*Conscious stage*
"Teka sandali...parang kinakabahan ako e."huminto mona ako sandali para tingnan ang mukha ni clyde na ngayon ay nasa harap ko at maaliwalas ang mukha parang walang bahid ng kahinaan ngayon. Alam na kaya niya ang gagawin niya pag kaharap na namin si mama.
"Ano kaba wag ka ngang kabahan diyan e ako nga hindi kinakabahan ikaw pa kaya na mama mo yun."ang sabi niya.
"Paano kung hindi tanggap ni mama ang relaayon natin?"
Lumapit siya sa akin at hindi na ako nagulat ng yakapin niya ako ng mahigpit. Yakap nang pagmamahal ang aking naramdaman kay clyde.
"Wag kang mag-isip ng ano paman. Hindi pa naman natin alam kung ano ba ang mangyayari mamaya. Basta wag mong isiping nag-iisa ka lang. Nandito ako sa tabi ko. Sabay natin haharapin ang pagsubok na ito. Okey?!"ang sabi niya.
"Buti nalang nandiyan ka para sa akin kasi hindi ko talaga alam ang gagawin pag mag-isa lang ako haharapin ito."ang sabi ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit.
Tumingin siya sa akin habang magkadikit ang aming katawan.
"Matalino ka nga pero may pagka bobo din pala."sabi niya sa akin na ikina inis ko.
"Gago..e ikaw bobo na nga maangas naman at ang lakas pa ng loob."
Tawanan kameng dalawa sa aming mga sinasabi.
"Hey guys...saan ang punta ninyo?" Si rupert pala bigla nalang sumolpot sa kung saan. Naka suot siya ng pambasketball siguro ay dahil galing siya sa paglalaro.
"Sa bahay ng buddy ko."ang sabi lang ni clyde. Nasa gilid ako ni clyde at napatango lang.
"Ang aga-aga mo naman ata umakyat ng ligaw diyan sa buddy mo. Hmpf..."ang malukong sabi naman ni rupert.
"May pag-uusapan lang kame ng mama ko. So ano naman ngayon sayo. At tsaka pwede ba umalis ka nalang kung saan ka man pupunta."ang sarcastic kong sabi sa kanya.
"Aba! Ang yabang nito. Purket nasa harap mo si clyde mayabang ka na!"ang pataas ng kanyang boses.
"Tama na nga! Rupert tandaan mo wag na wag mong pakikitaan ng kayabangan itong buddy ko sa harap ko ha! baka makalimot ako na tropa kita. Papatulan talaga kita." sabi naman ni clyde na ikina alang ni rupert.
"Biro lang naman yan pre. Kaw naman jhe dina mabiro. Lab kaya kita."ang depensa naman ni rupert sa akin sabay oa cute pa.
"Yan ang wag na wag mong gagawin sa kanya. Papatayin talaga kita!"
"Grabe naman clyde! Napaka caring mo naman sa buddy mo. Kayo na ba!!?"
Na stock kame saglit ni clyde sa sinabi ni rupert. Ano ba naman yan.
Sa loob ng bahay....
Walang imikan at kibuan ang paligid. Nasa harap namin si mama na nakatingin sa labas ng bahay. Kame naman ni clyde patingin-tingin din sa kanya. Pero itong si clyd talagang hindi talaga nakakaramdam ng takot. Grabe ang kompyansa sa sarili talagang ngumi-ngiti pa ito pag nagkakatinginan kame. Baliw!
"Aahhh... Ma, kamusta na po ang pakiramdam niyo?"ang tanong ko. Ako na ang nag umpisa para sa nakakabinging katahimikan.
Isang mabigat na paghinga ang nakita ko kay mama bago siya nagsalita.
"Totoo ba talagang mahal ninyo ang isa't-isa?"ang agad na tanong niya sa amin.
"Opo tita, mahal po namin ang isa't-isa, alam ko na mali po pero ito po ang alam namin."ang sagot naman ni clyde.
Binaling ang tingin sa amin ni mama na may pagdududa at galit.
"Alam ba ninyo ang inyong ginagawa!? Naisip ba ninyo ang maaring mangyari sa inyo pag nagkataon?" Ang mataas na boses ni mama. Halatang galit.
"Ma..."
"Anak..paano ba ako nagkulang ng pagpapalaki sayo? Inalagaan kita at pinalaki ng may takot sa diyos? At ngayon sinusuway ninyo ang sanlibutan? My god!"
"Tita alam po namin na kasalanan ang magmahal ng hindi naaayon sa diyos pero ano po ba ang magagawa namin kung kame ay nagmamahalan talaga ng higit pa sa tunay."ang depensa naman ni clyde.
