Chapter 6.3

12 0 0
                                    

Chapter 6.3- BB plan

Ryo's POV

Yohoo! Hello! Baka nag-iisip kayo ngayon na feeling maganda ako sa storyang 'to. Well, maganda naman talaga ako. Bwahahaha!

Siya nga pala, may iniatas kasi sina Sei at Agia sa akin. Minsan talaga ay nagkakasundo ang dalawang 'yon pero minsan ding nag-aaway.

Ngayon naman, may plano sila kasi nalaman na namin ang kalaban namin, ang 'Uncrowned Kings'.

Patawarin sana kami sa mga gagawin namin. Argh! Kailan kasi naming gawin 'to eh. We love our dads at saka na namin ipapaliwanag ang koneksyon nila sa UK.

Si Agia ang in-charge sa mga plano.

Ang plano niya ay mapalapit kami sa Uncrowned kings, magpaturong magbasketball, at pagtaksilan sila. Whoooh! Ang lalim.

Ika nga ni Agia, madali lang 'to. Piece of cake kung baga.

Ang una ay ang iniatas kay Sei na naipasa sa akin. 'Yon ay ang mapalapit sa mga UK(Uncrowned Kings) at pwede ring paibigin sila.

Syempre, di pumayag si Sei. Noong araw na nabuo ang plano ay ang araw na kilala ko na sina Toma at Roa at syempre, si Teip na matagal ko ng kilala.

Naikwento ko sa kanila 'yon kaya madaling pinasa ni Sei ang misyon niya sa akin. Pumayag naman ako kasi gusto kong tumulong.

Kay Tetsu nakaatas ang pagmamanman sa UK. Minsan kasi ay tumatambay siya sa gym. Di nga namin alam kung bakit lagi siyang nandoon.

Si Shin naman ang bahala sa research para sa personal information. Maalam siya sa ganyan eh. Lagi lang kasi siyang nagbabasa.

Kay Aiki naman naatas ang pakikipaghalubilo sa ibang estudyante. Rinig ko, tinatakot niya ang mga ito para kumaibigan sa kanya. Kumakalap siya ng impormasyon sa kahinaan ng UK.

Si Sushi ay wala lang. Hinahayaan lang namin siya. Basta natural lang ang iaakto niya, ayos na. Tahimik lang siya dahil kumakain palagi pero mukhang marami siyang malalaman.

Si Agia ay ang nagtetext ng mga black mail sa mga estudyante at nagpapakalat ng mga tsismis tungkol sa UK. Part-time job niya ngayon ang magset-up ng pranks para sa mga ayaw niyang estudyante at teachers. Gusto niya raw kasi. Di naman nahuhuli ang letse. Haha!

Si Sei naman ang bahala sa room at kay ma'am. Ayaw naming malaman ni Ms. A ang plano namin. Sigurado kaming pipigilan niya kami. Tungkol sa room, binabantayan niya 'yon para in case may mga taong may planong masama sa room namin. Alam niyo naman na delikado kami sa skwelahang ito. Pinag-iinitan kami ng halos lahat.

"Anong iniisip mo?"

Ay! OMG! Nakalimutan kong nasa student council office ako ngayon. Tinutulungan ko nga pala sina Oure at Toma.

"Sorry! Hahaha! May iniisip lang ako!" sagot ko kay Oure.

Nagpatuloy lang siya sa pagbabasa ng mga ewan habang nakasimagot.

Naku! Sayang talaga 'tong Oure na 'to. Gwapo nga siya at mukhang mabait pero lagi lang nakasimangot at nagsusungit. Mood swings kaya 'yon?

Nag-aarange ako ng mga dokumento. Si Toma naman, tutok na tutok din sa laptop niya.

Nagseryoso na rin ako sa ginagawa ko.

Biglaang nagbukas ang pinto kaya napatingin ako roon.

Hindi ko inaasahang iluluwa nito si Kei.

Tumingin siya nang mataman sa akin.

"Hi!" bati ko sa kanya.

"Hi." sabi niya. Lumapit siya sa akin at iniabot sa akin ang payong ko. "Salamat."

Ngumiti ako.

"Oh? Hahaha! Wala 'yon."

"Kaano-ano mo si Ryota Kise?"

Di ako nagpahalata na nabigla ako sa tanong niya.

OMG! Baka mabuko niya kami kapag malaman niyang anak kami ng generation of miracles! Kailangan kong mag-isip!

Aha!

"OMG! Bakit Kei? Kaano-ano mo siya?"

Sana gumana! Sana di halata!

"Ah, wala kaming koneksyon. Natanong ko lang kasi may Kise na nakasulat sa payong mo."

Oh my!

"A-Ah hehe! Girl secret!." palusot ko.

Huhuhu! Sana magwork! Sana magwork!

"Ganoon ba?"

Ilang beses akong napatango.

Kumuha siya ng isang tsokolate mula sa bulsa niya at binuksan ito.

"Gusto mo?"

Nagblush ako.

OMG! Waaaah! Ang cool talaga ni Kei! Hindi rin halatang mabait siya kahit pagkain lang ang lagi niyang inaatupag.

"T-Thank you."

Ngumiti siya bago ibinigay ang chocolate sa akin kaya mas namula ako.

Kei, ako na lang! Huwag mong pakasalan ang pagkain!

"Ahem." pagtikhim ni Toma.

Uh oh. Nakalimutan kong may trabaho pa ako.

"May trabaho ka pa Ryo." sabi ni Oure habang nagkasalubong ang kilay. Nagbabasa pa rin siya.

"Sorry, Oure! Haha! Ang gwapo kasi ni Kei eh."

Nakita kong tumingin si Oure sa akin saglit at nagsalita habang nagbabasa.

"Kababawan nga naman ng mga babae."

"Hoy Oure! Anong mababaw?! Ang kapal ng mukha mong sabihin------!"

"Anong sadya mo?"

Aba! Pinutol ni Toma ang pagsasalita ko gamit ang tanong niya kay Kei.

"Si Ryo. Geh, alis na ako."

Kumuha si Kei ng isang chocolate mula sa bulsa niya at binuksan ito. Kinagat niya ito bago bahagyang iniwagayway ang kamay sa akin at umalis.

Hala! OMG! Ang cool!

"Ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo Ryo ng 4-F."

Tumingin ako kay Toma. Napakaseryoso niya talaga pero siya naman ang pinakamaappeal sa UK.

Namula ako nang maalala ang nangyari sa amin.

Diyos ko po! Patawarin niyo po ako! Ang sarap kasi ng katawan ni Toma eh. Ang pogi niya rin kasi. Nakakanosebleed nga rin ang kapogian niya.

OMG! Naalala ko kung paano niya ako hinalikan. Ang sarap sarap! Hohoho! Ang swerte ko ta-------!

"Huwag mo siyang titigan, baka matunaw." biglang ani Oure.

Ba't ba ang hilig nilang putulin ang mga iniisip at sinasabi ko? Ang sama!

"Eh Oure! Huwag ka ng magselos."

"Gago! Selos mong mukha mo."

Aba! Minura pa ako! Di ako papatalo!

"Gago ka rin! Trash talk ang hanap mo? Sige! Ibibigay ko sa'yo! Gago! Pakyu! Peste! Letse! Putangina! Ulol! Punyeta! Putragis! Yati! Pisting buang!" sigaw ko at umalis.

Nang nakalabas na ako, tumawa ako nang malakas.

"It's takas time!"

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now