Chapter 6.2- BB plan
Tetsu's POV
Pinadala kami ng teacher sa student council office. Naabutan namin dito ang president at vice president.
Tiningnan ng captain ng basketball team na si Toma si Ryo bago dumako ang tingin sa amin.
Mukhang may gusto siya sa kanya.
"Gray card?" tanong niya habang tinitingnan ang card na binigay ni Ryo sa kanya.
"Obvious ba?" pagbibiro ni Agia. "Color blind ka ba? Suntukan oh. Baka gumaling ka."
Tumayo ang isang lalaking matangkad din. Maganda ang katawan niya at maamo ang mukha.
Mukha siyang mabait.
"Tsk. Ang pagiging color blind ay hindi sakit Ms. Agia basagulera." matalim niyang sabi. "Ganyan ka na ba kabobo?"
Nakita ko kung paano kumuyom ang mga palad ni Agia.
"Oure, tapusin mo 'yang ginagawa mo." seryosong utos ni Toma sa lalaking akala naming mabait.
Bumalik si Oure sa kinauupuan niya kanina at sinuot ang isang salamin habang nagbabasa ng libro.
"Hey Oure! Patingin naman ng ginagawa mo!" sigaw ni Ryo at tumatawang tumabi kay Oure. "Whoah! Nosebleed!"
"Tsk." rinig naming usal ni Toma habang nagkasalubong ang mga kilay.
"Selos much?" tanong ni Aiki kaya mas lalo pang nagsalubong ang kilay ng captain.
"Wala kang pakialam." seryoso nitong sabi at tumikhim. "Inaatasan ko ang 4-F na magtrabaho para sa student body."
"Si Ryo ay maglilinis ng Comfort room ng mga lalak----."
Pinutol ni Ryo ang sasabihin ni Toma.
"Yuck! Ew. Gusto kong tulungan si Oure rito!"
Naningkit ang mga mata ng captain.
"Ako ang Student council president. Ako ang masusunod."
"Ble!"
"Aba't. Babaeng si Ryo, ikaw ang dapat maglinis sa com----."
"Ako na." seryosong presenta ni Sei kaya natahimik sila.
"Tutulungan ko siya." sunod na sabi ni Agia.
Pumayag na lang si Toma dahil nakakatakot na ang mga tingin ng dalawa.
"Ms. Tetsu." Tumingin siya sa akin at bahagyang natigilan. "Linisin niyo ang gym kasama si Ms. Sushi."
"Opo." sabi ko.
Tiningnan ko lang si Sushi na kumakain sa isang tabi.
"Ikaw naman Ms. Shin. Sa silid- aklatan ka. Mag- aayos ka ng mga libro."
Tumango lang si Shin at inayos ang salamin niya.
"Ms. Aiki. Alisin mo ang mga bato sa field. Baka masugatan ang mga estudyante kapag madapa sila roon."
Bakit si Aiki lang ang maiinitan?
"Wait! Bakit ako lang ang nasa labas ng field?! Bakit ako lang ang maiinitan?!" ani Aiki.
"Itim ka naman eh. Ayos lang." biglaang sabi ni Sei at tumawa naman si Agia na para bang sinang-ayunan ito.
"Tama siya. Sige. Makakaalis na kayo." sabi ni Toma habang tumitipa sa laptop niya at hindi tumingin sa amin.
---------------------------------
Hindi ako komportable sa loob ng gym pero nanatili lamang akong tahimik habang nagmamop.
Kailangan na namin itong matapos. May mga magpapractice pa.
Sumulyap ako kay Sushi. Nakatulog na siya habang hinahawakan ang kaninang pinupunasan niyang bola.
Lumapit ako sa kanya at mahinang kinuha mula sa kanya ang bola.
Napakagaan nito.
Initsa-itsa ko ito sa ere at inisip kung paano ginagamit ni papa ang bola.
Mukhang ganito iyon.
Initsa ko ulit ang bola sa ere pero sa pagkakataong ito, nang kalebel na ng nahuhulog na bola ang kamay ko, mabilis at malakas ko itong sinuntok papunta sa harapan.
Mabilis ang bola at nang tumama ito sa pader, nasira ito. Biglaan kasi itong naging tila ba nawalan ng hangin na lobo.
Tiningnan ko ang kamao ko.
Nasobrahan ba?
Kailangan ko pang magsanay.
"Akala ko ayaw mo sa basketball."
Nagising na pala siya.
Hindi ako nagkomento sa sinabi niya at tiningnan lang siya.
Bumungisngis siya at naglakad papalabas ng gym.
"Aalis na ako. Mamimili pa ako ng pagkain."
Kakaiba si Sushi.
Bakit kaya gustong gusto niya ang kumain?
----------------------------------
"Hey, bata!"
Napatingin ako sa nagsalita.
Isa siya sa Uncrowned Kings. Sa pagkakaalam ko, pinakamagaling siya sa dribbling.
"Roa."
"Whoah?! Kilala mo ako?! Haha!" Tawa lang siya ng tawa.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ko.
Napatigil siya at tumawa ulit.
"Sikat pa rin talaga ako. Hahaha!"
Nagtaka ako.
"Ganoon ba kaimportante ang kasikatan sa'yo?"
"Yep."
Tumahimik na lang ako sandali para mag-isip. Nang nakapag-isip na ako, nagtanong ulit ako.
"Kaya ba gusto mong magbasketball?"
Nahulog siya sa kinauupuan niyang bench na para bang nagulat siya sa paglapit ko.
Tumawa rin siya pagkatapos.
"Haha! May lahi ka bang multo?! Pfft. Hahaha! Halos atakihin na ako sa'yo!" sabi niya. "Tungkol sa tanong mo, hindi 'yon ang dahilan kung bakit nagbabasketball ako. Teka, pa'no ko ba 'to sasabihin?" Nagkamot siya ng ulo. "Masaya ako sa basketball kahit mga gago ang kasama ko. Hahaha!"
Napatingin ako sa kanya nang maigi.
Masaya?
Tinitigan ko ang mga bola na nasa lalagyan ng bola.
"Ikaw?"
Bahagya akong nagulat dahil sa tanong niya.
"Bakit?" Hindi ko maintindihan kung para saan ang kanyang tanong.
"Well, ikaw? Gusto mo ba ang basketball?"
Hindi ako sumagot.
Gusto ko ba ang basketball?
"Kung gusto mo ang isang bagay pero hindi mo 'yon pwedeng gawin, nangangahulugan bang di mo na ito gugustuhin?"
Mukhang nagtaka siya sa tanong ko pero sumagot naman siya.
"Eh? Hindi naman siguro. Kung gusto mo, gusto mo. Kung hindi, hindi. Haha! Ikaw lang naman ang nakakaalam niyan!"
Yumuko ako at nagpaalam na.
Ngayon, alam ko na ang gusto ko. Hindi ko inakalang isang maingay na lalaki ang makakatulong sa akin.
YOU ARE READING
Reverse: Version 1.1
Fiksi PenggemarThis is a fanfic Tagalog story of the daughters of Seijuro Akashi, Tetsuya Kuroko, Ryota Kise, Shintaro Midorima, Daiki Aomine, Atsushi Murasakibara, and Taiga Kagami whose names are Sei Akashi, Tetsu Kuroko, Ryo Kise, Shin Midorima, Aiki Aomine, Su...