*Im still his buddy*
Linggo ngayon at wala ako masyadong ginagawa sa bahay. Si mama maagang pumasok sa trabaho nya. Minsan tuloy naiiwan akong mag-isa sa bahay pagka-gising ko may sticky-note lang na bilin ang mama. Nakasaad na gagabihin syang umuwi. Minsan din nag-aalala ako sa kanya. Sa kalusugan nya at kalagayan nya. lalo pa't tumatanda na sya. Kung ako lang sana. Hindi nalang ako mag-aaral . Tutulong na ako sa kanya at para makapag pahinga na sya. Ayuko na nahihirapan na sya. Pakiramdam ko ako itong nagpapakasaya at nagpapasarap sa buhay habang ang mama ko nag tatrabaho para sa akin at sa amin.
Ayaw nga lang ni mama ang huminto ako sa pag-aaral sabi nya. Kung may lakas pa daw sya. Dapat daw pagbutihin ko ang pag-aaral ko. Kahit manlang maka graduate ako nang high school ay sapat na daw yun. Sabi pa nga nya kung gugustuhin ko ngaraw mag-aral sa college papayagan nya ako. Malaki talaga ang tiwala sa akin ni mama. Kaya nga ganun nalang ang pag pupursige ko sa aking pag-aaral. Gusto na makatapos ako para may maipakita ako sa kanila sa pinag paguran nila. Na may kapalit na maganda ang kanilang pag sasakripesyo.
Kaya ako kahit na hindi ako mayaman kagaya nang ibang mga studyante dyan. Pinapakita ko sa kanila na karapatdapat din ako at may maipag mamalaki kagaya nila. Kahit hindi man ako mayaman atleast edukado akong tao at yun ang kayamanan ko ang nakapagtapos na may pinag-aralan.
At yun na nga. Dahil sa mag-isa lang ako sa bahay. Naisip ko na maglakad-lakad. Tamang-tama linggo ngayo kaya nagbihis ako nang pormal. Kasi nga magsisimba ako. Kahit na ako lang mag-isa ngayon ang magsimba. Nasanay na ako. Dati kasi si mama ang kasama ko magsimba. Pero ngayon minsa nalang ang simba namin dahil sa trabaho nya.
Naka-upo ako sa dulo. May mga tao din sa gilid ko medyo malayo lang sila sa akin. Napansin ko na may tumitingin sa akin. Iwan ko lang kung tama ang hinala ko. Maya-maya lang. May umupo sa tabi ko. Hindi ko ito nilingon dahil wala rin naman akong pakialam sa mga tao.
"Ang seryuso naman natin ngayon?"hindi parin ako lumingon sa nagsasalita.
"Babe..kilala ko siya?"at dahil sa narinig kong boses nang babae napalingon ako sa katabi ko. Laking pagtataka ko. Si Rupert ang katabi ko. Shit.ano na naman kaya ang problema nito.
"Yes, siya si jhero Angeles ang lalaking pinaka mamahal ni ummmpphh...."bigla ko nalang natakpan nang kamay ko ang bibig ni rupert.
Dapat lang dahil baka kung ano pa ang masabi nya. Hindi ko kasi gusto ang pananalita nitong lalaking to.
"Ano ba!" Tinggal ni rupert ang kamay ko sa bibig nya.
"Pwede ba kung wala kang matinong gagawin. Umalis nalang kayo."
"Aba! Bakit sayo ba'tong simbahan ha!?"
Hindi namin maiwasan ang magkasagutan. Mabuti nalang nasa labas kame nang simbahan naka-upo.
"Sige. Kung ayaw mo. Ako nalang ang iiwas. Total hindi rin naman magandang pwesto dito eh." Ako nalang ang umiwas sa kanila. Ayaw ko rin nang gulo kaya ako na ang umiwas. Baka mahantong pa ito sa suntokan wag naman sana. Dahil hindi ko talaga sya uurongan. Hindi sya ang taong kailangan mong kaibiganin. Naiinis ako sa mga taong katulad nya. Ang galing magpakitang-tao. Akala nya nakalimutan ko na ang ginawa nya sa amin ni clyde noong araw na yun. Talagang galit na galit ako sa kanya.
"Teka sandali saan ka pupunta?"ang tanong nang babaeng kasama ni rupert.Hindi sya sinagot ni rupert at umalis nalang bigla.
Pagkatapos nang mass umalis narin ako. Hindi na ako tumambay pa sa kinakainan namin ni mama. Gusto ko narin kasi umuwi nang maaga. Nagtxt nga pala sa akin si abby na magkikita kame mamaya. Kaya naman maaga ako umuwi para makapag handa narin.
BINABASA MO ANG
The Stranger's Love Affair (BXB) COMPLETED
RomanceThis man Clyde is way hardhead the playboy, the blacksheep and he always fight everywhere, he is a leader of the gang called"Riot". Because of the family's wealth known he can manage all the stuff he get. And there's here friend Jhero, jhero is a...