Clyde!

3.7K 125 1
                                    

*Clyde!*

"Balak mo na naman bang bumalik sa dating ikaw. Ha clyde? Mukha mo kasi parang natalo nang di mabilang na salapi."

"Ano ba ang alam mo! Wala diba. Kaya tumahimik ka. Kung ayaw mong masira yang mukha mo sa hawak kong tako ngayon."ang naiiritang kong sabi.

"Relax lang pare. Ikaw naman kasi. Alam mo namang hindi magandang biro yung ginawa mo. Ginawa mo pa talaga. At pati cell. no. ko nadamay pa."

"Sorry. Ayuko lang kasi malaman ni jhero na ako ang tumawag...."

"Teka. Nagtataka lang ako. Bakit mo naman tinawagan si jhero. Eh may sarili na yung pag-iisip. Alam na nya ang ginagawa nya sa sarili nya. Alam mo sa gingawa mong yan. Para ka nang hindi best friend. Para ka nang magulang nya. Lakas maka tanong sa kanya kung na saan kana.  Susunduin kita. Diba sinabi ko sayo na bawal kang sumama pag hindi mo sa akin pina alam. Yun--yung tinatawag na obsession. Parang dimo na nakokontrol ang sarili mong mag-isip sa mga bagay na hindi naman dapat. Dinamay mo pa pati mama nya."

May punto si Cav sa sinabi nya. Oo alam ko mali ako. Alam ko. Aminado ako na ako ang may kasalanan talaga.

Ang hirap kasi eh. Alam mo yung piling na. Kasama mo sya buong araw. Tapos sabay kayong umuwi sa inyo. Tapos sya pa yung tumutulong sayo sa mga gawaing hirap ka.

Masasabi kong nahihirapan talaga ako pag wala si jhero. Kaya ganun na lang din ang inis ko nang malaman kung wala na naman sya. Sa totoo lang. Nagiging praning talaga ako. Diko alam kung bakit. Sa tuwing wala si jhero at kasama ko ang ibang girls. Hindi ko makayanan na hindi ko sya naiisip. Sa tuwing gumagawa ako nang mga kagaguhan ang naiisip ko talaga ay ang best friend ko. Iwan ko talaga. Na papraning talaga ako.

Ginugulo ko na nga ang isip ko para lang hindi ko sya maisip pero ang hirap talaga. Ang hirap kaimutan ang isang bagay na nakasanayan mo na. All day. Ginagawa ko nakikipag siping ako sa ibang mga babae para lang maibsan ang pangungulila ko sa aking kagustuhan.  Minsan nga gusto ko gawin ang mga bagay na hindi ko nagagawa pa sa buhay ko. Kaso hindi pwede. Hindi pweding gawin.

Naalala ko pa nun ang sinabi sa akin nang parents ko. Kung gusto ko daw lumigaya maging responsabli daw ako. Kaya ang ginawa ko naging responsabli naman ako. Gusto nila pag natapos ako nang high school ipapahawak na nila sa akin ang business namin dito sa pilipinas. Natakot ako nun kasi hindi ko pa alam kung paano ko gagawin yun. Until na dumating si jhero. He help me. Sabi nya sa akin tutulongan nya ako sa mga bagay na takot ako. Sabi nya wag daw ako mag-alala. Sasamahan nya ako kahit ano man ang mangyari. Hindi daw nya ako iiwan.

At dahil sa pangakong iyon. Unti-unting nagbago ang lahat. Naging over protected na ako sa kanya. Lahat nang mga ayaw ko. Pinagbabawal ko sa kanya. Kahit ang magkaroon nang crush sa isang babae nga pinagbabawalan ko sya.  Ganun talaga ako ka tanga sa kanya. Natawa nalang ako.  Naalala ko nun isang araw. Habang namamasyal kame. May mga babaeng panay ang tingin sa amin. May naririnig pa nga akong mga bulongan na kame ang tinutokoy nila. Nakikipag kumpetinsyahan sila kung kanino ba daw kame mapupunta sa kanila ba. Ang ginawa ko. Nag acting ako na isa akong bading. Wala talagang alam si jhero sa pinag-gagawa ko. At ang ginawa ko. Inakbayan ko sya at nilapit ang mukha ko sa tenga nya.  Bumulong ako doon. Alam ko na napansin nang mga babae ang ginawa ko. Narinig ko pa sila na sayang daw kame, pero ang sweet daw naming tingnan. Hihihi...nakakatawa talaga ang mga itsura nang mga babae.

"So. Ano na ngayon ang plano mo na ngayon ay galit na sayo ang buddy mo?"

