Chapter 3.4- Summer Over
Agia's POV
Ang sarap talagang makipag-away. Nakakawala ng stress.
Kung di lang dumating 'yong adviser namin, baka nagpatayan na kami ni Sei.
"7 beautiful girls pala ang mga first aadvisan ko!" Nangunot ang noo ko nang biglaan siyang umiyak. "Alam niyo kasi *sniff *sniff. 10 years na akong *sniff *sniff nagtatrabaho sa school na 'to pero *sniff hindi pa ako naging *sniff adviser kahit kailan o makapagturo *sniff man lang. Ang saya ko nga *sniff kasi may mga magiging estudyante *sniff *sniff na ako kahit pito *sniff lang."
Nagpokerface ako dahil sa kakasinghot niya.
"Mam, umayos ka. First day mo." seryosong sabi ni Sushi bigla at binigyan ng push pop si mam. "Sa'yo na 'yan mam at bago mo 'yan kainin, magpakilala naman."
"*sniff Maraming salamat my *sniff beautiful student. Ako nga pala si *sniff Ms. A Zenith. Yes, A ang first *sniff name ko. I'm 29 years of *sniff age and my *sniff *sniff status is not complicated because I'm not interested in *sniff love."
"Weh? Wala sa itsura mo." sabi ko. "Tumigil ka sa kakasinghot. Oh." Binigay ko ang bimpo ko kay Ms. A. Mahirap na.
"Salamat. Ang babait niyo namang mga bata. Bakit kayo napunta rito?" tanong ni mam habang sinisingahan ang bimpo ko.
Kadiri.
"Mam, I think mas cute kung magpapakilala muna kami." sabi ni Ryo.
"Ah, yes yes. Nakalimutan ko! Naeexcite lang ako masyado. Okay class, introduce yourself one by one starting from Ms. Beautiful , the one nearest to the door. Say your name at sabihin mong bakit ka nandito sa Class F."
Ang weirdo naman ng skwelahang 'to. Kung sino mang may gawing mali, sa Class F any bagsak. Ang peste naman ng mga namamahala rito.
Tumayo si Sei. Siya kasi ang tinutukoy ni mam.
"Sei Akashi. Nandito ako dahil nadamay ako sa sitwasyon ng isang bubwit." 'Yon lang ang sabi niya.
Sumunod na tumayo si Tetsu at kasama niya ang aso niyang si Blue.
"Ako ang bubwit na sinabi ni Sei. Tetsu Kuroko. Napagkamalan akong elementary trespasser at nandito rin ako dahil bawal ang mga aso rito. Ang aso ko ay si Blue at tinulungan kami ni Sei kanina." mahinahon niyang paliwanag at umupo na.
Tumatakbong pumunta sa harap si Ryo. Halatang excited eh.
"Hi! I'm Ryo Kise. I'm 16 years old. All of you are now my friends. No buts. No objections. Thanks!" Aalis na sana siya sa harap pero bumalik siya agad. "Nandito ako dahil gusto kong sumama sa inyong lahat! Hehe!"
Baliw talaga ang isang 'yon.
Tumayo si Shin at pumunta sa harap.
"Shin Midorima. I'm a Virgo." Inayos niya ang salamin niya at yumuko. "Sana ay magkasundo tayo. Nandito ako dahil may binugbog ako." Pagkatapos ng sinabi niya ay naupo na siya.
Si Aiki na ang sunod.
"Aiki Aomine is the name. Kasama ko si Shin kaninang nambugbog. Gusto kong magwrestling." At tumawa siya.
Isa pang baliw.
Mukhang magkakasundo sila ni Ryo. Di sila kagaya nina Tito Ryota at Tito Daiki noon.
"Hi. Sushi Murasakibara. Mas trip kong kumain kaysa gawin ang ibang bagay." Ngumuya muna siya. "Nandito ako dahil kumain ako. Pikon lang talaga 'yong nauna kong teacher."
Natawa kami dahil sa sinabi niya.
Seryosong joker ang isang 'to.
Umupo na siya at ako naman ang sumunod.
"I'm Agia Kagami." 'Yon lang? Oo. 'Yon lang.
Wala akong balak sabihin sa kanila kung bakit ako nandito.
"Hoy! Di ka ba nakinig? Sabihin mo kung bakit ka nandito." seryosong ani Sei.
Ngumisi ako sa kanya.
Peste talaga 'to. Lahat ng bagay napupuna. Mapipilitan na akong sabihin ang dahilan ko.
"Manahimik ka nga. Di pa nga ako tapos!" Bumuga muna ako ng hangin. "Failed ang lahat ng grado ko last year. Swerte nga lang ako at nakapagfourth year pa ako." Iba ang mga tingin nila kaya nagsalita na naman ako. "Nga pala, huwag niyo akong kaawaan."
Dumiretso na ako sa upuan ko at tumingin sa teacher naming kanina pa tulala.
*kring *kring
Tapos na ang klase.
Gaya ng inaasahan ko, may kumatok at narinig ko ang pagbukas ng sliding door.
"Ms. A, nandito kami para sabihin sa inyo na ang anim na batang may ginawang kalokohan ay pwede ng bumalik sa mga klase nila."
Tumingin ako kay mam at saka umiwas ng tingin. Tinitigan ko ang mga ulap.
Saglit lang ang kaligayahan, mam pero kung magwawakas ito, ang panghihinayang ay pangmatagalan.
Sanay na akong maiwan palagi sa class F. Nakakaproceed lang nga ako sa ibang baitang dahil sa papa kong sikat na basketball player.
Sa 16 years ng buhay ko, naramdaman kong unti-unti na lamang akong umaasa sa pagbabasketball ni papa para makapagtapos ng pag-aaral. Di ko ito mapigilan. Wala naman akong kwentang tao eh. Basag-ulo lang naman ang alam ko.
Narinig ko ang mga yabag ng paang unti-unting lumalayo.
Ayan na. Maiiwan na naman akong mag-isa, talunan.
Narinig ko ang mga kalabog at mga yabag ng paa.
"Hoy."
Tumingin ako sa gilid ko nang may kumalabit sa akin, si Sei.
Magyayabang ba 'to dahil class F lang ako.
Ngumiti si Sei at tinuro ang napakaraming guro at estudyanteng bugbog sarado.
Sila ba ang may gawa niyan?
Tiningnan ko si mam na nakangiting umiiyak at saka tiningnan ko ang anim na mga siraulong babae.
"Ano? Pwede na ba 'yang passport para maging Class F?" tanong nila.
Ngumiti ako sa kanila at isa-isa silang binatukan.
Di ko mapigilang maiyak.
'Tong mga pesteng taong 'to-----
Napangiti ako.
------pinili nilang sumama sa akin at obligado akong alagaan silang lahat.
Peks man, gumunaw man ang mundo, o kung ano pang kaputaan ang mangyari, masaya akong nakilala ko ang mga siraulong 'to.
Letse ah. Ang korni ko 'ata.
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
FanfictionThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...