Chapter 7.1

7 0 0
                                    

Chapter 7.1- After class

Ding Dong!

Nang tumunog ang bell ng skwelahan, nagsipasukan sa kanya-kanya nilang klase ang mga estudyante.

First period na kasi at baka magalit ang mga teachers nila.

Sa room 4-A, ang klase ng tinatawag na geniuses, quiz agad and sumalubong sa kanila habang sa room 4-F naman na madalas ikumpara sa mga almost perfect students, nag-aaction song pa sila.

Ang tanging teacher nila na si Ms. A ang masayang naglead dahil sabi niya, mas maganda and magstretch-stretch sa umaga.

"Okay! Sing with me! My toes, my knees, my shoulders, my head. My toes, my knees, my shoulders, my head. My toes, my knees, my shoulders, my head. We all clap hands together!"

Uupo na sana ang pitong mga tanging members ng 4-F pero nag-aya na namang sumayaw ang teacher nila. Di na sila nagrereklamo dahil baka umiyak ito.

"Okay! Sumayaw tayo at kumanta! Brush, brush,brush three times a day! Brush, brush, brush to keep cavities away! Brush, brush, brush, three times a day! Brush with colgate! Isa! Pagkagising, brush, brush, brush! Dalawa---- Kembot naman diyan! Pag tanghali, brush, brush, brush! Tatlo, bago matulog, brush, brush, brush! Brush, brush, brush, shaky, shaky, shaky! Brush, brush, brush, three times a day! Brush, brush, brush to keep cavities away! Brush, brush, brush, three times a day! Brush with colgate! Yehey!"

Papaupo na sana ang pitong estudyante pero may narinig silang humagikhik. Nang tumingin sila sa pinto, may binatang nakatayo sa labas. Kita ang labas at loob dahil transparent na salamin ang ginamit sa sliding door.

Nagtaka si Ms. A kung anong sadya ng binata dahil nagsimula na ang klase at bakit pa ito pumunta sa room nila gayong nasa kasuluksulukan ng eskwelahan ang room ng 4-F.

Pinaupo muna ni Ms. A ang mga estudyante niya at pinagbuksan ng pinto ang binata.

"Good morning Ms. Beautiful." sabi ng binata sabay kindat. "Gusto ko lang po sanang kausapin ang mga dalaga niyo tungkol sa kanilang club." nakangiting sabi ng binata at kumaway sa loob.

Si Ryo lang ang kumaway pabalik dahil medyo kilala niya na ang binata.

"And you're who?" mataray na tanong ni Ms. A. "Don't get me wrong. Pinoprotektahan ko lang ang mga estudyante ko. Alam mo naman na inaayawan sila ng halos lahat ng mga tao rito."

Tumawa saglit ang binata at nagpakilala.

"Sorry Ms. Beautiful. Ako nga po pala si Roa Hayama, member ng Basketball Club at ng Uncrowned Kings." nakangiti niya pa ring sabi. "Kilala po ako ni Ryo."

Napaisip si Ms. A sandali at pinapasok na ang binata pero nilock niya ang pinto at nag-abang para hindi agad makalabas ang binata kung gumawa ito ng kababalaghan.

'Kahit nakangiti ito, mukha naman itong poging chickboy.' Ito ang nasa isip ni Ms. A. 'Pero kilala naman daw ito ni Ryo.' dagdag niya sa kanyang isip.

Napangisi si Agia nang napansin niyang medyo pinagpapawisan si Roa. Pa'no ba kasing hindi pagpawisan, eh masama ang tingin nina Sei, Shin, Aiki, Sushi(na akala ni Roa masama ang tingin pero seryoso lang palang nag-iisip kung anong kakainin mamaya dahil pinagbawalan siya ni Ms. A kumain sa kanyang klase), Ms. A at ang nakangiting-asong si Agia?

"Ayusin mo 'yang salita mo. Nasa teritoryo ka namin dong." nagbabantang sabi ni Sei na presidente ng klase.

"A-Ah, hehe. O-Oo naman." nagpipilit ng ngiting sabi ni Roa pero halos manginig na dahil mas lalong sumama ang tingin ng mga masamang tumitingin sa kanya. Nang tumingin siya kay Ryo, lumabi ang dalaga ng 'sorry'.

Kapag hindi niya aayusin ang pananalita niya, baka malagot siya. Naiwan pa niya ang telepono sa room kaya kung sakaling may mangyari sa kanya rito, himala na lang siguro ang magliligtas sa kanya mula sa mga mukhang magagandang tigreng nasa harapan niya.

Medyo napanatag naman ang loob niya nang nagthumbs-up si Ryo sa kanya.

Pito lang ang mga estudyante kaya hindi na nag-abala pa si Ms. A para maglagay ng sitting arrangement.

Si Sei ay ang pinakamalapit sa pintuan. Si Tetsu ay nasa pinakalikod at katabi si Blue, ang aso niya. Kahit maliit siya, nakikita niya pa rin ang board dahil walang pinaupo sa harapan niya. Si Ryo ang pinakamalapit sa board. Si Shin ang malapit sa bookshelf habang si Aiki ang malapit sa mga gamit panglinis. Gusto niya kasing makadampot agad ng walis kapag may gyerang magaganap. Si Sushi ang nasa bandang gitna at si Agia ang pinakamalapit sa bintana.

