Chapter 5.6

10 0 0
                                    


Chapter 5.6- Toma 2



Toma's POV



Ang tindi boy. Pinuntahan ko kung nagpapractice ba ang gunggong pero anong naabutan ko?! Peste.



"Wow naman. Kaya pala ang taas ng bayarin ng eskwelahan sa kuryente. Tsk. May mga asungot palang nagdedate sa gym. Puta." sarkastiko kong sabi at di sila nilingon habang papunta sa lalagyan ng mga bola.



Kinuha ko ang isang bola at nagsimula itong i-dribble.



Tumingin ako sa direksyon nila at ngumisi.



"One on one."



"Hoy! Di 'yan patas! Kakapractice lang ni Teip! Pagod pa siya! Unfair naman 'yon, Toma!" sigaw ng babae.



"Manahimik ka. Di ka kasali rito babaeng 4-F." walang emosyon kong sabi kaya sumimangot na lang ang babae at ayon na naman siya sa pagbubulong-bulong niya.



"Sige, Toma." nakangiting sabi ng ulol. "One on one."



Napangisi ako.



Dinribble ko ang bola at mabilis na nagdribble habang tumatakbo papunta sa isang ring at naglay-up.



"Isang puntos para sa akin. Ang unang makasampung puntos, panalo. Habang ang talo naman,---." Tumingin muna ako sa palibot. "----maglilinis ng gym."



"Deal." sabi niya habang nakatingin sa babaeng 'yon at nakangiti.



'Yan lang pala ang kahinaan mo. Gago.



Nagdribble ako ulit at tumingin sa kabilang ring.



"Kapag may makashoot sa isang ring, sa kabilang ring na naman ulit pwedeng magshoot." paliwanag ko habang nagkasalubong ang aking mga kilay.



Kailangan kong manalo.



Naglakad ako habang nagdidribble papunta sa ikalawang ring at gaya ng aking inaasahan, nakabantay na roon ang ulol.



Seryoso ko siyang tiningnan at tumingin sa babae.



"Tingnan mo. Umiiyak siya."



Napangisi ako nang tumingin siya sa babae na para bang nawala ang konsentrasyon niya.



Mabilis akong nagdribble papunta sa tapat ng 3-point line at ishinoot ang bola.



Nakita ko kung paano bumalik sa ulirat ang ulol at sinubukang pigilan ang 3-point shot ko pero nahulaan ko na gagawin niya 'yon.



Tumalon siya at medyo natapik ang bola sa dulo. Nashoot ang bola dahil sa anggulo ng pagkashoot ko.



Sinadya kong medyo hindi tama ang pagshoot ng bola para kapag matapik ito nang kaunti sa ere, maitatama ang anggulo nito. Kung tama ang anggulo ko, may posibilidad na hindi ito papasok kapag may disturbance sa ere gaya ng pagpigil ng ulol sa bola.



"Tatlong puntos. Apat na ang akin, ulol."



Tumawa lang ang gago kaya nagkasalubong ang kilay ko.



"Hahahaha! Kahit kailan ka talaga, Toma. You use your dirty tactics to win."



Napapa-ingles pa ang gago.



"Tama. Ngayong nalaman ko na ang kahinaan mo, ulol, gagamitin ko 'yon sa kahit anong paraan." sabi ko.



Nawala ang ngiti sa mukha niya.



"Practice is practice. Huwag kang mandamay, Toma, lalong lalo na si Ryo."



Ayos 'to ah. Puta. Ngayon ko lang narinig na nagbanta 'tong ulol na 'to.

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now