Chapter 1.4- Shin
Shin's POV
Umuulan.
Ayon sa horoscope ngayong araw, uulan at habang umuulan, kailangan kong bumili ng magazine na may horoscope.
"Manong, ihinto niyo sa 7/11."
"Yes, ma'am." Binasa ko ulit ang horoscope ko para sa araw na ito.
'The weather will be bad and also your day because of noisy persons. In order to not be pestered for the rest of the day after your path crossed with those persons, buy a magazine with a horoscope.'
"Naku!"
"Bakit manong?"
"May naputikan po dahil sa kotse."
Nagulat ako. Masamang pangitain 'yan.
Kakausapin ko ang nadumihan para magsorry.
Lumabas ako ng kotse dala-dala ang payong at hinanap ang nadumihan pero nakaalis na.
Papasok na lang ako sa 7/11 pero bago nakapasok, may napulot akong magazine. Si Mr. Kise Ryota ang cover at may pirma niya. Inilagay ko nalang sa bag ko.
Pagkapasok ko, nagulat ako nang may sumigaw.
"Shincchi! Ikaw ang anak ni Midorimachii di ba?"
Ah, malas.
Sabi ni papa, kapag makita ko si Mr. Kise Ryota nang personal at tatawagin akong may 'cchi' ang dulo ng pangalan ko, gugulo na raw ang buhay ko.
Ang malas ko naman sa araw na ito. Tama ang horoscope.
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
FanfictionThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...