Chapter 4.3

14 0 0
                                    

Chapter 4.3- Welcome?

Ryo's POV

Nag-uusap kami ni Shin dahil ang boring. Salita ng salita 'yong mga class president.

At hmp! May mga bulgarang nanunukso sa aming Class F. Ang sama-sama nila. Wala pa naman kaming ginagawa sa kanilang lahat maliban 'yong nambugbog kami ng teachers at mga estudyante para makapasok sa Class F. Hindi nga ako makapaniwalang may talent pala ako sa boxing! Hehehe.

Back to business. Biglaang umingay ang lahat so tumingin ako sa stage.

Tinitigan ko 'yong nagsabi lang ng 'good morning' ay tinilian. May itsura siya, in fairness. Haha! Pero, di ko siya type. Mukhang basketball player eh. Matangkad siya at maganda ang katawan.

Muli kong binalik ang atensyon kay Shin pero nakatingin siya sa nagsasalita kaya nakinig na rin ako.

"Welcome. Magpakabait kayo dahil kami ang makakalaban niyo, mga bugok." mayabang na sabi ng lalaki at bumaba na ng stage pero nakita ko siyang tumingin saglit sa direksyon ng klase namin.

OMG! Ang yabang! Hinahamon niya yata kami!

"Ahhhhhhhhhhhh! Ang gwapo mo Toma!"

"Ang hot moooooooooo! Whaaaaaaaaah!"

Nagpatuloy ang sigawan hanggang sa ang presidente na naman ng sumunod na section ang magbibigay ng message.

"Ang bababaw pala ng mga tao rito." rinig kong sabi ni Sei.

"Ryo, kilala mo ba 'yong lalaki?"

"Eh? Ba't niyo naman ako tinatanong niyan?!" tanong ko kina Aiki at Shin.

"Nakita ko. Tinitingnan ka niya." biglang sabi ni Tetsu.

"Huwhat?! Sure ka ba?!"

OMG! Stalker ko ba 'yong lalaking 'yon?!

"Nakita ko rin. Tama 'yang bubwit. Tiningnan ka niyong mayabang kanina."

Si Sei na ang nagsalita. Seryoso na 'to!

Kahit nakaupo lang kami sa sahig, hinanap ko 'yong lalaki. Nang nakita ko siya, para siyang nagulat nang nakita niya akong nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay naningkit ang mga mata niya at pinanlisikan ako.

Hehe! Akala niyo magpapatalo ako?! Syempre, kinindatan ko siya at ngumiti.

Muntik na akong matawa nang kumunot ang noo niya, biglaang sumimangot at umiwas ng tingin.

Bwahahahaha! Baliw 'to hoy! Ginagamit ko ang ganda ko sa kahit anong dahilan. Hehehehehe!

"Magkakilala kayo?"

OMG! Napansin pala ni Tetsu ang ginawa ko.

Nagpeace sign ako sa kanya.

"Hindi."

"Okay students, thank you for coming. I'm hoping na hindi magiging magulo ang school year niyo dahil may mga bagong salta tayo." sabi ng speaker.

Ha?! Tapos na?! Hindi ko pa narinig na tinawag ang klase namin!

"Saglit lang!"

Napatingin ang lahat kay ma'am. Biglaan kasi siyang sumigaw!

Pumunta si ma'am sa harapan.

"Please, hayaan niyong magbigay ng message ang class president ng class namin. Please."

Nakita kong ngumisi ang speaker bago hinablot ang mic mula kay mam!

OMG! Ang sama niya! Teacher ba talaga siya?!

"Well, well. Pinapayagan ko na ang pagsusumamo mo Ms. A." Bumungisngis ang speaker at tumingin sa mga estudyante. "Nakakatawa di ba? A ang first name niya pero she's now teaching in class F. Please call her Ms. F starting from today. Okay? Ang hindi susunod, babagsak sa subjects nila. Sige, nasaan ang president ng class 'F', Ms. 'F'? Oh, ang gandang pakinggan, di ba?"

"Peste." rinig naming bulong ni Sei habang walang kaemo-emosyong naglalakad papunta ng stage.

Sinundan siya ng tingin ng lahat.

Iba't ibang comments din ang narinig ko sa mga schoolmates namin. May nagsabing maganda, cool, at hot si Sei. Mayroon ding mga naiinggit na nagsasabing mukha daw siyang isang delinquent.

Seconds later, nakita na naming nakarating na si Sei sa stage at tinitigan nang masama ang speaker kaya nanginginig nitong binigay ang mic kay Sei.

Kahit nasa malayo kami, kitang-kita ko ang masama niyang tingin at nagliliyab niyang kulay red at gold na mata.

"Mga schoolmates na uto-uto sa mga walang saysay na teachers, maganda--este masamang umaga. Kung patuloy lang kayong sunod-sunuran at tuluyang maging mga mababaw na tao, walang mangyayaring maganda sa buhay ninyo. Lalaki lang kayong mas uto-uto at mas walang kwenta." Tumigil saglit si Sei at tumingin sa klase namin. "May this year be exciting pero mas maganda kapag magulo."

Grabe ha?! Ang sama ng tingin niya sa lahat habang nagsasalita. Iba siya!

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now