Chapter 5.4

9 0 0
                                    


Chapter 5.4- Roa

Roa's POV

Nag-uusap kami ngayon sa classroom at di gaya ng dati, iba na ang aming pinag-uusapan.

Nakakabad trip lang kasi di na kami masyadong pinag-uusapan ngayon. Ang mga taga- Class 4-F na ang sikat.

"Pak it all! Wala na akong ibang narinig ngayong araw maliban sa class 4- F! 'Yong mga losers na 'yon."

"Manahimik ka." sabi pa ni Oure. "Exaggerated lang 'yang pinagsasabi mo, ulol."

"Hoy, mukhang mabait na bakla, pakyu ka!"

Pinanlisikan ako ng mata ni Oure.

"Anong sinabi mo?!"

Pinatid ni Oure ang mesa ko nang napakalakas kaya tumilapon ito.

Nakangiti akong tumayo at humarap sa kanya.

"Mukhang mabait na bakla."

"Putangina mo! Peste!"

Sinuntok ako ni Oure at sinuntok ko rin ang bakla.

"Pakyu mo ring bakla ka!" sigaw ko.

Nagchicheer pa ang mga kaklase namin at may nakatinging ibang mga estudyante.

Nagsapakan pa kami ni Oure hanggang sa biglang tumahimik ang paligid.

"Ang galing niyo naman." sarkastikang sabi ng pumasok.

Di na namin kailangang lumingon para makilala namin kung sino 'yon pero tinigil namin ang ginagawa namin at tumingin sa kanya.

"Ms. Shun."

"Now, Roa. Pumunta ka sa detention room. Oure, pumunta ka sa faculty room para gumawa ng paperworks. The rest of you na pinanood lang ang mga walanghiyang 'to na mag-away, zero." Nilagyan niya ako ng isang handcuff, palatandaan na nasa detention hours ako. Si Oure naman, binigyan ng red note na dapat niyang ibigay sa in-charge sa mga nadetention sa faculty room.

Yup. 'Yan si Ms. Shun. Terror siya at dinindiscriminate ang mga estudyante. Maganda siya, maarte, o.a., maldita, at not a good sport. Siya ang pinakapakyu na example ng teacher.

Wala na kaming nagawa ng inutusan niya kami. Mahirap 'yang kalabanin. Rinig kong kinakama 'yan ng principal.

"Opo."

Nang nakalabas na kami sa room, sinuntok ko ulit si Oure.

"Ble!" sabi ko at tumakbo. Narinig ko pang nagpakyu ang gago.

-----------------------------------

Ipinasok nila ako ng mga patrolling officers sa detention room at kinulong kasama ang tatlong babae.

Isa ang nakatawag ng pansin ko, isang babaeng kulay dilaw ang buhok.

Hula ko, class 4- F siya. Sila lang naman ang naisyung hindi sumusunod sa color code ng buhok na itim. Sabi rin ng iba, natural na ang kulay ng buhok nila.

Lumapit ako sa dalawang babae at nagtitili naman ang dalawang malalandi.

"Hi R-Roa! Ahhhhhhhhhhhhhh!"

"Ay! Ang gwapo mo! Wahhhhhhhhhhhh!"

Nakakarindi pero nginitian ko na lang sila.

"Hi. Anong ginagawa niyo rito?"

Nilagay ng isang malandi ang buhok niya sa gilid ng tenga niya.

Sus! Uso na ba talaga ang pabebe ngayon?!

"Uhm, k-kasi. 'Yan kasing walanghiyang letseng 'yan! Sinabing masama raw kayo! Hmmp!" maarte nitong sabi.

"OMG! Anong pinagsasabi mo?! Eeeewwwww. Grabe ka ha? Ang galing mong gumawa ng storya!" Biglaang nagsalita ang blonde at nagmamaktol na nagmartsa papunta sa amin. "Pero, I don't care. Basta, ikaw ang nagmumukhang pathetic. Ble!"

Natawa ako dahil sa pagiging isip-bata ng blonde 'to at isa pa, matalas lang ba ang pandinig ko o parang palagi lang talagang sumisigaw ang blonde na ito?

Nagpatuloy sa pag-aaway ang blonde at ang dalawang babae. Para na silang may sariling mundo dahil sa pagsisigawan nila.

Naupo na lang ako sa isang sulok habang patuloy silang tinatawanan. Pinapalakpakan ko pa sila paminsan-minsan.

Maya-maya, pinalabas na 'yong dalawang babae dahil naaksidente raw ang mga boyprend nila.

"Ha! Tingnan mo nga 'yon! Hahahaha! May boyfriend pala ang mga walanghiya! Pfft. Hahaha! Feeling single pa sila! Hahaha!" natatawang sabi ng babae at naluha na dahil sa kakatawa.

Lumapit ako sa kanya.

"Hoy, baliw! Di ka ba titigil sa kakatawa?"

Sandali siyang nagpokerface pero tumawa ulit.

"Hahaha! I'm Ryo from Class 4-F! So, you're Roa? Narinig ko kasing tinawag ka ng bitches kanina!"

Kailangan niya ba talagang sumigaw?

"Yeah. Class 4-F ka pala?" Tiningnan ko siya nang maigi. "Sikat na kayo sa skwelahan."

Matagal bago siya nagsalita.

"Wow! Talaga?! Hindi ko inakalang sisikat kami." Ngumuso siya. "Pa'no ba kami sumikat? Eh sakit sa ulo lang ang dala namin. Hahaha!"

Yeah right. Sumasakit din ang ulo ko dahil hindi na kami masyadong sikat dahil sa inyo.

I love attention. Kaya ayoko sa mga taong sumisikat ngayon at pinagtutuunan ng pansin. Pakyu na lang nila.

Pero, hindi naman ako bababakla-bakla kagaya ni Oure na pumapatol sa babae kaya I'll let it slide this time.

Haha! Mukha naman kasing mabait 'tong babaeng 'to. Makipagkaibigan kaya ako. Hindi naman nakakasakit 'to, tama?

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now