Chapter 4.2

9 0 1
                                    

Chapter 4.2- Welcome?

Tetsu's POV

Nandito kami sa tapat ng pinto ng gym.

"Uhm, buksan niyo po kami!" sigaw ni Ryo.

Si mam, kinakatok niya ang malaking pinto kasama si Shin. Sina Aiki, Sei, at Agia ay parang nag-iisip.

Iniwan ko nga pala si Blue sa room. Sabi ni Agia sa akin, baka madamay lang si Blue. Hindi ko naintindihan kung bakit niya sinabi 'yon.

"Nakakainis. May CCTV ba rito?" tanong ni Sei bigla kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Wala naman my beautiful Sei. Bakit?" sagot at tanong ni mam.

Sinagot ni Sei si mam sa pamamagitan ng pagtaas ng gunting niya.

"Nice." sabi ni Aiki.

----------------------------

Bahagya akong nabigla nang nabuksan ni Sei ang pinto gamit ang kanyang gunting.

Kahanga-hanga.

Pa'no niya nagawa 'yon?

"Omg! Ang galing mo Sei! Hahaha! Paturo naman minsan." Bakit kaya parang laging sumisigaw si Ryo?

Pumasok na kami sa gym at ang una naming napansin ang basketball court.

Tinitingnan namin itong maigi.

"Oh! May mga nahuli pa pala tayong guro at mga estudyante!" sabi ng mukhang speaker na nakatayo sa entabladong nilagay sa nasa bandang gilid ng basketball court. Nakaharap ito sa helera ng mga upuang inuupuan ng mga estudyante at mga guro.

May bulungan akong narinig.

"Sino 'yang teacher? Bakit parang artista?"

Nagtaka ako sa narinig kong 'yon.

Sabi ni mam ay 10 taon na siyang nagtatrabaho rito ngunit hindi pa siya nakakapagturo. Ano kaya ang trabaho niya rito sa nakaraang mga taong 'yon?

Magaling si mam magturo at propesyonal na propesyonal kung magturo sa amin. Madali kaming natututo sa kanya pero sa galing ni mam, bakit sa class F siya nagtuturo? Nakakapagtaka. Hindi ba nila alam ang kahusayan niya?

"'Yan ang mga bulakbol na estudyante. Hindi ako makapaniwalang may mga talunan tayo ngayong school year na ito." sabi ng speaker.

Tumingin ako sa kanya.

Mukha siyang isang guro pero bakit ganyan siya magsalita?

"Well, last year, si Agia Kagami lang ang malaking dungis sa pangalan ng eskwelahan but now, I just can't believe my eyes. May extra troublemakers pa tayong makakasama." Nagbuntong-hininga pa ang speaker. "Nakakaawa naman tayo. Makakasama natin ang mga Class Fail. Ay teka! Ba't kayo nakatayo class F? Aw. My bad. Nakalimutan naming maglagay ng mga upuan para sa inyo. Feel free to sit on the floor please."

"Sundin na lang natin siya." sabi ni mam. "Baka magkaproblema pa tayo."

"Pero mam!" angal ni Aiki pero wala siyang nagawa nang tiningnan siya nang seryoso ni mam.

Tiningnan ko sila isa-isa matapos naming maupo lahat sa sahig.

Walang kaemo-emosyon ang mukha ni Sei. Si Ryo, nakanguso habang bumulong-bulong. Si Shin naman ay seryosong nagbabasa ng libro. Nakabusangot ang mukha ni Aiki kasama si Agia na nakakuyom ang mga kamay. Si Sushi, kumakain pa rin at parang walang pakialam.

Huli kong sinuri ang mukha ni mam.

Napakaseryoso niya ngayon. Nakatingin lang siya sa harap habang prenteng nakaupo.

Nakarinig kami ng bulungan at tawanan pero hindi namin ito pinansin. Pinagsabihan kasi kami ni mam bago pumunta rito na huwag daw kaming magsimula ng away o makiparte sa away o kaya ay patulan ang mga naghahanap ng away. Makakasira raw ito sa amin, lalo na at bago pa kami except kay Agia pero kailangan niya pa ring sumunod.

"Ngayon at nakaupo na ang mga inutil, magsisimula na tayo sa mga messages galing sa bawat presidente ng bawat class, mula Class 1-A hanggang Class 1-E, Class 2-A hanggang Class 2-E, Class 3-A hanggang Class 3-E at Class 4-A hanggang Class 4-'F'. Nga pala Class F, pwede namang hindi magbigay ng message o speech ang class niyo. I mean, nasanay na kasi kami eh. You know, this year lang dumami-dami ang mga inutil sa class niyo."

Napayuko kami dahil sa sinabi niya at nagsimula na ring magbigay ng speeches ang mga presidente ng mga classes.

Pareha-pareha lang ang sinasabi nila kaya hindi ko na iyon pinansin. Inisip ko na lang si Blue.

Nalulungkot kaya 'yon sa room? Baka namatay na 'yon sa gutom. Kawawa naman.

"Good morning."

Napalingon ako sa direksyon sa stage dahil pagsalita pa lang ng isang class president ng hindi ko alam na klase, nagtilian na ang halos lahat.

Lahat sila ay nag-iingay at nagchicheer sa nagsasalita.

Sino kaya 'yon? Ang popular niya.

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now