Chapter 1.6

29 1 0
                                    

Chapter 1.6- Sushi

Sushi's POV

Nasa bahay ako, kumakain ng Japanese food kasama si papa.

"Hoy Sushi anak, ang taas mo na. Baka magaya ka sa akin. Noong teenager pa ako, 206 cm. na ako. Hinay hinay lang sa pagkain."

"Sige, ulitin mo pa. Nasa genes na 'yan kaya di na mapigilan." sabi ko sa kanya habang ngumunguya. "At saka, sinasabi mo lang 'yan dahil gusto mong masolo ang mga pagkain."

Nagpokerface si papa at nagpatuloy sa pagkain.

"Maiba nga tayo. Pwede ang height mo sa iba't ibang sports pero wala kang interes sa kahit anong sports. Sayang ang tangkad mo."

Nilamon ko muna ang isang buong extra large na sushi.

"May contest sana tungkol sa pagkain."

"'Yan din ang nasabi ko noon pero wala namang ganyang sports sa pinasukan ko. Ikaw, hindi ko alam sa eskwelahan mo ngayong 4th year ka na."

Nagkibit-balikat ako.

"Bahala na. Huwag niyo lang akong titipirin." Nginuya-nguya ko ang tempura. "Nakita ko ang anak ni Aomine Daiki sa Japanese restaurant kanina. Nagpatan din pala siya."

Nabuga ni papa ang kinakain niya.

"Sana bagay sa kanya. Di kagaya ng tatay niya. Iba rin kasi ang trip nila. Pagkain na lang sana ang inatupag nila."

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain nang nagsimulang magkwento si papa tungkol sa basketball.

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now