Chapter 1.1- Sei
Sei's POV
Nakakabugnot.
Nakakainis.
Nakakabanas.
"Pa, ba't basketball na naman 'yang pinapanood niyo?! Eh kung ilipat niyo kaya 'yan sa ibang channel!" May T.V. naman sa kwarto ko pero gusto kong inisin si papa.
Sinamaan ako ng tingin ni papa gamit ang peste niyang dalawang matang kulay pula at ginto. Katulad na katulad ito sa akin, peste.
"Mag-aral ka na lang kayang magbasketbol para ikaw ang papanoorin ko." sabi niya habang di lumilingon at nilalaruan ang isang gunting.
"You wish. Weirdo."
Mabilis na ibinato ni papa ang gunting sa direksyon ko habang nanlilisik ang mga mata at mabilis ko itong nasalag gamit ang isang album na nahawakan ko.
"Bakit ba ayaw mo sa basketball Sei?!" maawtoridad at galit niyang tanong.
At siya pa ang may ganang magalit?! Siya ba ang binato ng gunting?! Pasalamat siya at mabilis ang reflexes ko.
"It's none of your business. Lalabas ako. Magluto ka ng hapunan mo. Hindi ako uuwi."
Naglakad ako papalabas at pabalibag na isinara ang pinto.
"Anak ng---- Sei! Sei! Bumalik ka rito. Peste."
Utot mo, papa. Basketball? Like heck I care about that stupid game.
Ngayon, saan kaya ako pupunta? Sa arcade? Pwede rin.
"Aw,aw."
Kaninong aso 'to? Binabadtrip ako nito ah!
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
FanficThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...