Chapter 5.7

9 1 0
                                    

Chapter  5.7- Toma 3

Toma's POV

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"I'm sorry."

Kasalanan ko 'yon. Iniwan ko siya kanina at di ako dumating sa tamang oras para di siya mahawakan ng mga gagong 'yon.

Sunod kong hinalikan ang mga luha niya.

"Kalimutan mo ang nangyari."

I held her nape at kissed her fully in the lips.

Teka,peste! Ano?!

Kusang pumikit ang mata niya at ako pa ang nagugulat sa ginagawa ko.

Pinikit ko ang mata ko at di ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Masarap. Maganda. Mainit.

Sinunod ko ang nararamdaman ko at marahang hinalikan si Ryo.

Marahan kong kinagat ang ibabang labi niya and she opened her mouth.

I slipped my tongue inside it at muntik nang malunod sa sarap na nararamdaman ko. Mas tumindi pa ito nang narinig ko ang ungol niya.

"T-Toma." mahinang usal niya sa pangalan ko pero ang lakas ng epekto.

Naramdaman kong medyo bumaon ang kuko niya sa likod ko nang sinimulan kong halikan ang leeg niya.

May kung anong galit akong naramdaman dahil alam kong nahawakan 'to ng mga gago kanina.

Muling napaungol si Ryo nang kinagat ko ang leeg niya.

At peste.

Malapit akong mapamura dahil sinimulan ding halikan ni Ryo ang leeg ko. Naramdaman ko ang labi niya sa balat ko. Para akong nakukuryente.

Hinalikan ko muli ang mga labi niya at nagsimulang maglakbay ang mga kamay niya sa suot kong sando at walang kahirap-hirap itong naalis.

She traced her fingers down my stomach.

Naramdaman ko ang pagngiti niya habang naghahalikan kami.

Wala na rin ang pang-itaas niya.

Teka nga! Ako bang nag-alis ng suot niya?!

Marahan ko siyang tinulak sa pader at kinuha ang magkabila niyang kamay at ipinuwesto ito sa itaas ng ulo niya.

I licked her lips at napangiti ako.

Sweet.

Kinarga ko si Ryo at inihiga siya sa sofa.

Pagkatapos ay kinaibabawan ko siya at sinimulan niyang tanggalin ang sinturon ko.

At doon lang ako nakabalik sa wisyo.

Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya.

Napaupo ako sa sahig at inisip nang mabuti ang nangyayari.

Nangunot ang noo ko at pinigilang huwag mamula.

Ano 'yong ginawa ko?!

Tiningnan ko si Ryo na nakapanloob na lang at naout of place pa ang bra niya. Nakaupo siya na tila ba nag-iisip.

Huminga ako nang malalim.

"Ang ganda pala ng katawan mo." tanging sabi niya.

Tiningnan ko ang 8 pack abs ko.

"Ano bang inexpect mo sa captain ng isang basketball team?"

Tumayo ako at binato ang polo ko sa kanya.

"Malinis ka na. Ako ang naglinis sa'yo eh."

She blushed.

Tumalikod na lang ako at pumasok kung saan para mapigilan ang sarili ko.

Naulol na 'ata ako. Peste.

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now