Chapter 3.1- Summer Over
Shin's POV
'Today, you will encounter a problem but will be easily solved because of a new friendship. You will have bad luck if you'll eat breakfast. Your lucky item today is a white candy cane key chain.'
Ito ang nasa horoscope ko ngayong araw na ito.
Tinitigan ko ang naubos ko ng almusal at in iadjust ang salamin ko.
"May problema ba Shin?"
Tiningnan ko si papa.
"Nakalimutan kong basahin nang maaga ang horoscope ko. Ngayon, mamalasin ako at saka saan po ako makakabili ng white sugar cane na key chain papa?"
Inayos ni papa ang salamin niya.
"Ako ang bahala."
Tumakbo si papa papunta sa taas at nang bumalik siya, may dala na siyang keychain na candy cane. Kaya lang, it's not white.
"May white wash ka ba?"
"Meron po."
Binigay ko kay papa ang white wash at pinintahan ng puti ang candy cane na key chain.
"Ayan, may lucky item ka na." Binigay ni papa sa akin ang key chain.
Ngumiti ako.
"Thanks papa. Aalis na po ako."
Tumango si papa at uminom ng kape.
Pagkatapos, dumiretso ako sa kotse ko at sinabihan si manong na aalis na kami papuntang skwelahan, ang Reverse Junior High.
---------------------------
"Tigil!"
Nabigla ako nang biglaang huminto si manong.
"Bakit po?"
"Mam, may babae pong nakaharang sa daan."
Nakaharang?
Tiningnan ko kung sino.
Is that Ryo?
Lumabas ako ng kotse at kinausap siya.
"Ryo, may problema ba?"
"Oo mero--Shin?! Ikaw ang may-ari ng walanghiyang BMW na 'yan?!"
-------------------------
"Ganon pala." sabi ni Ryo habang namumula. "Sorry talaga! Hindi ko kasi alam na sa inyo pala ito! Nakakahiya."
Nandito kami sa loob ng kotse ko habang tinatawanan ko si Ryo.
Siya pala 'yong naputikan dahil sa kotse ko.
Kinuha ko ang magazine ni Ryo na nahulog niya noon sa tapat ng 7/11 at binigay sa kanya.
"OMG! Salamat! Nasa sa'yo pala. Akala ko kung sino ang nakapulot eh. Binili pa naman 'to ni papa at pinirmahan niya pa!"
Tumawa ako.
"Sa susunod kasi, huwag mong unahing magpalit ng damit at magpanic."
Kinamot niya ang ulo niya.
"Hehe. Mukhang ganon na talaga ako eh."
Nagtawanan nalang kaming dalawa.
Hindi talaga nating mapigilan ang pagiging sarili natin.
"Nandito na po tayo." sabi ni manong.
Pinauna kong bumaba si Ryo.
Bababa na sana ako pero may sinabi si manong.
"Ngayon ko lang kayo nakitang tumawa nang ganoon mam." nakangiti niyang komento. "Mabuti talagang magkaroon ng kaibigan."
Nginitian ko rin si manong.
Pagbaba ko, nakita ko si Ryo na tumitingin sa paligid na parang batang bago pang nakarating sa Disney land.
For the nth time ngayong umagang 'to, ngumiti ako.
Nakakatuwa ngang magkaroon ng kaibigan.
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
FanfictionThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...