Chapter 4.1

23 0 0
                                    

Chapter 4.1- Welcome?

Sei's POV

Nagsimula na kaming maging 'close' rito sa Class F. Simula noong first day namin dito.

Nakilala ko pa ang mga bruha at nagkaroon ako ng ibang pananaw sa buhay dahil sa kanila except sa basketball. Pareha kami niyang mga 'yan eh. Kontra na kontra namin ang basketball.

Nilaro-laro ko 'yong gunting ko habang nakakunot-noo.

Sabi ni Ms. A, may program daw ngayon para sa welcome kuno. Welcome, welcome. Eh, isang linggo na kaming pumapasok, saka pa magwewelcome? Tss.

"Sei, Sei!" sigaw ng babaeng loudspeaker.

'Tong isang 'to, kung sino-sino ang kasama.

Sinamaan ko sila ng tingin ni bubwit. Kanina pa 'tong dalawang 'to.

"Ano na namang kailangan niyo?"

"Tingnan mo si Blue."

Ginawa ko naman bago binalik ko ang tingin sa kanila.

"Bakit?"

"Ah, Sei naman eh!" Ngumuso ang babaeng loudspeaker. "Okay na ba?"

"Hindi."

"Anong kulang?" mahinahong tanong ni Tetsu.

Napakahinahon ng taong 'to. Kelan kaya 'to matataranta?

Anyways, sinagot ko na lang silang dalawa para lumayas na sila sa harapan ko.

"Lalaki 'yan. Dapat itim ang ribbon. Huwag niyong damitan, baka magsalita 'yan."

"Hahahahahahahahahaha!" Malakas akong tinapik-tapik ng babaeng loudspeaker. Nasasaktan ako ah baka masaksak ko siya. "Ang galing mo talagang magjoke Sei. Hahaha. 'Huwag niyong damitan, baka magsalita 'yan'. Hahaha!"

Peste. Ginaya-gaya pa ng babaeng loudspeaker ang pananalita ko.

At anong joke?! DI AKO MARUNONG MAGJOKE HOY!

"Ryo, seryoso siya." sabi ni Tetsu kaya unti-unti siyang tumahimik at ngumiti nang alanganin sa akin.

"H-Hehe, akala ko j-joke eh-- halika na, Tetsu!"

Ayon, umalis na rin pero may peste namang dumating, si girl labo at girl tan.

Partners partners ang trip nilang lahat ngayon.

"Sei, anong zodiac sign mo?"

Alam kong kukulutin lang nila ako kaya napilitan akong sumagot.

"Libra."

Inayos ni girl labo ang salamin niya bago tumikhim at nagsalita.

"Hindi tayo parehas."

"Oh tapos?"

*pak

Binatukan ako ni tan girl o girl tan wat eber kaya hinimas-himas ko ang batok ko.

"Anong 'Oh tapos?'? Dapat sabihin mong 'Talaga?'. Ikaw talaga. Tsk. Pa'no kung iyakin si Shin? Baka kung iyakin 'yan, sinisisi ka na niyan ngayon."

Psh.

"Pero di naman, di ba?"

Natampal ni tan girl ang noo niya at nagsalita.

"Oo na. Basta, gusto ka lang naming pasayahin. Kaninang umaga ka lang simangot nang simangot diyan. Hindi naman sa di kami sanay. Iba lang talaga ang aura mo ngayon." paliwanag niya.

"Nararamdaman kong itim ang aura mo mula pa kanina." sabi ni girl labo.

Psychic na rin pala siya.

"Gusto niyo akong 'pasayahin'?" Baka 'binuwisit'? "Huwag niyo na akong 'atupagin'." O 'abalahin'.

"Okay. Basta, nandito lang kami sa tabi_-tabi kong may problema ka." pahabol ni girl tan.

Ang sumunod na nangbuwisit sa akin ay ang tandem ng babaeng matakaw at ng warfreak.

"Hoy Sei, anong problema mo diyan? Kanina pa 'yang nakabusangot ang pagmumukha mo ah." mapang-inis na sabi ng warfreak sa akin.

"Gusto mo ng donut?"

Tinanggap ko mula sa babaeng matakaw ang isang donut. Kahit papaano, tig-isa lang siya kung magbigay eh ang dami-dami niyang kinakain. Tsk.

"Tsupi. Umalis na kayo. Mas lalo niyong sinisira ang araw ko."

Madaling kausap ang babaeng matakaw. Umalis siya pero ang isa rito, kasingtigas ng narra ang ulo.

"Itong ganda kong 'to, tsk, sumisira sa araw mo? Aba! Baka naiinggit ka lang, ha?"

Kapal ng apog nito. Psh.

Inirapan ko na lang ang warfreak. Sakto namang dumating si Ms. A.

"Come on girls. Welcome program na pala sa indoor gym. Huhuhu. Di tayo nasabihan." sabi ni mam.

"Ganyan naman palagi kapag class F mam eh, lagi lang binabalewala." Tumingin si warfreak sa amin. "Kung sana iniwan niyo na lang ako rito, di kayo madadamay sa pagdidiscriminate nila sa class F." emosyonal niyang sabi.

Hugot pa more.

Biglaang pumasok si girl tan sa eksena at binatukan si war freak.

"Ulol mo. Kung papipiliin kami, dito pa rin kami sa Class F. Mahirap kasi kung nasa itaas kang mga klase. Lagi ka lang mapepressure. Kaya Agia, huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Wrestling na lang tayo." Siraulo talaga 'tong si girl tan.

Dumagdag pa si babaeng loudspeaker.

"Tama siya---di 'yong may wrestling ha pero 'yong hindi mo dapat sisihin ang sarili mo Agia!" aniya.

"Oo na, oo na. Mga walanghiya! Pinagkaisahan niyo ako. Pumunta na nga tayo sa gym." walang nagawang sabi ni warfreak.

Pero, inisip ko ang gym. Sigurado akong may paandar ang mga estudyante sa upper classes sa amin.

Napangiti ako.

Subukan lang nila. Walang makakapigil sa aking sirain ang lahat ng sagabal sa daraanan naming lahat.

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now