Chapter 2.3- Force
Ryo's POV
OMG! Ako na lang ang hindi nakamaid outfit!
Nandito na raw si Omio. Di ko siya kilala pero Omio daw ang pangalan niya!
Teka, kung darating siya, ano ang dapat kong ipose?!
Kailangan maganda pa rin ako kahit di ako nakamaid outfit.
Teka, magwawalling muna ako sa pinto.
"Bakit ganon? Sinabon ko naman! Ayaw kumi---ahhhhhhh!"
*Boogsh
"M-Ms. T-Teka, ms."
"R-RYOCCHI! ANAK!"
"Tito Ryota! S-Sorry po." Sino 'yon? "Sorry po talaga!"
Bakit parang waley akong maintindihan sa sinasabi nila?!
Ang sakit ng ulo ko.
Kinapa ko ang ulo ko at parang basa ito.
I-Is this b-blood?
-------------------------
Hmm? Nasaan ako?
Patay na ba ako? Hahaha! Lol.
"Ryo, halika basketball tayo!"
Sina Aiki ba 'yon? At bakit kasama nila ako?! And most of all, why basketball?!
Hinabol ko sila pero OMG, di ko sila mahabol-habol!
Biglaang nag-iba ang paligid.
Why am I in a hospital bed?
"Dok, kumusta si Ryo?!"
"Ikinalulungkot ko po. Ang kaibigan niyo------bla, bla, bla, bla,bla."
Kanina ko pa nakikita ang sarili ko ha kasama ang mga anak ng mga friends ni daddy. As in, silang lahat kasama ang isang lalaki.
Magiging bestfriends ko kaya sila?
------------------------
Unti-unti kong binuka ang mata ko.
White.
Pure white.
Hanggang sa may maaninag akong mga taong may iba't ibang kulay ang buhok.
Red, Sky Blue, yellow, green, violet, indigo, at pink.
Nanaginip lang pala ako?
Pero, ano ang napanaginipan ko? Pangitain?! Char. May powers na yata ako. Hehehe.
"Ryocchi? Gising ka na ba?"
Unti-unti kong nakilala ang mga tao except sa isa. OMG! 'Yan na ba si Omio?!
Lagot 'yan sa akin!
"Ryocchi?"
Si papa.
Hehe. Magood time nga.
"S-Sino ka? N-Nasaan ako?" tanong ko kay papa at muntik na akong matawa sa expression niya.
"Sabi ko na nga ba! Nooooooooooooooooooooooooo! May amnesia ang anak kooooooooooooooooooo!"
"Amnesia?" tanong ni Tetsu.
"That's a bad sign." komento ni Shin.
"Mukha namang umaacting lang." Grabe ka talaga, Sei. Iba ka!
"Iwrestling kaya natin." Letse ka Aiki!
"Tama. Suntukin ko kaya ang ulo para maalog." Salamat Agia ha?
"Kulang lang 'yan sa pagkain." Sushi, sana mabilaukan ka.
"I'm r-really sorry." Gwapo nga. Tanga naman. Sus, Omio. Kung di lang ako nagpapanggap na may amnesia.
Okay. Back to business.
Nagpanggap akong sumasakit ang ulo ko.
"B-Bakit wala akong maalala? W-Who are y-you people?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay papa o matatawa pa rin. Hahaha! Umiiyak na eh.
"Huhu. Ikaw ang anak ko. Ikaw si Ryocchi."
He! Sabi ko na nga ba 'yan ang sasabihin ni papa. Siraulo talaga.
May mga pumasok.
"Hoy Kise, nakaresearch na kami tungkol sa anong maaaring mangyari sa anak mo kapag nabagok sa tiles." sabi ni Tito Daiki. Kise ang tawag niya kay papa.
Inayos naman ni Tito Shintaro ang salamin niya bago magsalita.
"Una, pwede siyang magkahemorrhage. Ikalawa, pwedeng mabiak ang skull niya. Ikatlo, pwede siyang magkaamnesia. Ikaapat, pwede siyang magkabukol. Ikalima, pwede siyang mabaliw. Ikaanim, pwede siyang magkatumor. Ikapito, pwede siyang mamatay. Last, 'yon nga pwede siyang mamatay."
Sinapok ni Tito Taiga si Tito Shintaro.
"Baliw. Inulit mo pa ang 'mamatay'." sabi niya.
May nilaruang gunting si Tito Seijuro habang nag-uusap sila ni Tito Tetsu habang si Tito Atsushi, kumakain pa rin kagaya ng anak niya.
Si Tita Momoi, umiiyak. Teka, nakakaawa si tita.
Tumayo si papa at pinalabas sila maliban kay Omio!
Gusto ko sanang sigawan si papa pero baka mabuking ako.
Lumapit si Omio sa akin.
Sus. Ang sarap niyang tirisin.
"A-Ako nga pala si Omio. Ako ang d-dahilan kung bakit ka nandito ngayon. Sorry." Yumuko siya at nagpatuloy sa pagsasalita. "H-Hindi ko kasi alam na nagwawalling ka sa pinto kaya noong m-malakas ko iyong tinulak para mabuksan, naipit ka papunta sa pader at bumagsak k-ka sa tiles. Dumugo ang u-ulo mo at nawalan ka ng m-malay."
Hindi ako nagsalita.
"Sorry talaga."
"Sorry."
"Sorry talaga!"
"Sorry Ryo."
Hindi ko alam kung bakit pero biglaan siyang tumigil para maghintay. Pagkatapos, tinawag niya silang lahat at narinig ko siyang sumigaw.
"Wala po siyang amnesia!"
"Wait, pa'no mo nalaman?!" sigaw ko.
Ngumiti siya sa akin.
"Hindi ka nagreact noong tinawag kitang Ryo instead ng Ryocchi na sinabi sa'yo ni Tito Ryota na pangalan mo. Hindi ka rin naguluhan noong nagsimula akong makwento. Inamin mo na rin di ba?"
For the first time in a long time, nagblush ako dahil sa KAHIHIYAN!
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
FanfictionThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...