Chapter 5.5

8 0 0
                                    


Chapter 5.5- Teip

Teip's POV

Nagpapractice ako ng basketball ngayon.

Nagpatuloy lang ako sa pagshoot ng bola hanggang sa maka-500 shots na ako.

Ngumiti ako nang naalala ko kung bakit ginagawa ko ito ngayon. Hindi kasi ako nakapractice kanina kaya galit na galit sa akin si Toma. Tinawanan lang ako ni Roa at sinermonan ni Oure. Si Kei, no comment.

Nakakaaliw sila.

"I'm sorry you have to do this kind of thing. Gabi na oh. Kasalanan ko 'to eh."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang nalaman kong pinapanood niya pala ako.

"Ayos lang." Tumingin ako sa suot niyang uniform. "Hindi ka pa uuwi?"

Tumawa siya at hindi ko alam kung nawala ba saglit ang pagod ko dahil sa tawang 'yon.

"Well, nagpaalam na ako kay papa. Ikaw, uwuwi ka na. Naka-500 shots ka na di ba?! Oo, binilang ko. Hehe. Baka kasi sumobra at mapagod ka nang husto." Nagkamot siya nang ulo na para bang nahihiya. "P-Pupunasan ko n-na ang pawis m-mo."

"Salamat." sabi ko bago inabot ang tuwalya ko mula sa kanya.

Sa totoo lang, I can manage pero parang may nag-uudyok sa akin na hayaan na lang siya.

Nang nalapitan ko na siya, kinuha niya ang tuwalya at tumingala.

"Whoah! OMG ha?! Ang tangkad mo pala!"

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa reaksyon niya. Nanlalaki pa ang mga mata niya dahil sa gulat.

"Hahaha! Ngayon mo lang napansin?! Sige, haha. Uupo na lang ako."

Umupo ako sa bench sa loob ng gym at sinundan niya ako.

Sinimulan niyang punasan ang pawis ko mula ulo hanggang mga braso ko.

"Hala! Ang macho mo na pala, Teip! Noon, ang payat mo pa ah. Naku, naku! Chics ang maaakit nito, chics!"

Ngumiti ako dahil hindi pa rin siya nagbabago. She's still the girl who taught me how to smile.

"Yeah. Marami ngang lumalapit sa akin pero walang wala naman sila sa'yo."

Fuck it.

Napapamura ako rito sa isip ko. Hindi naman ako mahilig magmura kaya lang, kapag siya na ang kausap ko, hindi ko alam ang gagawin.

"Talaga?! Hohoho! Syempre. Mas maganda ako eh!"

"Alam ng lahat 'yan." natatawa kong sabi.

"OMG! Kaya gustong-gusto kitang kausap eh! Bwahahaha! Ang honest mo pa rin!" aniya habang pinapaypayan ang sarili niya. "Lagi mo lang akong finaflatter! Iba ka!"

Still, hindi ko pa rin mabasa kung anong iniisip niya o kung seryoso ba siya o nagbibiro. She's a beautiful and an unthinkable problem to solve.

Natahimik kami saglit.

Kinakalma ko ang sarili ko.

It's been how many years? Apat na taon per hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko tuwing kausap siya.

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na 'yon pero ngayon, gusto ko siyang yakapin.

Fuck, fuck, fuck. A-Ano ba 'tong nararamdaman ko?!

Teip! Gumising kang shit ka! That was puppy love for Pete's sake and that was 4 years ago! Move on!

Shit. Fuck.

D-Di na ako mapakali rito. Ano bang nangyayari sa akin?!

Kalmado akong tao. Lagi akong ngumingiti pero ngayon jeez. Nakakahiya ako. Mukha na siguro akong natatae.

"Hey! May problema ba?! Okay ka lang?!"

Hindi ko siya nasagot.

Wala akong maisagot! Para akong naparalisa pero minsan, di talaga ako nag-iisip.

"I-I miss you so badly." Nangilid ang luha ko. "I-I wanna h-hug you." Yumuko ako. "H-Hindi ko alam k-kung bakit pero a-ang saya ko na n-nandito ka ulit s-sa harap ko. I thought I won't see you again."

Nagulat ako nang biglaan niya akong niyakap.

Hindi ako nakapagsalita.

"I missed you too."

Kumalas siya sa pagkakayakap at sinampal ako.

Yeah. I deserved that.

"Ano 'yong sinabi ni papa na patay ka na raw?! Ha?! Akala mo di ko 'yon sineryoso noon?!" Tumulo ang luha niya. "At ano 'yong sinabi mong dahilan kung bakit namatay ka 'kuno' kay papa para paniwalain ako?!"

Nanatili pa rin akong tahimik habang nakatingin sa kanya.

"Cancer, Teip! Cancer!" She covered her face. "At akala ko talaga na totoo 'yon! Ginawa niyo akong tanga! Kung di ko lang nabasa last year sa magazine na sikat ka sa basketball, maybe, mahaheart attack ako dahil nakita kita kanina! At alam mo ba kung anong sinabi ni papa nang tinanong ko siya na buhay kung ka pa?!"

Wala pa rin akong imik.

"Ryocchi, I'm sorry. Sabi kasi ni Teipcchi na baka malungkot ka kung malaman mong lilipat siya sa U.S. of A. kaya pinasabi niya sa akin na may cancer siya at patay na siya." panggagaya niya sa tono ni Tito Ryota. "Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit! Pero, sinuntok ko talaga si papa. Nasobrahan 'ata sa kabaliwan."

Huminga siya nang malalim.

"I-I'm sorry." I said sincerely.

Napakaisip-bata ko kasi noon. Ayoko kong iwanan si Ryo pero wala akong magawa. Yeah, Ryo. She was lonely back then. Masayahin naman siya pero wala siyang kaibigan dahil nahihiya sila sa kanya.

Ako naman noon, parehas kami. Wala rin akong kaibigan pero kalaban, marami. Galit na galit kasi ako sa mundo noon pero when she entered in my life, umiba ang pananaw ko sa buhay.

Yeah, we found each other in each other's arms.

Pero, dahil nga kailangan naming pumunta sa states, pinasabi ko na patay na ako. Childish right? Pumayag naman si Tito Ryota sa pinasabi ko. I don't know if he's mad or not or what he was thinking that he considered my  childish wish.

"It's okay." Ngumiti siya and I swear na tumalon ang puso ko dahil doon. "Basta, huwag mo na akong iwan ha?! Lagot ka sa akin."

I chuckled.

"Promise, I won't."

"Wow naman. Kaya pala ang taas ng bayarin ng eskwelahan sa kuryente. Tsk. May mga asungot palang nagdedate sa gym. Puta."

"Uh-oh." rinig kong bulong ni Ryo.

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now