Chapter 6.1- BB plan
BB means Basketball
Sei's POV
"Ano?!" sigaw ni tan girl at girl labo.
"Nagmake out kayo? Galing." sabi naman ng babaeng matakaw. "Masarap?"
Namumula na ang babaeng loudspeaker pagkatapos niyang ikwento ang nangyari sa kanila ng balasubas na captain ng basketball team dito, 'yong captain ng uncrowned kings kuno. Psh.
Tumayo ako at kinuha ang isa kong gunting.
"Nasaan si warfreak?" mahinahon ngunit nagpipigil ng inis kong tanong.
Namutla silang lahat nang sinimulan kong hasain sa hasaan ang gunting ko.
"Sagot!"
"S-Sei naman. Walang k-kinalaman si Agia rito. K-Kasalanan ko n-naman eh!"
Tumaas ang kilay ko.
"Sinong nagsabing di mo kasalanan?" sarkastika kong tanong sa kanya at naglakad palabas ng classroom.
Free time. Nasaan kaya ang letseng warfreak na 'yon?!
Naglakad ako sa corridor habang lumilingon kung saan para mahanap ang hinahanap ko.
Inaambahan ko ng gunting ang paharang-harang lang sa daan kaya nagsitakbuhan sila.
"Warfreak! Lumabas kang letse ka!"
"Nasa field siya, natutulog."
Muntik ko ng masaksak ng gunting ang bubwit na may asul na buhok nang biglaan siyang sumulpot.
"Dalhin mo ako sa kanya." nagpipigil ng inis kong utos.
Nang natanaw ko na si warfreak, tinapon ko ang gunting sa ulo niya. Swerte lang niya at hindi ang matalim na bahagi ng gunting ang tumama sa kanya.
"Shit! Sino 'yon?!" nanggagalaiti niyang tanong at tumingin-tingin sa paligid.
Natakot 'ata ang ibang estudyante sa tingin niya kaya tumakbo na lang palayo.
"Hoy, warfreak. Mag-usap nga tayo!"
"Sei?! Shit lang ha?! Anong trip mo?!"
Nilapitan ko siya at sinipa ang binti niya.
"Aray! Shit lang. Peste Sei!"
Kinuwelyuhan ko ang letse at sinigawan siya.
"Gaga! Alam mo bang muntikan ng marape ang babaeng loudspeaker dahil sa pesteng plano mo?!" Hininaan ko ang parte kung saan sinabi ko ang salitang 'marape'. Marami kasing tsismosa. Tss.
Nanlaki ang mata niya pero ngumisi rin naman.
"Oh? Concern ka?"
Tinulak ko siya.
"Kaibigan ko siya. Natural. Tss." nabubwisit kong sabi.
"Kung kaibigan mo siya, dapat ang sarili mo ang sinisisi mo ngayon."
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
"Oh ano? Dapat sa'yo nakatoka ang misyong 'yon pero ano? Pinasa mo kay Ryo." aniya.
Tiningnan ko siya nang matalim.
"Sinasabi mo bang sa akin dapat nangyari ang mga nangyari sa kanya?!"
Iniisip ko pa lang ang nangyari kay Ryo, nag-iinit na ang ulo ko. Letse.
Tumawa si warfreak at di ko gusto 'yon.
"As if naman na may magtatangkang gumawa niyon sa'yo. Hahaha. Ang sexy mo ha? Eh, flat na flat naman 'yang harap mo!"
Mabilis kong kinuha ang isa pang gunting sa bulsa ko at itinapon papunta kay warfreak.
Nadaplisan ng gunting ang braso niya at nagkasugat ito.
Huwag na huwag niya akong iinisin. Baka makalimutan kong magkaibigan kami. Tss.
Tiningnan niya ang dugong tumulo mula sa braso niya na para bang wala lang.
Letsugas!
"Sei. Agia. Tama na 'yan." pang-aagaw eksena ni girl labo.
Di namin siya pinansin at nagpatuloy sa pagmumurahan at pag-amba ko ng gunting sa kanya na lagi niya namang iniiwasan
Magkandaletse na! Di ako papatalo sa warfreak na 'to! Feeling cool?! Tss. Gaga.
"Shit, Shin!" sigaw nang warfreak nang sinipa siya ni girl labo sa sikmura. "Ack!"
Aba't! Ginamit ni girl labo ang tangkad niya.
Tss. Nakalimutan kong silang dalawa ng warfreak ang sunod na pinakamatangkad sa babaeng matakaw.
Sisipain sana ako ni girl labo pero nasalo ko ang sipa niya bago siya hinigit at pinatumba sa lupa.
Tinutukan ko siya ng gunting kong ginagamit sa surgery. 'Yong ginagamit panggupit ng mga parte ng katawan. Tinutok ko ito sa kanya.
"Huwag kang makialam." nanggagalaiti kong turan pero nagpokerface lang ang letse.
Napatayo ako nang may humila sa akin.
"Anong problema mo ha?! Girl tan?!"
She rolled her eyes at tinulak ako papunta kay warfreak.
"Kasalanan niyong tatlo ang nangyari." sabi niya at tumingin isa- isa sa amin nina babaeng loudspeaker at warfreak.
"Para kayong mga bata." sabi ng babaeng matakaw habang kumakain ng popcorn.
"Pinangangaralan niyo ba ako?!"
Napatingin ako sa letseng warfreak dahil nagkasabay kami sa pagsigaw.
Tss. Pakialam ko ba.
Clap. Clap. Clap.
Nagkasalubong ang kilay ko nang may pakialamerang dumating.
Heto na naman ang teacher na mahilig manlait. Simula ngayon, tatawagin ko siyang Ms. Manlalait. Ang peste niya kasi.
"Wala kayong karapatan para magpatayan. Kung gusto niyo, sa labas kayo ng eskwelahan magsaksakan class 4-F."
Nagkibit- balikat ako.
Tss. Lagi lang namang kami ang pinapansin nitong gurong 'to. Konti na lang at iisipin kong isa siyang tibo na may gusto sa amin. Kadiri ang letse.
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
FanfictionThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...