"Oh Roa iho, gawin mo na ang sadya mo." seryosong sabi ni Ms. A kaya napalunok si Roa.

"A-Ah, sabi ni Cap Toma na m-magtatryout mamayang h-hapon."

"What?! Ano?! Hindi ba kasama na kami sa club?! Why need to tryout?!" asik ni Aiki at masamang-masama na ang tingin.

"G-Ganito kasi 'y-yon. K-Kasama na kayo s-sa club p-pero sabi ni M-Ms. Shun na kailangan daw t-talagang magtry-out dahil w-wala siyang t-tiwala sa kakayah-------."

Galit na pinutol ni Sei ang paliwanag ng binata.

"Talaga namang walang ibang magawa ang pesteng Ms. Manlalait na 'yon kundi labanan kami. Tsk. Putangina talaga!" Napatayo pa ang dalaga at akmang lalabas na pero sumimangot siya nang nakitang nasa bandang pinto si Ms. A. Padabog na lang na naupo si Sei.

Tumayo si Agia na masama ang tingin at akmang lalabas ng bintana pero nahawakan agad siya ni Ryo.

"Hep, sa'n ang punta mo? OMG ha?! Susugod ka roon mag-isa?! May classes kaya at baka magkatrouble na naman tayo! That's be a wrong move!" walang prenong sigaw ni Ryo. Magsasalita pa sana siya pero nagsalita na lang si Agia.

"Oo na. Ang daming sinasabi eh."

Nagsiupuan na naman silang lahat at nagkatinginan, hindi pinapansin ang pinagpapawisang binata sa harapan.

Unang tumango si Sei, sunod ay si Agia. Si Sushi ay seryosong tumango. Inayos ni Shin ang salamin niya at tumango rin nang seryoso. Ngumiti nang mapait si Ryo at tumango sabay ni Aiki na may masama pa ring tingin. Huling tumango si Tetsu na kataka-takang parang nalilito. Malayo ito sa nakasanayang mahinahon niyang ekspresyon.

Sinenysan ni Sei ang lima na tingnan si Tetsu at sumenyas na saka na sila mag-uusap. Binaling nila ang tingin kay Roa.

"Anong oras?" tanong ni Shin. "Dapat pagkatapos ng klase. Bad luck ako kapag class hours eh."

Napatawa ang binata pero saglit lang dahil seryoso si Shin sa tanong niya.

"A-Ah, 4:30 h-hanggang 5:30 PM."

Tumango-tango naman si Shin at bumulong ng 'good'.

"Libre ba ang snacks?" ani Sushi na nagpipigil pa ring kumain sa loob ng klase.

"H-Hindi eh." sabi ni Roa habang naaalala ang katropang si Kei na first love ang pagkain.

"Marami akong snacks. Manghihingi ka?" seryosong tanong ni Sushi.

"H-Hindi na."

"Buti naman. Kulang ang pera ko eh."

Nagtawanan naman silang lahat dahil doon.

"Pa'nong hindi makukulang. Bili ka lang naman ng bili." natatawang sabi ni Shin. "Kung sino-sino pa ang binibigyan mo."

"Hahahahahahaha! Tangina! Itigil niyo 'yan." pilit pumigil na tumawan g sabi ni Sei pero tawa pa rin nang tawa.

"Ay teka, hahaha! We have to practice para sa tryout." biglang sabi ni Ryo kaya natahimik silang lahat. Nanlaki naman ang mata niya nang nariyalisa kung anong sabi niya. "A-Ay, oops! Shit. Wrong timing ba?!" pasigaw niyang tanong. "Tangina. Tangina."

Natawa na naman sila dahil minsan lang nilang marinig magmura si Ryo.

"Hahahaha! Shit! Di bagay!" natatawang sabi ni Aiki.

Napanguso na lang si Ryo at bumulong-bulong.

Patuloy sila sa pagtawanan, di alintana na may nanonood sa kanila.

Hindi alam ni Roa ang nararamdaman. Naaliw siya sa panonood sa mga dalagang nagtatawanan. May parte as kanyang naguilty dahil sa pag-iisip nang masama sa mga taga-4-F. Masayahin pala ang mga ito at palabiro kahit mukhang maangas na hambog. Bahagya ring nag-init ang pisngi niya nang napansing napakaganda pala ng mga transferee, lalong lalo na kapag nakangiti.

"Nakakaaliw sila di ba?"

Nahihiyang ngumiti at tumango si Roa kay Ms. A na lumapit sa kanya.

"Nakakalungkot lang na sa school na ito, maraming nag-iisip nang masama sa kanila."

Mas lalong naguilty ang binata. Bahagya siyang natawa nang nakitang mahinang nagsasapakan ang mga dalaga. Nagpaalam siya kay Ms. A at di na inabala ang naghaharutang magagandang binibini.

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now