Chapter 7.3

37 0 1
                                    

Chapter 7.3- After class

Alas kwatro na ng hapon. Tapos na ang klase ng mga estudyante at maglilinis na lang ng mga room nila para sa points nila sa homeroom .

Ang Uncrowned Kings at ang iba pang miyembro ng basketball club ay nauna na sa gym. Ang men's basketball team ay may limang miyembro lang at ngayon, may magtatryout para masama sa team kahit di masali sa grupong Uncrowned Kings na minana nga ng limang basketbolista mula sa mga ama nila.

Sa women's basketball team, wala itong mga miyembro. Awtomatiko na sanang kasali sa team ang 4-F pero dahil nga walang tiwala si Ms. Shun, ang teacher-in-charge sa women's basketball, pinatryout pa ang pitong mga babae ng 4-F. Walang minimum o maximum na numero para sa matatanggap sa Women's basketball team.

Ang nasa 4-F ay di na pinalinis ng room dahil malinis na ang room nila. Kahit mahilig sa basag-ulo ang mga estudyante rito, di naman sila burara.

Pinapraktis din sila ng adviser nilang si Ms. Shun dahil sinusuportahan niya ang mga estudyante niya nang bonggang bongga.

Ang binigay ni Toma kanina kay Ryo ay libro tungkol sa basics at rules ng basketball. Kinantyawan pa siya ng mga gaga dahil baka nainlab na si Toma sa kanya pero sinumpong na naman siya ng kabitteran. Sabi niya 'Ha! Gago lang ang magkakainteres sa akin at pagmamahal? Please. Naniniwala kayo diyan?'. Mapait ang pagkakasabi niya rito kaya nakatanggap siya ng anim na batok.

Si Ryo at Tetsu ang nagturo sa kanila sa basics at rules kaninang tanghali. Madali naman silang matuto kaya hindi sila nagkaproblema. Ngayon, ang problema nila ay kung paano magtryout nang normal. Matagal na kasi nilang alam na namana nila ang estilo ng pagbabasketball  nila sa kanilang mga ama.

"4:25 na." sabi ni Ms. A kaya nagsitayuan na sila.

"All for one!"

"And one for all!"

"Bayanihan of the pipol!"

Natawa na lang si Ms. A sa kalokohan ng mga estudyante niya at pinapunta na sila sa gym.

Sa gym, dagsa ang mga estudyante na para bang manonood ng championship. Narinig kasi nila na anak pala ng sikat na Generation of Miracles at ni Taiga Kagami ang pitong mga taga-4-F.

"Ay bet ko na ang 4-F! They're mysterious ha?"

"Oo nga. Kaya pala ang aangas!"

"But magaling kaya sila sa basketball?"

"Who knows?"

"But wait, ano bang uri ng tryout ang ipagagawa sa kanila?"

"Baka 'yong magpakitang gilas na style ng tryout!"

"Yeah. Pero pwede ring 'yong may kakalabanin sila."

"Oo nga noh? Pero, I hope mananalo ang 4-F! They look cool!"

"Sinabi mo pa. Wait, sinong favorite mo sa kanila?!"

"Si Tetsu! She's so cute kasi!"

"Mine's Sushi. She's so tall! Nakakainggit!"

Bulungan na naman ang naganap sa gym. Napakaingay. Sinabayan pa ito ng mga official fangirls kuno ng Uncrowned Kings.

"They are uncrowned who heat the crowd! For us, they're kings, the five siblings! The crown's for them! They always win! Go Uncrowned Kings!" pagkanta ng mga fangirls na boses-palaka.

"Ang ingay." reklamo ni Oure habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. Nang tumayo siya, pinagsabihan niya ang mga fans nila. "Shut up girls." aniya at nakasimangot na bumalik sa bench niya. Hindi kasi nakinig ang mga fangirls at humiyaw pa dahil kinausap sila ni Oure.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Kinausap ako ni Oure!"

"Hindi kaya! Ako ang kinausap niya!"

"Mga bruha kayo! Ako ang kinausap niya!"

"Ahhhhhhhhhhh! Ako!"

Nagtawanan ang apat na hari nang narinig nila ang kaguluhan ng kanilang fans.

"Grabe pare. May nagkakamali pala talaga at nagkakagusto sa'yo." pang-aasar ni Roa kay Oure kagaya ng lagi niyang ginagawa. "Kung sabagay, mukha ka kasing mabait."

Ayan na naman si Roa sa pang-aasar niya tungkol sa malaanghel na mukha ni Oure ngunit, sa pagkakataon ito, di na siya pinatulan ng huli.

Tahimik lamang si Oure habang nagpipigil ng kanyang sarili na magwala at sapakin si Roa.

Napatingin sina Toma, Roa, at Kei kay Teip nang biglaan siyang humagikhik. Nakatingin ang binata sa isang direksyon at nang sinundan ng tatlo ang tinitingnan nito, nagulat sila sa kanilang nakita.

Kakapasok lang ng pitong kalalakihan sa gym at nakasuot ang mga ito ng panggangster na mga damit. Nakashades silang lahat na para bang nasisinagan ng araw at tadtad ng tattoo ang mga katawan na sa katotohanan ay temporary tattoos lamang. Nakasuot din ang mga ito ng mga round cap at piercings, tipikal na mga gamit ng mga gangster.

"Sino sila?" takang bulungan ng mga estudyante.

"They don't look like our schoolmates."

"Paano sila nakapasok?!"

"In fairness ha? Ang hot nila."

Lingid sa kaalaman ng lahat, maliban kay Teip na alam kung sino ang mga dumating dahil tinawagan siya ng mga ito, ang mga dumating ay ang mga nakadisguise na generation of miracles.

Syempre, di nila palalampasin ang isang pangyayaring makapagpapabago sa kanilang mga anak.

"Mga tol, humanap muna tayo ng pwesto." ani Shintaro at nagpalinga-linga sa paligid. "Ang daming tao. Parang may interschool lang."

Napatango ang mga kasama niya at pumunta sila sa isang magandang pwesto kung saan kitang-kita ang mga pangyayari sa court.

"Ang tagal." reklamo ni Daiki kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Ryota.

"Baliw! Ang arte nito." aniya. "Baka naghahanda pa ang mga anak natin."

Inirapan ni Daiki si Ryota at binelatan naman siya ng huli.

"Para kayong mga bata." sabi ni Tetsuya habang nagmamasid sa paligid. "Buti pa ang mga anak niyo, magkasundo."

"Tsk. Sila lang." bulong ni Daiki.

Crunch. Crunch. Crunch.

Crunch. Crunch. Crunch.

Crunch. Crunch. Crunch.

Crunch. Cru-----.

"Manahimik ka nga!" inis na sita ni Taiga kay Atsushi na rinig na rinig ang pagkain. "Pasalamat ka nasa eskwelahan tayo!"

Crunch. Crunch. Crunch.

Naasar na lang na nanahimik si Taiga dahil kain pa rin ng kain si Atsushi.

"Nandito na ang mga bubwit." ani Seijuro. Manang-mana talaga si Sei sa kanya.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ang coooooooooooooooool!"

Hiyawan agad ang sumalubong sa pitong dalagita.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

"Parang kinakatay lang." naasar na bulong ni Sei at nagpalinga-linga sa paligid para hanapin kung saan ang pwesto nila.

Nakita niya naman agad si Ms. Shun at sinabihan ang mga kasama niya na lapitan na nila ang bwisit na teacher.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now