"Mawalang galang na po sir clyde.. alam mo ba yang pinagsasabi mo!? Bakit ano ba ang gagawin ninyo kung malaman ng ibang tao yang relasyon niyo? Paano niyo ipagtanggol ang inyong mga sarili sa mga huhusga sa inyo? At alam ba ito ng inyong mga magulang?"ang sabi naman ni mama.
Natahimik bigla si clyde sa sinabi ni mama.
"Hindi ko pa po ito nababanggit sa mga magulang ko-."
"Kelan..kelan mo balak sabihin sa mga magulang mo ang relasyon ninyo? At ano...ano nalang ang sasabihin ng iyong mga magulang.?"
"Hindi ko po alam tita...pero sasabihin ko naman po kina mommy at daddy."
Wala akong nagawa at nakinig nalamang ako sa kanila.. pero hindi naman sa wala akong magagawa, nag iisip din ang utak ko sa kung ano man ang mangyayari sa amin ni clyde.
"Ang mas mabuti pa ITIGIL NIYO NA TO! Mas makakabuti na tapusin na ninyo ang namamagitan sa inyo. Ayuko na magalit sa akin ang mga magulang mo. At ayuko din isipin nila na kinukunsenti ko kayo."ang sabi ni mama na ikina bigla namin.
''Ma....."
"Pero tita....."
"Anak mas mabuting magkaibigan nalang kayo ni sir clyde. Gaya ng dati mas makakabuti yun. Kesa sa palalain niyo pa ito. Alam kung nadadala lang kayo sa inyong nararamdaman ngayon sa isa't-isa. Magmula ng mga bata pa kayo ay hindi kayo nagkakahiwalay palagi kayong magkasama kahit sa pagtulog ay palagi kayong magkasama hanggang sa paglaki ninyo magkasama parin kayo, at yan ang dahilan kung bakit namumuo yang sinasabi ninyong pagmamahal dahil nasa conscious stage kayo. Inaalam pa ninyo ang inyong mga nararamdaman. Malay natin isang pagsubok lamang iyan sa inyo at mawawala rin yan sa mga puso ninyo. Sana naiintindihan ninyo ako."ang sabi niya sa amin.
Tela parang isang mabigat na Question sa akin ang mga sinabi ni mama. Na baka nadadala lang kame sa aming nararamdaman dahil nga sa nasa conscious stage daw kame, parang pinakikiramdaman lang daw namin ang nasa paligid namin. Tama ba talaga ito o sabi-sabi lang ni mama para mapaghiwalay kame ni clyde.
Napatingin ako sa katabi ko. Gaya nakin nakatuon ang tingin niya sa ibaba at parang malalim ang iniisip. Ano ba kaya ang iniisip ni clyde kagaya ko rin ba ang kanyang iniisip. Iniisip din kaya niya ang sinabi ni mama sa amin? Ano ba yan bakit nagugulohan tuloy ako. Mas lalo tuloy ako nagugulohan sa setwasyon.
"Aalis na ako..."bigla nalang bumangon sa kina uupoan niya at sinabing aalis na daw siya.
Napatayo naman kame ni mama.
"Sir clyde...."
"Clyde teka....."
Hindi na niya kame pinakinggan at nagpatuloy lang sa pag-alis sa harap namin at tinahak ang labasan ng bahay.
Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay parang nawala ang clyde na nakilala ko. Ang clyde na malakas ang loob. Kanina lang bago kame pumasok dito sa bahay masaya siya ngayon naman na narinig namin ang sinabi ni mama bigla nalang nag iba ang ekspresyon sa mukha niya. Nilalabanan niya mga salita ni mama. Denidepensahan niya ang aming pag-iibigan sa mama ko. At ngayon na paalis na siya, hindi man lang niya ako nilingon at magpaaalam. Agad lang siya umalis parang walang kasama na nag-aalala sa kanya kanina.
Bakit...wag mong sabihin na baka minulat ang kanyang isipan sa mga sinabi ni mama. Baka naniwala siya sa mga narinig niya kay mama. Ganun nalang ba kadali yun para sa kanya na paniwalaan yun?
Pati ako nagugulohan narin...
'Aaaaaaarrrrggggggg' parang sasabog na ako sa mga nangyayaring ito.
BINABASA MO ANG
The Stranger's Love Affair (BXB) COMPLETED
RomanceThis man Clyde is way hardhead the playboy, the blacksheep and he always fight everywhere, he is a leader of the gang called"Riot". Because of the family's wealth known he can manage all the stuff he get. And there's here friend Jhero, jhero is a...