"Hindi ko alam."yan lang ang nasabi ko. Sa totoo lang hindi ko talaga alam sa ngayon ang gagawin ko sa tampuhan namin ni jhero. Bahala na. Siguro ko hindi ko mona sya papaki-alaman. Hahayaan ko mona sya sa buhay nya. Para naman maibsan ang galit nya sa akin.

"Kung ganyan ka lang naman. Eh mabuti pa. Mag-inuman nalang tayo."

Nilabas ni Cav ang isang kahong beer. Nag-inoman kame. Tinawagan narin nya ang iba pa naming mga katropa para masaya. Isinantabi ko mona ang problema namin ni jhero. Nakipag-inoman ako sa mga katropa ko. Nagkaroon din kame nang mga chicks na kasama.

Kahit na ayaw ko. Binigyan parin nila ako nang babae. Sabi pa nila. Baka daw takot ako sa girlfriend ko. Sabi ko naman. Pwet! Lang ang matakot sa akin. Ako matatakot sa girlfriend ko. No way! At yun nga. Nagtawanan kame at nag kwentuhan nang mga nakakabaliw na mga topic.

........

Unti-unting nag liwanag ang paningin ko. Shit! Aga na pala. Tiningnan ko ang cellpon ko. Pasado 10 na pala. Late na ako nito.

Hindi nalang ako pumasok sa school tutal late naman din ako. Dumaretso na ako sa bahay nanh uwi. Pero bago ako umuwi nang bahay. Napadaan mona ako sa bahay nila jhero. Baka kasi nag babaka sakaling makita ko sya. Gusto ko lang kasing mag sorry sa kanya sa ginawa ko.

Hindi pa man ako nakakalapit sa bahay nila. Napansin ko na agad si jhero na lumabas nang gate nila. Nakasuot sya nang uniform. Ofcourse. Gumanda ang araw ko ngayon. Kasi nga nakita ko best buddy ko. Nang makalabas na si jhero. Lalabas na din sana ako nang kotse nang may lumabas din sa gate nila.

At dahil sa nakita ko na may kasama pala si jhero. Biglang dumilim ang paningin ko. At ang ikinagagalit ko pa ay kilala ko ang kasama nya. Si Abby ang kapitbahay namin. Ang babaeng crush ni jhero.

Bakit magkasama sila. Hindi ko matiis na magduda sa kanila. Nakakainis. Bakit magkasama sila. At kelan pa sila naging malapit sa isa't-isa. Kung ano-ano nalang ang naiisip ko. Hindi ko na namalayan pa na nakaalis na pala sila.

Dahil sa malayo na sila. Hindi nalang ako sumunod. School din naman ang punta nila. Nagpasya nalang ako na umalis narin at umuwi. Kailangan ko narin pala magpahinga at ayusin ang sarili ko. Buong araw kasi akong hindi narin nakaka-uwi nang bahay.

Hindi rin naman ako nag-aalala sa bahay. Wala naman ang mga parents ko. Ano pa ba ang dahilan para umuwi nang bahay palagi. Walang magagalit. Walang nangingi-alam sa mga ginagawa mo. Walang nagsesermon kung ginagabe nang uwi o di kaya hindi umuuwi nang bahay. Lahat wala  kaya ano pa nga ba ang magagawa ko. Im all alone. And now alone.

"Sir clyde. Bakit ngayon lang kayo umuwi. Tumawag nga pala ang mommy nyo nagpapasabi na uuwi daw sila sa susunod na buwan."

"Okey." Yun lang ang sinabi ko. What do i expect para sa kanila. Pasalubong? I don't think so. Wala naman akong mahihiling pa. Lahat nakukuha ko naman. Ang gusto ko lang naman ay yung magkasama kameng kumpleto. Yun lang ang gusto ko. Pero imposible nang mangyari yun. Kaya naman wala na talaga akong pake kung umuwi sila. At isa pa. Aalis din naman sila after 1 or 2 weeks. Yun lang. Nothing's change.

"Sir clyde. Kakain po ba kayo? Gusto nyo po bang magluto ako?"

"Hindi na siguro manang. Magpapahinga nalang muna siguro ako."yun lang at umakyat na ako. Subrang pagod ako ngayon at matamlay. Siguro dahil ito sa nakita ko kanina. Parang pinagtaksilan ako. Bakit naman ako masasaktan. Eh kaibigan ko lang naman sya.

Siguro nga. Hangover lang to or stress kailangan ko lang siguro nang pahinga at magpapafresh sa sarili ko.

Isang oras lang ako natulog. Hindi na ulit ako kumain. Nagmamadali akong umalis at pumunta nang gym. Kailangan ko na siguro mag gym dahil sa nabibigatan na ako sa katawan ko. Pakiramdam ko parang nagkakaroon na ako nang taba sa katawan dahil sa napapabayaan ko na ang sarili ko.



The Stranger's Love Affair  (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon