Chapter 4.4- Welcome?
3rd Person's POV
Pagkatapos ng program, naglipana ang mga estudyante at kanya-kanya na ang tsismis na pinag-uusapan.
Limang estudyante ang tinititigan ng lahat. Mga sikat silang high school basketball players. Sila ang tinatawag na Uncrowned Kings ng eskwelahan at ng buong bansa.
Ang captain at coach nila ay si Toma Hanamiya, ang tinatawag na bad boy dahil sa paraan niya ng paglalaro ng basketball. Gwapo siya, matangkad at hot(base sa mga fangirls niya) at siya rin ang presidente ng class A at ng student council ng paaralan. Seryoso siyang tao pero sa basketball, lahat ng masasamang gawain ginagawa niya(like fouls) para manalo. But, but, but, matalino ang ungas. Ang galing niyang maglaro, pati ang gagawin ng kalaban ay kanyang nahuhulaan kaya magaling siyang mang-agaw ng bola. Siya rin ang point guard ng team nila.
Isa pang uncrowned king ay si Oure Mibuchi na tinaguriang best shooter ng basketball team ng eskwelahan. Gwapo rin siya, matangkad at ang sarap--este ang ganda ng katawan. Ayaw na ayaw niya sa mga taong weirdo at di sumusunod sa kanya. Strikto siya sa mga bagay-bagay sa paligid niya at laging kinocorrectionan ang mga maling kilos ng iba pero hindi rin naman siya sinusunod ng mga 'yon. Uulitin kong siya ay isang napakagaling na shooter at isang certified fault-finder.
Kei Nebuya naman ang pangalan ng isa sa uncrowned kings. He's a glutton pero ewan ko ba kung paano niya namemaintain ang kanyang katawan. Gwapo rin siya mga dong at ang pinakamatangkad sa basketball team pero PG nga lang. Oo, ganoon siyang tao. Kaya niyang kumain ng kahit gaano karaming pagkain. Kakaiba rin ang paniniwala niya tungkol sa basketball. Sa tingin niya, ang lahat ay nadadaan sa lakas.
Next in line ay si Roa Hayama, ang best dribbler ng uncrowned kings. Maning-mani para sa kanya ang dribbling. Kumbaga sa ingles, piece of cake! Hehe. Napakapogi niya lalo na't napakakulit niya. Masayahin 'tong isang 'to at palatawa. Mabalik tayo sa basketball skills niya. Kaya niyang magdribble gamit ang dalawang daliri at binabase niya ang dribbling niya sa taong kalaban niya. Kaya kung nakalaban mo siya at dalawang daliri lang ang gamit niya, kuto ka lang para sa kanya. Nasosobrahan ang kompyansa niya sa kakayahan kaya madalas ay inaunderestimate niya lang ang kalaban.
Last but not the least na uncrowned king ay si Teip Kiyoshi. Ahem. Siya ay isang napakagwapo, napakagaling, napakagentleman, napakamahinahon at napakabuting basketball player. Pwede siyang maging center o point guard ng basketball team dahil nahahandle niya nang mabuti ang bola. Inoobserbahan niya ang kanyang mga kalaban bago magcounter attack at napakaunpredictable ng mga kilos niya sa basketball game. Isa siyang teammate na ngumingiti sa mga kasama niya na parang palaging nagpapahiwatig na ang lahat ay okay lang at ito'y nakakaencourage sa kanila.
Ang uncrowned kings ay ang mga anak ng dating mga uncrowned kings. Passion ng mga ungas ang basketball pero sa game, lagi silang nalalapit sa pagkatalo dahil pinag-aagawan nila except ni Teip ang bola.
"Kap, mas lalo kang pumapangit dahil sa noo mo! Ayusin mo 'yan! Hahaha!" biglaang puna ni Roa sa captain nila pero hindi siya pinansin ng huli. "Ay! Suplado! Wahahaha!"
"Hoy, manahimik ka. Ang ingay mo." saway naman ng striktong si Oure sa buang.
"Ble! Ayoko nga! Haha! Di mo ako mapatatahimik!" inilabas pa ni Roa ang dila niya para mas lalong maasar si Oure. Inirapan naman siya nito at binatukan.
"Aray! Masakit 'yon ah!"
"Haha! Magsitigil na kayo. Lagi lang kayong nag-aaway." natatawang sabi ni Teip sa kanila. "Sinasamaan na kayo ng tingin ni Toma."
Nagkamot ng ulo si Roa at humingi ng paumanhin sa captain nila.
Ang glutton na si Kei ay kumakain pa rin pero hindi napapasin ng mga kasama niya na malalim ang kanyang iniisip. For the first time in forever(kung meron man), naisip ni Kei ang tungkol sa lablayp niya.
Nakita niya kasi ang isang babaeng kain din nang kain kanina. Naamazed siya sa ganda at takaw ng babaeng kumain.
Naisip niyang siguro ay hindi siya mapapansin ng babae.
Natatawa siya sa kanyang iniisip dahil parang nakikita niya ang sarili sa babae.
Natigilan lang siya sa pag-iisip nang may babaeng lumapit sa kanila.
Maliit ang babae at sky blue ang buhok nito.
"Naliligaw ka ba, bata?" tanong ni Roa. "Gusto mo, ihatid ka namin sa mga magulang mo? Haha! Gwapo kami, di ba?"
Hindi sumagot ang batang babae. Kakaiba itong tumingin. Napakamahinahon ng mga mata nito kaya hindi mabasa ng kung sino man ang iniisip nito.
"Bata? Ayos ka lang?" tanong ni Teip. Tumingin siya sa mga kasama. "Baka pipi."
"Kayo." Biglang napatalon si Roa dahil biglaang nagsalita ang bata. "Basketball players kayo. Hindi ba?"
Tumango-tango naman sila pero nagtataka pa rin sa batang kaharap nila.
"Bakit niyo gusto ang basketball?" tanong ng batang babae na ngayon lang nila napansing nakasuot ng uniporme ng skwelahan nila pero mukha naman daw itong isang elementary student para maging school mate nila.
"Bakit mo natanong?" seryosong tanong ni Toma, ang captain.
Pamilyar ang mukha ng babae na para bang hindi lamang niya ito masyadong napansin kanina sa gym.
Hindi sumagot ang babae at umalis lang pero biglaan din itong nawala.
"Whoah! Ang weird niya! Magic ba 'yon?!" ani Roa habang nanlalaki ang mata.
"Hindi." sagot ni Toma. "Misdirection 'yon."
Napatingin ang apat sa captain nila.
"Misdirection?" tanong ni Teip at nag-isip saglit. "Ang ibig mong sabihin, basketball player siya?"
"Mag-isip ka nga. Sa liit niyang 'yon, walang team ang tatanggap sa kanya. Ulol!" sigaw naman ni Oure.
Nagpeace sign lang si Teip at nag-isip ulit.
Maraming bagay ang bumabagabag ngayon sa kanila kagaya ng kung anong koneksyon ng maliit na babaeng parang bata kanina sa basketball.
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
Fiksi PenggemarThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...