Chapter 5.3

9 0 0
                                    


Chapter 5.3- Kei



Nakahiga ako ngayon sa rooftop. Tapos na kasi akong pumapak ng tanghalian. Buti na lang na makulimlim ang langit.



Ilang saglit din akong nakahiga nang maramdaman kong may pumatak na parang tubig sa mukha ko.



Ulan?



Binuka ko ang mata ko.



Umuulan nga.



Pinikit ko ang mga mata ko ulit pero nagtaka ako nang biglaang parang tumigil ang ulan.



Ang bilis naman.



Nang binuka ko ang mga mata ko, nakita ko ang isang babae na nakapayong. Pinapayungan niya ako.



"Sa'yo na 'yan." inabot niya sa akin ang payong habang nakahiga pa ako. "Ako si Ryo. Ikaw?"



Ngumiti siya sa akin.



Kakaiba ang ngiti niya na para bang kailangan kong ngumiti rin.



"Kei." sabi ko at wala sa sariling inabot ang payong.



Tumawa siya at naglakad paalis.



"Bye Kei! See you around!"



Nagtataka ko siyang sinusundan ng tingin.



Nakita ko siyang may kinausap na bata.



Teka, 'yan 'yong babaeng weirdo na nagtanong sa amin noong isang araw kung bakit namin gusto ang basketball.



Tumingin saglit si Ryo sa akin at winagayway ang kamay niya.



Nagbabye na rin ako.



Napatingin ako sa payong.



Nagtaka ako nang may nakita akong 'Kise' sa payong.


Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now