Chapter 6.7- BB plan
Agia's POV
Dumating na sina papa kaya lihim akong napangisi habang nakatingin sa sahig. Kunwari kasi ay nalulungkot kami at natatakot sa mga ama namin.
Putangina. Kung di lang 'to pinagplanuhan baka masapak ko na ang mga ama namin dahil sa kasesermon. Kahit maabutan pa kami ng umaga, sila lang ang mapapagod. Dakila kaming pito sa pagkawalang pakialam. Pasok sa tenga, labas sa kabilang tenga ang trip namin ngayon.
Ganito kasi 'yon eh. Pinlano namin 'to para makuha ang isang bagay o di kaya'y maraming bagay dahil ito ang magiging stepping stone namin kumbaga.
"Tama na po 'yang mga sermon mga gwapong sir. Hindi naman sa nangingialam pero siguro naman po ay matututo sila kung paparusahan niyo sila." Isa pa 'tong putang teacher na 'to. Ang galing magbait-baitan ng tarantada pero hayaan na dahil parte naman 'yang pangingialam niya sa plano.
"Tama ka Ms. Shun. Hmm, ano kayang pwede? Palilinisin ko na lang si Ryocchi ko ng C.R. Kami na nga po pala ang bahala sa bayad sa mga nawasak nila. Kayo?" sabi ni Tito Ryota kaya nagkandaletse na dahil sumang-ayon naman ang mga ama namin.
Syempre, may plan B kami. Hanggang plan Z nga meron kami. Kasama na ang NG at à doon. Alam niyo naman na may mga kaibigan akong baliw.
Sinenyasan ko gamit ng sign language si Ryo at Aiki. Tumango sila. Nagtataka ba kayo kung bakit maalam kami sa sign language?
May isang puta pero makabuluhang araw kasi na sinabihan kami ni Ms. A, oo 'yong iyakin naming guro, na bawal magsalita buong araw except sa kanya. Tinuruan niya kami ng sign languages. 'Yong basic lang naman pero heto at nakatulong. Putangina. Galing 'no?
Nagsimula na sina Ryo at Aiki.
"Hay, buti naman at palilinisin nila tayo. Whew. Akala ko pagbabasketbolin tayo eh. Ew kaya 'yon." bira ni Ryo habang bumubulong kay Aiki pero sapat lang para marinig ng mga ama namin.
"Kadiri talaga. Aba, kung pasasalinin nila tayo ay araw-araw na magpapraktis. Mangangamoy tayo niyan at wala ng lalapit sa ating boylets." pag-iinarte naman ni Aiki.
"Yep. Buti na lang talaga. OMG kasi. That would be araw-araw na pinitensya 'pag nagkataon." banat pa ni Ryo. Nang nakita niyang halos lahat nakikinig sa bulungan nila, nagpanggap siyang nataranta at nagpautal-utal pa ang best aktres natin. "A-Ahaha-ahahah-ha. B-Bakit? B-Ba't ganyan kayo m-makatingin?"
Napangisi ang mga ama namin pero syempre, lihim na mas malaki ang ngisi namin. Sorry na lang kayo mga putanginang ama. Ginagawa rin naman namin 'to para sa inyo.
Siniko ako ni Sei na klarong-klarong nagpipigil ngumisi at nagthumbs-up.
"Ms. Shun, may Basketball club dito, 'di ba?" seryosong tanong ni Tito Shintaro. "Gusto naming pasalihin sa basketball ang mga anak namin. Isa 'yang malaking parusa sa kanila."
And for the final blow...
"What the fuck?!" agad na sigaw ni Sei at itinutok ang gunting kay Ms. Shun. "Subukan mo lang peste ka na pumayag sa sinabi nila at makakatikim ka nito. Tatabasin ko 'yang buhok mo!"
"SEI! Sumusobra ka na!" singhal ni Tito Seijuro.
"Psh. Tangina niyo!" sigaw ni Sei at umeksena na si Sushi. Binigyan niya ng cookies si Sei para kumalma si Sei kahit acting lang 'to.
"Walang takasan." sabi pa ni Sushi. Magaling. Akala ko maninira na naman ng plano 'yang babaeng 'yan. "Feel na feel niyo naman?"
Peste. Kakaisip ko lang nga eh. Ang tigas talaga ng ulo ng isang 'to. Maluwag 'ata ang turnilyo ni Sushi sa utak. Tsk.
Sinenyasan ko sina Shin at Tetsu.
"Papa naman, mga tito, mahina po kami ni Tetsu sa sports. Pwede po bang iba na lang?" ani Shin.
"Oo nga." walang gana namang ani ni Tetsu. Tsk, tsk. Parang wala lang ah.
"Hindi naman pwedeng habang buhay kayong lampa. Wala na kayong magagawa. You'll all join the basketball club." ani ni Papa habang nakangisi. Tsk.
"Ms. Shun, please sign them up in that club." sabi ni Tito Tetsuya na parang kabute. Muntik na akong matawa nang gulat na gulat ang letsugas na teacher dahil sa biglaang pagsulpot ni Tito Tetsuya.
"Hindi! Putangina niyo! Wala kayong karapatan para diktahan kami! Pesteng buhay naman 'to oh!" sigaw ko sa kanila pero sinimangutan nila ako..
Oh, tapos na ang eksena ko.
"Anong wala?!" sabay-sabay nilang tanong kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Okay po mga sir. Ako na po ang bahala." nakangisi namang ani ni Ms. Shun letsugas.
"All of you, we need to talk." seryosong sabi ni Tito Seijuro bago sila naglabasan. Nagkatinginan kaming pito at sinundan sila sa labas.
Naglakad sina papa sa corridor at ang dami naming narinig na hiyawan at sigawan. Tss. Oo na, sila na ang mukhang mga teenager.
"Gwapo!"
"Pogi!"
"Hot!"
"Pahingi ng number!"
"Ah! Ang cool nila!"
Maangas silang naglalakad pero seryoso pa rin.
Putangina! Pinagpapawisan kami nang malagkit nito. Pinagbubulungan pa kami ng mga tsismoso at tsismosa. Ayon, sininghalan ko pero di pa rin nagpaawat.
Susugurin ko na sana pero pinigilan ako nina Shin dahil baka mas malagot kami kina papa.
Tumigil sina papa nang wala nang masyadong tao. Nang humarap sila sa amin, nagtawanan sila.
Eh?! Tinotokshit ba kami ng mga putang 'to?!
"Ahahahahahahahahaha! Hahahahaha!"
Nagkatinginan kami ni Ryo na natulala. Si Sei at Aiki nakataas ang kilay. Napaayos sa kanyang salamin si Shin at walang pakialam sina Tetsu at Sushi.
"Ahahahaha! Seicchi, Tetsucchi, Ryocchi, Shincchi, Aikicchi, Sushicchi at Agiacchi, may paacting-acting pa kayo ah?! Hahaha!"
"Putangina." rinig kong usal ni Sei bago ako natulala.
Walanghiya! Putangina talaga! Tsh. Nabuking kami pero bahala na. Nakuha naman namin ang main goal, ang makapasok nang walang kahirap-hirap sa basketball club at team.
Sisiw ang acting eh. Buking nga lang.
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
FanfictionThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...