Chapter 6.4- BB plan
Shin's POV
Nakita ko si Ryo na naglalakad.
"Tapos ka na?" tanong ko nang tumigil siya sa harapan ko.
"Tapos na! Hahaha!"
Ba't parang may pakiramdam akong di pa siya tapos?
"Sigurado ka ba?"
Natigil siya sa pagtawa at ngumiti.
"Ako pa?"
Tumango na lang ako at inayos ang aking salamin.
"Hali ka. Tingnan natin kung tapos na ba ang iba." sabi ko at nakangiti naman siyang sumunod sa akin.
"Hindi ka pa talaga tapos, hindi ba?"
"OMG! Pa'no mo nalaman? Obvious na obvious ba?" gulat niyang tanong.
"Oo. Buti naman at pinayagan ka na lang nila."
Siguro nga ay napalapit na ang loob ng mga basketball players kay Ryo. Kung sabagay, madali naman siyang pakisamahan.
"Oo nga noh? Bwahahaha! Siguro naingayan sila sa akin."
Napatingin ako sa kanya dahil sa huli niyang sinabi.
"Alam mo palang naiingayan ang mga tao sa iyo pero bakit sigaw ka pa rin ng sigaw?"
Naguguluhan ako sa kanya.
Iba ang ngiti niya sa ngayon. 'Yong ngiting may nakakatawa siyang naalala sa nakaraan ang ngiting 'yon.
"Sabihin na lang nating, di ako naririnig dati." aniya.
"Baka bingi sila." pagbibiro ko.
Tumawa siya at parang isang bitter na ex- girlfriend habang nagsasalita.
"Sana nga bingi na lang sila."
Hindi ko inaakalang makikita ko si Ryo Kise na ganito, bitter na bitter. Siguro nagkalove life na'to noon.
"Ang bitter mo."
Ngumuso siya.
"Eh, ganyan talaga!"
"Ganyan talaga kapag nagkalove life?"
Ngumuso pa siya at nagdadabog na nagsalita.
"Shin naman! I don't know how to love romantically anymore!"
Napatigil ako sa paglalakad dahil doon.
"Magsearch ka sa internet. Nandoon lang ang steps kung pa'no mainlove."
"Wala 'yang bisa. Sinubukan ko na 'yan."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko aakalaing ang isang maingay at palangiting babae ay siya pang hindi na marunong magmahal romantically.
"Sigurado ka ba? Baka kailangan mo lang maghintay."
Humagikhik siya.
"Maghintay sa ano? Forever? That's shit. Haha! Hindi ka makapaniwalang hindi ako marunong magmahal romantically noh? Ako rin, nagulat akong ang isang Shin Midorima ay naniniwala sa romantic love." aniya.
"Syempre. Naniniwala ako sa zodiac compatibilities." sabi ko naman.
Tumawa siya.
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
FanfictionThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...