Chapter 2.2

22 0 1
                                    

Chapter 2.2- Force



Tetsu's POV



Si Sei, mahilig sa fencing.



Si Ryo, tennis.



Si Shin, high jump.



Si Aiki, wrestling.



Si Sushi, pagkain.



Si Aiga, pakikipagbasag-ulo.



Akin, darts.



Walang may gusto ng basketball. Bakit kaya?



"Hey, hey. Friends na tayo ha?"



"Oo." sabi ko kay Ryo kaya ngumiti siya.



"Kayo?"



"Yeah. We're friends."



"I think compatible ang zodiac signs natin."



"Oo kung bibigyan mo ako ng pagkain."



Natuwa kami dahil sa sinabi nila pero sina Sei at Agia, hindi nagsasalita.



Tumayo si Sei at sinabing, "Di ko kailangan ng kaibigan."



Naglakad siya palayo at di namin alam kung saan siya pupunta.



"Ikaw?" tanong ko kay Agia. "Tatayo ka rin ba?"



Nagsalubong ang kilay niya.



"Pag-iisipan ko."



"Okay."



Biglaang dumating si tita Momoi.



"Uhm, hello girls. Importante ang araw na ito para sa akin kasi uuwi ang anak ko mula sa labas ng bansa. Gusto ko kasing magmaid costumes kayo. Pwede ba?"



May anak pala si tita.



Biglaang dumating si Sei.



"And why po?!" Mukhang nagtitimpi si Sei.



"Uhm, oo nga po tita. Cute ang maid outfits kaya okay lang sa akin pero bakit po?!" tanong ni Ryo.



"Eh kasi, uhm. How should I put this?" Nagbuntong-hininga si tita. "I want him to like you."



"Like? What the heck? Anong like?!" sigaw ni Agia nang tumayo siya.



"Eh, wala pa kasing girlfriend si Omio, ang anak ko."



"Nonsense! Hindi dapat pinupwersa ang isang tao para magustuhan ang ibang tao. Pa'no ang horoscope?!" ani Shin.



"Tama siya kahit wala akong alam sa horoscope! That's nonsense tita!" Si Aiki naman ang nagsalita.



"I don't care about love. I have food." Totoo ang sinabi ni Sushi.



"Uhm, gwapo ba siya?"



"Is he sporty?"



"Teka, wala akong paki!"



Nagsalita sila nang nagsalita hanggang sa di ko na sila maintindihan.



"Magtatanong po ako." mahina kong sabi.



Biglaan silang tumigil lahat at tumingin sa akin na para bang nagulat sila na nandito ako.



"A-Ah, sige lang iha."



"Nakita niyo ba ang aso kong si Blue?"



"............----...." Parang may naririnig akong cicada.



Walang sumagot kaya sina papa na lang ang tatanungin ko.



~~~Ding dong~~~



Tumatakbong dumating sina papa.



"Si Omiocchi na yata 'yon!" natatarantang sigaw ni tito Ryota.



Nagpapanic ang halos lahat at ang iba, nag--aaway kaya ako na lang ang sasalubong sa anak ni tita.



May nakita akong maid costume at sinuot ito.



Dumiretso ako sa gate at may narinig ako.



"Ma! Si Omio 'to! Nandito na ako!"



Binuksan ko ang gate at nagulat ang lalaki nang makita ako.



"Uhm, katulong ka ba ng mama ko?"



"Hindi. Ako si Tetsu. Sabi ni tita magsuot daw kami ng maid outfit dahil wala ka pa dawng girlfriend."



Tumatawa siyang pumasok at sinarado ko na ang gate.



"Aw,aw." Si Blue.



Lumapit si Blue sa akin.



"Blue, ibigay mo 'to kina papa." May stick akong binigay kay Blue na may nakalagay na 'Nandito na siya.'



"Aw,aw." Tumakbo na si Blue papalayo.



"Aso mo ba 'yon? Haha. Nagkakaintindihan kayo?"



Tumango ako at tumawa na naman siya.



"Marami bang tao sa loob?"



"Oo. Nandoon ang generation of miracles."



Nagliwanag ang mata niya.



"Talaga?!"



Tumango ako at nagmamadali siyang pumunta sa bahay.



Ang tangkad niya.


Reverse: Version 1.1Where stories live. Discover now