

"Ano naman ba yang mukha mo. Wag ka nang masyadong magsungit. May mga sugat na nga. Dadag-dagan mo pa."

"Aham...."ang pagbasag sa amin nang nurse. Napatingin kame sa nurse.

"Mukha atang nakaka-isturbo ako sa inyo. Aalis na ako total tapos naman din ako mag check-up sa inyo mr. Angeles."ang pangiti-ngiting sabi sa amin nang nurse. Mukha atang kinikilig ang nurse huh.?

"Teka lang nurse. Ano na ang sabi nang doctor.?"ang tanong ko muna sa nurse bago umalis.

"In a minute po makaka-usap nyo si doc Sir. Iwan ko na po kayong dalawa para makapag-usap."ngumiting umalis ang nurse sa silid.

Aist. I know what is in the mind of that creepy nurse. Akala ata nya siguro may something sa amin nang lalaking ito. Kung makatitig sya kanina sa amin akala nya kame nito. Ito naman kasing si clyde kung makaasta kanina parang guardian ko. Sya ba naman ang nag preaper sa akin nang dala nyang prutas at pagkain tapos gusto pa nya sya ang magpakain sa akin. Ano ako paralisa na at hindi na makagalaw. Kainis sya ha. Yan tuloy tapos idagdag pa nya ang mga kinikilos nya sa akin at mga pag-aalala. Nagkaroon tuloy nang hinala sa ibang tao.

"Oo nga pala. Wag kanang mag-alala sa may gawa sayo nito. Binigyan ko na nang lection yun."

"Sana hindi mo nalang ginawa yun. Paano kung gumanti yun. Eh mas lalo tuloy lalala. Sana hindi ka nalang naki-alam."ang medyo kong inis na sabi sa kanya. Iwan ko ba para akong naiinis sa kanya.

"Jhero. Kaibigan mo ako. Alam mo ang pakiramdam nang kaibigan na sinasaktan. How can you say na hindi ako makiki-alam. Diba ikaw narin ang nagsabi noon sa akin na kahit anong mangyari magkakasama parin tayo. Magdadamayan at magkakampi sa ano mang bagay." Tela parang naging emosyonal ang pagkakasabi nya sa akin. Unti-unting naging malungkot ang mukha nya nang humarap sa akin.

"Sabihin mo. Ayaw mo na ba sa akin? Ayaw mo na bang maging kaibigan ako. Sabihin mo..sabihin mo!"ang tela nagkukumahog na tanong. Kita ko paring sa mukha nya ang lungkot.

Hindi ko sya masasagot sa tanong nya. Ako rin hindi ko alam kung bakit nangyari ito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit humantong sa ganitong setwasyon ang nangyari sa amin.

"Gusto ko nang magpahinga. Ewan mo na ako."sabi ko nang hindi sya tinitingnan.

Narinig ko nalang na sumara ang pinto. Sorry clyde. Sorry sa lahat. Alam kong gusto mo na maging okey tayo. Na magka-ayos na tayo. Iwan ko ba kung bakit ang hirap parin sa akin ang hindi ka mapatawad. Alam ko namang simpleng bagay lang ang nangyari that past days. Baka tama nga. Baka ayaw ko na nang ganito. Ayaw ko nang maging kaibigan mo. Tama na siguro yung mga panahon na magkasama tayo. Yung mga masasayang araw pinagsamahan natin. Ang mga malulungkot araw na puno nang iyakan at tampuhan. Isama pa doon ang mga kapilyuhan natin noon. Lahat nang yun wala akong pinag-sisisihan. Ina-amin ko naging masaya ako na nakilala kita.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit bigla nalang nagbago ang damdamin ko sayo. Siguro ito na ata yung tinatawag nilang maturity. Wala akong ibang dahilan kung bakit kita iniiwasan. Ayuko lang na masaktan ka pa. Ayuko lang na isipin mo kung bakit ako nagbago sayo. Ang hirap lang kasi na palagi ako nasa tabi mo. Magkasama araw-araw. Naisip ko na nga kung bakit wala ka manlang paki-alam. Hinayaan mo ako na maging sunodsunuran mo. Para mo akong naging puppet. Hawak mo sa leeg,kamay,paa.

At ang isa pang hindi ko nagustohan. Yung mga sinasabi nang ibang tao. Na bakit daw ako pa ang naging kaibigan mo. Na hindi tayo magka-uri nang estado sa buhay. Mayaman ka at mahirap lang daw ako. Minsan nasasaktan ako sa mga sinasabi nila. Pero nang dahil sayo. Tiniis ko nalang ang mga panlalait nila alang-alang sa pagkakaibigan natin.

Take a deep breath. Yes.
So how u like this chapter? Nagustohan nyo ba.

Wag kalimutang i follow ako at mag like and comment. Salamat mga friends.

The Stranger's Love Affair  (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon